954 Sino ang pinakamamahal ni Mama?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Bang--" umalingawngaw ang ingay sa buong luxury suite ng hotel. Ang mga dokumento na hawak ni Xu Yi nung una ay ngayon nagkalat na sa sahig.

Hindi niya sinasadyang pamapatingin sa mensahe na nasa telepono ni Si Ye Han, halos natatakot na si Xu Yi hanggang sa punto na mapaihi sa kanyang pantalon.

Bwisit!

Seryoso, ano ang nakita ko?!

Ngayon, iba ang may hawak ng telepono ni Miss Wan Wan. Ginamit din ng taong iyon ang telepono ni Miss Wan Wan upang magpadala ng mensahe sa kanyang master: "magkasama kaming natulog, kagabi"...

Magkasamang natulog?

Ang pitong salita na magkasama ay napaka makapangyarihan; sa totoo lang sila ay isang epic atomic bomb!

Tila nagkapirapiraso ang kaluluwa ni Xu Yi habang matigas niyang nilingon ang kanyang master upang makita ang kanyang reaksyon.

Ang awra ng kanyang master ay naglalabas ng sobrang lamig dahil sa kanyang malamig na itsura at nakakamatay na balak sa kanyang mata.

Sa pagkamahinahon at pang-aamo mula kay Miss Wan Wan, ang kanyang master ay halos malapit ng maging santo. Siya ay hindi mayabang hindi magagalitin at hindi mainipin ngunit dahil sa bagong insidenteng ito, ang lahat ay bumalik kung ano ito dati at ang pintuan ng impiyerno ay muling nag bukas...

"9th… 9th master… baka… may hindi lang pagkakaintindihan dito…" sa sobrang takot si Xu Yi halos hindi niya magawang matapos ang kanyang sinasabi ng maayos.

Gayumpaman, talagang hawak ng ibang tao ang telepono ni Miss Wan Wan ng ganito kaaga. Ipinadala niya ang ganitong uri ng mensahe ng walang maayos na paliwanag!

Tang*na…

Bakit bihirang may mangyari dito kay Miss Wan Wan, pero kapag mayroon naman siyang ginawa, mamatay sa takot ang lahat?!

Tinitigan ni Si Ye Han ang mensahe sa kanyang telepono at biglang may naalalalang siyang ginawa ni Ye Wan Wan habang kausap niya siya bago pa ang gabing iyon.

Ng sinabi ko na babalik ako matapos ang araw…

Ang kanyang tono ay tila para bang hindi niya ako gustong bumalik kaagad…

Hindi niya gustong paghinalaan siya, ngunit sa oras na ito, sinasabi ng kanyang isip na hindi tama ang nangyayari!

"Xu Yi, i-book mo ang susunod na flight sa china."

"Pero…" gustong hindi sangayunan ni Xu Yi si Si Ye Han, ngunit ng makuta niya ang itsura ng kanyang master, inaalis niya kaagad ang kanyang ideya. "Opo! Gagawin ko na ngayon!"

Sa labas ng Munting Bahay ng Rosas.

Sa loob ng sasakyan, tinititigan ni Nie Tangxiao ang mensahe: "Dapat nasagot na ng kanyang caller ID ang iyong katanungan." ang kanyang mukha ay galit na galit sa kanyang madilim na tingin.

Siya ay nanatiling ganun hangga't siya ay sumagot pabalik sa: "magkasama kaming natulog, kagabi." saka lang sumigla ng bahagya ang kanyang itsura.

Ngunit ng makita niya ulit ang naka-save na pangalan ng sender, kaagad niyang tinikom ang kanyang mga labi.

"Baby, andito na si Mama! Alis na tayo!"

Nang marinig ni Nie Tangxiao ang malambing na boses ni Ye Wan Wan, madali niyang binalik ang telepono.

Binuksan ni Ye Wan Wan ang pintuan ng sasakyan at umupo sa driver's seat, nalimutan niya kung paano napunta sa stand ng dashboard ang kanyang telepono ng iniwan niya ito sa kanyang upuan kanina.

Dahil sa kanyang alalahanin sa pagiging masyadong abala at hindi magawang maalagaan si Tangtang, sinundo niya rin si Tang Bin at SOng Qiang.

Sa sandlaing ito, ang munting bata ay mabait na nakaupo sa kanyang upuan tulad ng nakasanayan, kaya hindi napansin ni Ye Wan Wan na may mali sa kanya.

Binaba ng bata ang kanyang tingin upang takpan ang pagkabalisa sa kanyang mga mata.

Alam niya na hindi niya dapat ginawa ang ginawa niya.

Ngunit ito ay nakakapanginit ng ulo!

Malinaw na ako ang pinakamamahal ng Mama!

Patuloy na maayos ang sasakyan sa kalsada.

Nakaupo si Ye Wan Wan sa harapan ng sasakyan, tutok sa pagmamaneho habang sa likuran, nagtanong ang tahimik na Nie Tangxiao, "pwede ko ba kayong tanungin dalawa?"

Kaagad na umupo ng tuwid si Tang Bin at Song Qiang.

Tang Bin: "Oo naman!"

Song Qiang: "Tanungin mo na, tanungin mo na!"

Nie Tangxiao: "Sino ang pinakamamahal ni Mama?"

Nang marinig ng dalawa ang tanong na ito, nagtinginan sila sa isa't isa ng may pagkagulat at nagsimula ng pagpawisan.

Ito ay isang agaw buhay na uri ng katanungan!!!

avataravatar
Next chapter