774 Sino ba talaga siya?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Totoo nga, na ang Rosas ng Kamatayan ay isang libro lang na isinulat ng ama ng ating kapitan ng siya ay bata bata. Halos mailarawan niya ang isang kapangyarihan tulad niyan at tumigil na ng magsulat pagkatapos 'yon. Saka ipinanganak ang kapitan at inakala niya na napaka intersado ng Rosas ng Kamatayan, kaya pinagpatuloy niya ang pagsusulat at inilarawan ang Rosas ng Kamatayan ng detalyado ng siya ay bata pa…"

"Tulad ng kung paano ang mga miyembro ng Rosas ng Kamatayan magsuot ng windbreaker na may isang nakapimrentang rosas sa kanila at silver marks -ang lahat ng detalyeng ito ay naisulat nang ating kapitan ng ilang taong gulang lang. Ang pinuno ng Rosas ng Kamatayan, na si Black Widow, na gusto sa lalaki at uhaw sa dugo, ay gawa-gawa lang din ng kapitan!" tumawa ang deboto.

"Pagkatapos 'yon, nilooban ang pamilyang Nie at nawala ang manuscript. Ito yung punto na kumalat ang istorya ng Rosas ng Kamatayan - mula sa sampung tao hanggang sa daan-daan at ngayon, sa tingin talaga ng lahat na mayroong Rosas ng Kamatayan… nakakatawa ito. Sinasalaysay ng lahat na ito ay totoo, ngunit sino ba talaga ang nakakita sa kanila?" sinenyas ng Spary of Flowers ang kanyang kamay ng i-kwento niya ang istorya.

Matapos marinig kung paano dumating ang Rosas ng Kamatayan, natigil si Ye Wan Wan at hindi makapaniwala.

Ang nakakatakot na organisasyon na 'yon… ay talagang… isang karakter na ginawa mula sa isang nakasalansang manuscripts!

At ito ay isinulat ni Nameless Nie nang ilang taon siya?

Nang mapag-isipan itong maigi, iniisip pa din ni Ye Wan Wan wala pa din itong saysay at siya ay kahinahinalang tumingin kay Nameless Nie at sa iba. "Basta-basta mo lang nawala ang manuscripts at gusto mo mapaniwala ako na ito ay totoo - sa tingin mo ba tanga ako…?"

Mabuti na lang, isinulat ni Nameless Nie at ang kanyang ama ang tungkol sa Rosas ng Kamatayan. Paano kung nagsulat sila tungkol sa isang superhuman, huh…

"Boss Ye, hindi mo pwedeng alisin 'yan. Kung ito ay isang ordinaryong tao, sa tingin ko hindi na nila kailangan mag-aabala hanapin ang isang manuscript nang pinasok nila ang bahay, diba… ngunit kailangan mong malaman na ang manuscript na ito ay nawala mula sa samabahayan ng mga Nie sa Europe, kaya walang sino man ang kuwestyon sa katotohanang ito. At saka, ang old master Ye at ang kapitan ay hindi ginamit ang pamantayan ng istilo ng pagsusulat ng istorya upang ilarawan ang Rosas ng Kamatayan - sinulat nila ito sa paraan ng pagsasalaysay na nagdulot sa lahat na lubos na maniwala ng walang pag-dududa," ang sabi ng deboto.

"Ay, ang lahat ng mga ito ay tapos na. Huwag na natin itong pag-usapan. Gayon pa man, hindi ba ipinagbabawal ko sa lahat na pag-usapan ang tungkol sa Rosas ng Kamatayan?" ang sabi ni Nameless Nie.

Hindi naisip ni Nameless Nie ang mga salitang iyon na kanyang sinulat ng siya ay bata pa, ang kapangyarihang gawa-gawa niya, ay magiging isang totoong tao sa mata ng ibang tao.

Tila hindi makapagsinungaling at makapanghusga si Nameless Nie sa itsura ng deboto, Spray of Flowers at ang iba pa, walang magawa si Ye Wan Wan kundi maniwala sa kanilang salita. Siya ay labis na nagulat.

Sino ba talaga itong si Nameless Nie huh…

Isa lamang manuscript na sinulat niya ang ang kanyang ama ay nagkalat sa buong mundo at talagang nagdulot sa lahat na paniwalaan ito. Kahit na ang mga Si ay hindi pinaghihinalaan ang isang bagay…

Sa karagdagan, mula sa sinabi ni Nameless Nie ngayon lang, itinigil niya ang balita sa Rosas ng Kamatayan mula sa pagkalat at hindi sinasadya, ang Rosas ng Kamatayan ay naglaho ng walang kahit anong bakas sa loob ng nakaraang sampung taon. Walang balita tungkol dito maliban ng araw na siya ay nag-panggap bilang kanilang isang pinuno…

Aling parte ng grupong ito bago siya ay sobrang natakot… paanong nagkaroon sila ng isang mahusay na impluwensya, huh!

Ngunit hindi talaga maintindihan ni Ye Wan Wan ang isang bagay - sa kanilang husay, bakit kailangan pa nilang mag-alala tungkol sa pagkakaroon ng sapat na pagkain at mga damit…

Gayon pa man, hindi basta-basta ang grupo ng mga tao na ito, kaya hindi ganap na pinaniwalaan ni Ye Wan Wan ang kanilang sinabi - sinong nakakaalam, maaring sinusubukan nilang kontrahin siya, ngunit hindi talaga maisip ni Ye Wan Wan ang rason kung bakit gustong kontrahin siya ni Nameless Nie.

avataravatar
Next chapter