812 Sino ang magtatangkang palitan ang manager

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumakit ang binti ni Ye Wan Wan nang tumayo siya kaya bigla siyang napakunot.

Uh, bakit ang sakit ng buong katawan ko sa tuwing umiinom ako ng alak? Kahit ang binti ko ay sumasakit na rin ngayon...

Ano ba ang ginawa ko?

"Anong problema, Ye-ge?" Dali-dali siyang tinanong ni Luo Chen.

Kaswal na sumagot si Ye Wan Wan, "Wala ito. Napalakas yata ang pag-exercise ko kaya nag-cramps ang binti ko."

"Ma-upo ka muna, Ye-ge."

Nagsasalita si Luo Chen habang tinutulungang umupo si Ye Wan Wan. Bigla niyang ni-rolyo ang manggas ng mamahalin niyang suit at lumuhod siya sa harap ni Ye Wan Wan habang dahan-dahan niyang minamasahe ang tuhod nito...

Sinabihan siya ni Ye Wan Wan nang makita nito na minamasahe ni Luo Chen ang kanyang tuhod, "Okay lang ako, Luo Chen, hindi mo na kailangang gawin ito!"

Iba na ang mga pangyayari sa buhay ni Luo Chen - umaangat na siya sa kasikatan at isa na siya sa mga hottest stars na hindi lang basta-basta na nilalapitan ng mga tao. Kahit saan siya pumunta, nirerespeto at pinupuri siya ng mga tao.

Gayunpaman, kahit ano pa ang estado niya ngayon, hindi niya pa rin nagbabago ang ugali niya kay Ye Wan Wan. Sa halip, lubha pa niyang nirerespeto ang kanyang manager.

Kakaiba ang pagka-seryoso ng mukha ni Luo Chen. "Umupo ka ng maayos at huwag kang gumalaw, Ye-ge."

Walang magawa si Ye Wan Wan kundi ma-upo na lamang.

Mahaba at propesyonal ang masahe ni Luo Chen, mabilis na nawala ang pagka-tense ng mga muscles ni Ye Wan Wan dahil sa masahe ni Luo Chen.

Sa tabi nila, galit na galit si Gong Xu nang mapanood niya ang eksena na ito kaya ngumawa siya, "Hoy… g*go, g*go! Luo Chen, sipsip ka! Kalokohan ito! Ang kayang mo lang gawin ay makipaglaban sa akin para makuha ang atensyon ng lahat! Hindi mo maloloko si Ye-ge! Ako pa rin ang paboritong baby ni Ye-ge!"

Wala nang masabi si Ye Wan Wan pagkatapos ng kabaliwan ni Gong Xu.

Nagmamaktol si Gong Xu nang biglang nagkaroon ng WeChat notification ang phone niya. Pindot niya ang message, upang makita ang nilalaman nito at bigla siyang nasabik. "Wah, Ye-ge, mapro-promote ka na, eh!"

Biglang nagiba ang tingin sa kanya ni Ye Wan Wan. "Promoted?"

Sabik na sumigaw si Gong Xu, "Tama, tama. Nakatanggap ng pribadong balita si Tang Xing Huo na nilipat na ang dating bise-presidente kaya ikaw na ang mapro-promote bilang bise-presidente ng Dazzling Media! Magsisimula kaagad sa bago mong posisyon, Ye-ge!"

Sumimangot si Ye Wan Wan nang marinig niya ang balita na siya ay mapro-promote.

Mag-iiba kaagad siya ng posisyon at promoted kaagad siya ngunit hindi man lang siya sinabihan sa desisyon na ito?

Nang marinig ni Gong Xu na tinanong ni Luo Chen na, "Kung si Ye-ge na ang magiging bise-presidente, sino na ang magiging bagong kapalitan ni Ye-ge sa posisyon na director of talent recruitment?"

"Tanungin ko muna…" kinuha ni Gong Xu ang kanyang phone at tinect niya si Tang Xing Huo. Sa isang saglit, nakatanggap siya ng sagot. "Narinig niya na si Cai Yong Sheng, ang manager ng Worldwide Entertainment at pamangkin ni Chu Hong Guang, ang magiging director of talent recruitment. Nakakainis naman - bakit siya umaasa sa kamag-anak niya para sa trabaho na ito?"

Hindi makapagsalita ang assistant ni Gong Xu na nasa tabi niya. Naisip niya na laman bigla: Ikaw kaya ang umaasa sa mga kamag-anak mo, Gong Xu!

Gayunpaman, tinakwil na ng pamilya ni Gong Xu si Gong Xu, kaya hindi siya umaasa sa kanyang mga koneksyon. Mabuti na lang at sikat pa rin siya at hindi siya gumagawa ng kahit anong katarantaduhan, wala naman sigurong problema na magaganap sa ngayon.

Napaisip at biglang bumulong si Ye Wan Wan sa sarili niya, "Cai Yong Sheng…"

Siya nga iyon at mas napa-aga ang pagsulpot niya, hindi ito tulad ng inaasahan ni Ye Wan Wan...

Masarap sana mapakinggan ang salitang "promotion", pero parang demotion ang naganap at hindi promotion dahil kinuha nila ang kapangyarihan sa mga kamay ni Ye Wan Wan, hindi man lang niya naisip kung anong pinaplano ng sly fox na si Chu Hong Guang. Walang gustong gawin si Chu Hong GUang kundi unti-unting kunin ang lahat ng meron si Ye Wan Wan.

Simula pa lamang ang "promotion" na ito...

Lumiit ang mga mata ni Luo Chen. "Sigurado ka ba na mag-iiba lamang siya ng posisyon? Hindi naman tayo mapapalitan ng manager niyan?"

Biglang nanigas ang buong katawan ni Gong Xu nang marinig niya iyon, "Imposible iyon! Sino naman ang magtatangkang palitan ang pinili kong manager, huh?!"

avataravatar
Next chapter