518 Sino ang nanapak sa akin habang wala akong malay?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Uy…'wag… wag kayong umalis…"

Iritableng sinigawan ni Ye Wan Wan ang dalawang guwardiya na tinakbuhan siya. Walang tao sa buong hallway kaya walang sumagot sa sinabi niya. Tuluyan na siyang iniwan ng dalawang guwardiya.

Kung hindi siya nagkakamali, hindi gumamit ng hagdan ang dalawang iyon - tumalon sila sa bintana at nahulog patungo sa bakuran dahil natakot sila sa babae.

Kailangan ba nilang gawin iyon?

Ano ba kasing nangyayari?

Tuliro si Ye Wan Wan na nakatayo sa pwesto niya.

Wala siyang magawa kundi maghintay hanggang sa gumaling na ang kanyang katawan bago siya bumaba ng hagdan.

...

Ang salas ay napaka-tahimik.

Tahimik at malamig ang ekspresyon ni Si Ye Han habang nakaupo siya sa sofa. Katabi niya si Xu Yi na nakakaawa ang itsura. Dalawang hanay na nakatayo si Eleven kasama ang kanyang mga tauhan at nasa gitna nila sila Liu Ying at Song Jing.

Yumuko si Song Jing, hiyang-hiya at maririnig ang pagsisisi sa kanyang boses, "Hindi ko nagawang proteksyonan ng maayos si Miss Ye at hindi ko rin hinarap ng maayos ang sitwasyon namin kagabi. Handa akong tanggapin ang kahit anong parusang ibibigay mo sa akin!"

Mabigat ang puso ni Liu Yinv nang sinabi niya, "Walang kinalaman si Song Jing dito. Ako ang pumigil sa kanyang lumaban…"

Tahimik na tinitigan ni Si Ye Han ang lahat ng nasa harapan niya.

Huminto ang pagdaloy ng hangin dahil sa kakila-kilabot na katahimikan, halos masakal ang lahat sa sobrang takot.

Sa oras na iyon, maririnig ang mga hakbang na galing sa likod.

Galing sa hagdan ang mga hakbang na narinig nila. "Ta ta ta"...

Kinaya ni Ye Wan Wan na bumaba sa hagdan, pagkatapos ay inunat niya ang kanyang likod at tumayo siya malapit sa kanilang lahat, naghahabol siya ng hininga at nanghihina siya nang nagsalita siya, "Um… pwede ba akong umentra sa inyo…"

"Swish——"

Sa isang saglit, mabilis na umurong palayo sila Xu Yi, Eleven, Song Jing at ang lahat ng guwardiya na nakatayo sa living room, kaya si Ye Wan Wan ay mag-isang nakatayo sa malawak na espasyo.

Puno ng takot ang mga mata nila habang nakatingin sila kay Ye Wan Wan. Ang tingin nila ay parang may papalapit na isang mabagsik na kalaban.

"Uh…" Na naman?

Biglang nainis si Ye Wan Wan dahil sa naging reaksyon nila.

Anong problema nila sa akin?

Bakit ganyan ang tingin nila sa akin?

Pangalawa si Ye Wan Wan sa mga kinagagalitan ni Song Jing at ang una ay si Liu Ying, ngunit hirap siyang makalunok nang makita niya si Ye Wan Wan. Muling nanginig ang kanyang mga binti at lalong sumakit ang napinsala niyang dibdib dahil natakot siya sa kanyang nakita.

Namutla rin si Liu Ying nang makita niya si Ye Wan Wan...

Nagtataka si Ye Wan Wan habang tinitingnan niya ang mga kalalakihang lumayo sa kanya.

Bugbog sarado ang katawan ni Song Jing - na-pilay ang kanyang braso kaya binalutan ito ng tela na nakabitin sa kanyang leeg at mukha siyang kinawawang mistress dahil sa itsura ng pagkakatingin niya kay Ye Wan Wan; maga ang kalahati ng mukha ni Eleven at may suot siyang foot splint; ang noo naman ni Xu Yi ay pinaliputan ng bandage ngunit ang pinakamalala sa kanilang lahat ay si Liu Ying - mukha siyang mummy dahil binalutan ang buong katawan niya ng maraming bandage. Halos lahat ng tauhan nila ay napinsala at sugatan.

Napakunot na lamang si Ye Wan Wan. "Eh? Anong nangyari sa inyo?"

At bumulong siya, "Nasugatan ba kayo dahil sinubukan niyo akong iligtas sa malibog na yun?"

"..." Pintado sa mga mukha ng lahat na wala silang masabi.

Wala ni-isa sa kanila ang nagsabi kung ano ang tunay na nangyari dahil kakaiba ang pinakita nilang ekspresyon sa kanya. Lalong nagtaka si Ye Wan Wan nang bigla siyang naglakad palapit kay Si Ye Han.

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanya g braso at nagreklamk siya: "Bakit ang sakit ng katawan ko, Ah-Jiu? Sinapak ba nila ako kagabi nung wala akong malay tao?"

At dahil doon, walang masabi sla Eleven, Xu Yi, Song Jing at Liu Ying: "..."

Niloloko mo ba kami madam?

Kami pa ang nanakit sayo?

Kalokohan - ang sakit sa damdamin ng sinabi mo!

avataravatar
Next chapter