940 Sino ang gusto mong pakasalan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang magawa si Ye Wan Wan. Ilang beses niya nang nilinaw, pero bakit tingin ng lahat na hindi pa din niya nakakalimutan si Gu Yue Ze?

Kung madalas na hindi nagpapakita ang taong ito, hindi niya maalala kung sino ito, pwede ba?

Naghihinala pa din si Ye Mu Fan. Nakita niya kung gaano kadesperado at nasaktan si Ye Wan Wan noon kay Gu Yue Ze.

Nagpaliwanag si Ye Wan Wan, "Totoo, hindi naman masama ang panlasa ko…"

Nagtanong si Ye Mu Fan, "Sabihin mo sa akin, anong klaseng lalake ang gusto mong pakasalan balang araw?"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Syempre gusto ko pakasalan ang boyfriend ko!"

Galit na tinignan siya ng masama ni Ye Mu Fan, "Pwede bang maging idealistic ka? Pwede bang taasan mo naman ang mga inaasahan mo? Sabihin mo kung anong klase ng lalake ang gusto mong pakasalan! Kahit sino pa, tutulungan kang makuha siya ni ge!"

"Uh… gustong lalake, huh?" nagpanggap na malalim ang iniisip ni Ye Wan Wan.

Tumango si Ye Mu Fan, "Tama! Kahit sino ayos lang!"

Hindi naman talaga ito pambobola dahil kung nakuha niya muli ang mga Ye, pwedeng pakasalan ng kapatid niya ang sinumang young master na gusto nito base sa pamantayan at itsura nito.

Matagal na nag-isip si Ye Wan Wan. Sa waka, tumingin siya sa mga sabik na mata ni Ye Mu Fan at sumagot, "Oh… si Si Ye Han!"

Ye Mu Fan: "…"

Uh…

Kumibit ang bibig ni Ye Mu Fan at hindi makapagsalita.

Umangat ang mga kilay ni Ye Wan Wan, "Ano iyang reaksyon mo?"

Napalunok si Ye Mu Fan at tinapik ang balikat ng kanyang kapatid. Buong sinseridad niya sinabi, "Sis, tingin ni ge na ang idealistic at nananaginip ay magkaibang bagay; kailangan masasabi mo kaibahan ng dalawa… umuwi ka na ng maaga para maligo at matulog okay!"

Ye Wan Wan: "…"

Bago pa siya bumali, pumunta mula sa mall si Ye Wan Wan.

Sa una, gusto niya lang bumili ng ilang mga damit para kay Tangtang. Sa huli, binili niya lahat mula sa pansipilyo hanggang sa mga baso hanggang sa pajamas hanggang sa mga laruan. Bumili na din siya ng mga kobrekama at kurtina para sa bahay. Hangga't cute ito, hindi siya makakatiis...

Sa wakas, hindi niya kayang dalhin ang lahat ng siya lang at kailangan pumunta sa shopping center para maipadala ang mga gamit sa kanyang bahay.

Little House of Rose:

Ang limang mercenaries ay nakahilerang nakatayo, nanginginig sa takot.

Sa sofa, nakaupo si Nie Tangxiao na maigting ang itsura. May hawak ang kanyang maliliit na kamay na mga dokumento at may nakakatakot na aura sa paligid niya na hindi tugma sa kanyang edad.

"Nakakahiya na lahat kayong lima ay hindi natira ang marka."

Nakatayo ang grupo doon at hindi na nagsalita pa.

May hawak na mga rekord ang batang lalaki tungkol sabawat detalye na meron sila - kung saan sila galing, ang background nila, ang kakayahan nila at bawat misyon na kinuha nila mula nang sumali sila sa grupo ng mercenary...

Kahit na ang nangungunang grupo ng kabatiran ay hindi makukuha ang ganitong klaseng impormasyon.

Nababalisa ang lima. Sa sandaling nasa labas sila ng proteksyon ng kanilang master, babalik sila sa pagtakbo sa mga naghahabol sa kanila habang buhay.

"Hindi… hindi kami kwalipikado para manatili sa tabi ng master… pero… pero magsisikap kami sa trabaho namin…"

"Ako din, ako din!"

Nagbigay ng itim buklet si Nie Tangxiao sa kanila. "Ito ang inyong training plan. Kung hindi pa din ako nasiyahan sa inyo sa loob ng tatlong buwan, maghahanap ako ng iba para palita kayo."

Mabilis na tinanggap ng lima ang itim na buklet. Nang masuri ito, halos mahimatay na sila.

Nang makita ang apat na malalaking ginintuang salita sa takip, halos pumutok na ang mga mata ng mataba. "T*ngina! Ano 'tong nakita ko…"

avataravatar
Next chapter