712 Sino ang ipagmamalaki niya doon?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nanyayamot si Ye Mu Fan sa kanyang puso nang may kinuha na velvet gift box si Ye Wan Wan mula sa kanyang drawer.

"Muntik ko nang makalimutan - para sa iyo! Congratulations sa pagkuha ng award!"

"Heh heh, may regalo ako, eh? Paano ko naman matatanggap 'to, huh?" Kahit na iyon ang sinabi niya, mabilis niyang kinuha ang kahon.

Nang binuksan niya ito, isang Patek Philppe ang sumalubong sa kanya; espesyal na limited edition na relo.

Napansin ni Ye Mu Fan na may isa pang kahon sa drawer, kaya tinanong niya, "Bumili ka ng dalawa?"

"Kaarawan na ni papa sa susunod na buwan. Nakalimutan mo ba?"

"Oh, oh, tama. Pero sa pagkilanlan kay papa, hindi niya matatangap ang ganyang kamahal na relo…"

"Sasabihin ko na lang na huwad 'yan at nabili ko ng $200." walang bahalang sabi ni Ye Wan Wan.

Hindi maka-imik si Ye Mu Fan *cough* "Tingin mo hindi masasabi ng papa natin ang tunay at sa huwad?"

Umangat ang mga kilay ni Ye Wan Wan, "Kahit na, maniniwala siya depende sa magsasabi sa kanya."

Sumimangot si Ye Mu Fan. "Oo nga pala… naniniwala siya kung anuman ang sabihin ng pinakamamahal niyang anak na babae!"

"Oo nga pala - pupunta ka ba sa Grand Fashion Ceremony ngayong gabi?" sabik na sabi ni Ye Mu Fan.

Matapos ang mga napagdaanan, hindi muna siya naging mailap. Ito ang una niyang pagpapakita sa publiko sa Grand Fashion Ceremony na inayos ng fashion association. Tsaka, magpapakita siya bilang vice-chairperson ng fashion association at eksperto sa judging panel.

"May mga bagay pa akong dapat ayusin muna, kaya baka mahuli ako. Tutal, gabi mo ngayon, pupunta ako doon saglit. Siguraduhin mong 'wag ka masyadong uminom at mag-ingat ka sa biyahe." ngiti ni Ye Wan Wan.

Noon, kailangan niyang bantayan si Ye Mu Fan, pero ngayon, hahayaan niyang ayusin nito ang mga bagay-bagay. Sa totoo lang, pagdating sa networking, mas magaling si Ye Mu Fan kaysa sa kanya.

"Sige, mauuna na muna ako. Tandaan mong pumunta…" pagpumilit muli sa kanya ni Ye Mu Fan.

Kung hindi, sino ang ipagmamalaki ko doon?!

Sa wakas may maipapakita na ako para sa buhay ko~

Bago umalis, nakita ni Ye Mu Fan ang mga dokumento sa tabi ng kamay ni Ye Wan Wan at para bang may logo ng Si Corporation sa dulo no'n.

Bakit naman may mga dokumento si Wan Wan ng Si Corporation?

Umiling si Ye Mu Fan at inisip na baka nagkamali lang siya, kaya hindi niya na ito inisip pa at humuni ng kanta, na tila bang nasa magandang espiritu.

Matapos na umalis ni Ye Mu Fan, patuloy na tinignan ni Ye Wan Wan ang mga dokumento na may mahahalagang impormasyon tungkol sa Si Corporation.

Bago pa siya mamuhay muli, ginuguol niya ang lahat ng oras niya sa paghabol kay Gu Yue Ze, naghihinakit sa langit at sinisisi ang iba. Matapos nang mamuhay siyang muli hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at kinukuha ang lahat ng kaalaman na parang isang spongha.

Bukod sa mga bagay na tungkol sa pag-arte, ginugol niya ang natitira niyang oras sa pag-intidi maigi sa Si Corporation.

Madaming mga subdibisyon ang mga Si sa buong mundo na hawak ng kanilang mga supling. Mas magulo ang mga sangay na kompanya ng mga mandaraya na nahaluan sa mga tapat na tao. Sangkot sila sa real estate, mga hotel, alahas, mahahalagang mga bato, mga antigo, mga batong-luntian, fashion, mga electronic, at iba pang mga industriya; gumugol siya ng ilang buwan para subukang intindihin isa isa sa kanila.

Gayunpaman, sobrang komplikado ng mga ganitong bagay. Kahit na ang mga tauhan sa panloob na nagtrabaho ng ilang taon na sa Si Corporation ay hindi maiintindihan ito. Nakakamangha na din para sa kanya na malaman ang mga impormasyon sa maikling panahon lang.

Matapos na makumpleto ang unang hakbang sa pagkolekta ng impormasyon, ang susunod na hakbang at isagawa ang kanyang natutunan.

Kung gusto niyang makuha ang mga tao, hindi siya pwedeng magpasasa sa walang saysay na pag-uusap...

Sa panahong ito, halatang nagsisikap din si Qin Ruo Xi sa kanyang trabaho at nakakuha ng ilang mga malalaking deals habang si Si Ye Han naman ay magaling, sa pagkuha sa mga tao.

Mahirap na din sisihin ang mga tao na hindi kapalit-palit ang estado ni Qin Ruo Xi.

Tsk, ipapakita ko sa kanila kung ano talaga ang hindi kapalit-palit...

avataravatar
Next chapter