673 Sino nga ba ang pipiliin mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ano ba ang gusto niya at tinanong akong mamili ng partner na lalaki?!

Umabot sa panibagong lebel ang tanong na ito para kay Ye Wan Wan.

Ang reaksyon ni Luo Chen ang pinaka-dramatiko - tuluyan na siyang nagulat. Si Han Xian Yu na nasa tabi ni Ye Wan Wan, ay napatigil sa gitna ng hangin ang baso na kanyang hawak, habang si Gong Xu naman ay nakatingin lang kay Ye Wan Wan ng hindi kumukurap.

Kasuklam-suklam na tumawa si Tang Xing Huo; tila bang hiling niyang magkaroon ng gulo sa mundo at nagbigay-diin pa, "Ye-ge, kailangan mamili ka sa mga nandito ngayon, oh!"

Nasabik ang lahat at isang matapang at walang pigil na teen idol ang malanding sumulyap kay Ye Wan Wan. "Ye-ge, piliin mo ako, piliin mo ako!"

"Tabi! Tingin ko mas gusto ni Ye-ge ang mga lalaking katulad ko!"

Nang makita na nilalandi ng mga lalaki si Ye Bai, hindi na nakapigil ang mga babae.

"T*ngina! Wala ba kayong class? Tsaka, bakit kailangan lalaki lang, huh?"

"Oo nga! Tang Xing Huo, ano 'yung ginagawa mo?"

"Bakit hindi mo din siya tanungin na mamili ng babae dito sa kwarto na maging girlfriend niya? Madaya 'to!"

Nagpaka-inosente si Tang Xing Huo at nagkibit balikat nang mag-umpisa nang magreklamo ang mga babae. "Kung gusto niyong magtanong, mamaya niyo na lang siya tanungin! Pero paalalahanan ko lang kayo na nakatali na 'yan si Ye-ge, kaya 'wag kayong magkakaroon ng ideya eh!"

Nang marinig ng mga babae ang sinabi ni Tang Xing Huo, agad silang malungkot na umugong.

ANO? May girlfriend na si Ye Bai?

"Ay ay ay, punta tayo sa pangunahing punto. Ye-ge, kailangan mo pang sagutin ang tanong ko! Dali, mamili ka, mamili ka!" sabik na paki-usap ni Tang Xing Huo.

Walang magawa si Ye Wan Wan sa mga matang nakatuon sa kanya at simpleng sinabi lang, "Hindi ako bakla."

Tumawa si Tang Xing Huo, "Alam ko, alam ko. Kaya nga sabi ko 'KUNG'! Kapag hindi mo sinagot ang tanong na ito, iinom ka ng tatlong baso ng alak bilang parusa oh!"

Anong meron kay Tang Xing Huo ngayong gabi?

Napakurot si Ye Wan Wan sa kanyang kilay at nag-umpisa ng sumakit ang kanyang ulo. Pinasadahan niya ng tingin ang buong silid at sinubukang maghanap ng ka-angkop-angkop.

Kahit na nagbibiro lang si Tang Xing Huo, sensitibong paksa pa din ito at bilang isang manager, hindi siya pwedeng mamili ng hindi pamilyar sa kanya; kung hindi, magiging mahirap ang mga bagay.

Gayunpaman, sa lahat ng taong pamilyar siya… ibig sabihin ay limitado lang ang mga pagpipilian niya - wala siyang masyadong kilalang mga tao bukod sa mga nakatrabaho niya.

Sina Luo Chen, Gong Xu, at Han Xian Yu… ang mas pamilyar sa kanya kumpara sa iba.

Luo Chen?

Hindi na kailangan pang isaalang-alang ni Ye Wan Wan si Luo Chen at agad na inalis siya.

Alam ni Luo Chen na mabilis na dumaan ang tingin ni Ye Wan Wan sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag, pero hindi pa din niya mapigilang tumingin kay Ye Wan Wan.

Patuloy na nag-isip si Ye Wan Wan.

Kung hindi ko pwedeng piliin si Luo Chen, paano si Gong Xu?

Wala namang moral na prinsipyo ang lalaking 'yon, kaya ayos lang siguro...

Sa sandaling ito, nag-aantay ang lahat sa napili ni Ye Wan Wan.

Nang mapagtanto ni Gong Xu na nakatingin si Ye Wan Wan sa kanya, nanigas ang buong katawan niya. Dineretso niya ang kanyang likod at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya. Tila bang nang-iinit ang temperatura sa lugar na titignan ni Ye Wan Wan at para bang naluluto ang buong katawan niya sa kumukulong tubig...

AH AH AH!

Pipillin ba ako ni Ye-ge?

Hindi nga, hindi nga!

avataravatar
Next chapter