344 Sino ang eksperto?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Muntikan nang mapanga-nga si Liang Shin at Fang Xiu Min nang marinig nila si Ouyang Yu.

Noong una, akala nila na napakasama at kasuklamsuklam ang binigay ni Ye Wan Wan at hindi nila inakala na dyamante pala ang bone structure para kay Ouyang Yu...

Tumingin ng masama si Liang Jia Hao kayla Liang Shi Han at Fang Xiu Min, dahil nakita niyang gusto pa nilang magsalita. Hindi pa ba sapat na napahiya na nga kami ngayong gabi?!

"Bumalik ka doon!"

Mahigpit na tiningnan ni Liang Jia Hao si Fang Xiu MIn.

Nang makita ng mag-ina na nabalisa ang hindi na nakapgtimpi si Liang Jia Hao sa sobrang galit, kahit ito ang pinakaunang pagkakataon na nangyari ito, natakot ang parehong mag-ina at sinundan nila si Liang Jia Hao na tahimik na lamang na umalis.

Sa main table, ayaw pa ring magpatalo ni Ouyang You at sinabi niya "Old Ye, magsalita ka, makikipag-palit ka ba o hindi!"

Tahimik na lamang si Ye Hong Wei at nanahimik muna siya bago magsalita, "Hindi ito ang ni-regalo sa akin."

Kakasabi lang ni Ye Wan Wan na ang obrang ito, ang bone sculpture, ay hindi ang kanyang inihandang regalo para kay Old Ye.

Nang marinig ito ni Ye Wan Wan , ang kaniyang mga mata ay nag-iba at naglakad siya papalapit kay Ye Hong Wei, kinausap niya ang matanda ng malumanay ang kanyang boses, "Lolo, hindi ko man binigay ang artpiece na ito, nanggaling talaga ito sa aking ama"

"Oh?"

Tumingin si Ye Hong Wei kay Ye Shao Ting na nakaupo sa hindi kalayuan.

Nabigla si Ye Shao Ting sa sinabi ni Ye Wan Wan. Kailan ko pa siya binigyan ng...

"Pa.."

Sumugod si Ye Wan Wan at hinila niya ang siko ni Ye Shao Ting, pinapunta niya ang kanyang ama kay Ye Hong Wei.

"Lolo, isa't kalahating taon na nagmamakaawa sa eksperto si papa para lang makuha ito," Gumawa ng kung ano-anong storya si Ye Wan Wan para maipabida ang kanyang ama sa kanyang lolo.

"Sinong eksperto?" tinanong ni Ye Hong Wei.

"Lolo, retirado na ang ekspertong iyon kaya ayaw niyang sabihin ang kaniyang pangalan.." Nag-alala si Ye Wan Wan dahil hindi niya alam ang kaniyang isasagot kaya gumawa na lamang siya ng istorya.

Hindi na pinalalim ni Ye Hong Wei ang kanyang pag-iisip tungkol sa sinabi ni Ye Wan Wan. Gayunpaman, tunay ang bone sculpture ayon sa pagkumpirma ni Ouyang Yu.

"Shao Ting, ito ba talaga ang regalong inihanda mo para sakin?" Ngayong gabi, ito ang ka una-unahang pagkakataon na tiningnan ni Ye Hong Wei ang kaniyang anak na nagwasak ng puso niya.

"Ito…" Napalingon si Ye Shao Ting kay Ye Wan Wan na katabi niya. Ayon sa matinding tingin bilang pagsenyas ni Ye Wan Wan sa kanya, tumango si Ye Shao Ting at sinabing "Opo tay…. Sana magustuhan mo ang regalo ko sayo."

Kumalma na bigla si Ye Hong Wei. "Parang bihira na nag-aabala ka pang magbigay ng napakamahalagang bagay."

Pagkatapos niyang mag salita, si Ye Hong Wei ay tumingin ng patagilid kay Ouyang Yu at tumayo, sabay kinuha niya ang regalo ni Ye Shao Ting na bone structure.

May karapatan siyang makuha ito dahil binigay naman pala sa kanya ang bone structure.

"Ganyan ka ba talaga ka-kuripot? Hindi ba't pwedeng aralin ko muna kung saan nanggaling ito?" biglang sumama ang loob ni Ouyang Yu.

Hindi na nagsalita si Ye Hong Wei. Inilagay niya sa tabi ang bone structure at sinabing "Shao Ting, anong tawag mo dito?"

Malamang , gustong malaman ni Ye Hong Wei ang pangalan ng bone structure dahil mas mahalaga ito kaysa sa "Rise of the Dragon" ni Ouyang Yu.

Dahil hindi makasagot ni Ye Shao Ting, mabilis na walang takot na umentra sa usapan si Ye Wan Wan, "Lolo, sabi ng kaibigan ni papa na wala daw pangalan ang bagay na ito, naghihintay lang siya ng tadhana para may isang taong may magbibigay ng pangalan nito. Bakit hindi mo pangalanan ito lolo!"

"Talaga?" nagtaka muna si Ye Hong Wei at bigla siyang napaisip ng malalim, "Sige… tawagin natin itong Demon Subduer, maganda ba iyon…"

Tuwang-tuwa at kuntento si Ye Hong Wei sa bone strukture at personal niya pang binigyan ito ng pangalan.

Hinaplos ni Ouyang Yu ang kanyang balbas at naiinis siyang ngumisi, "Demon Subduer… bagay nga ang pangalan na ito sa bone structure…"

Umentra ang mga tao at pinuri ang bone structure nang marinig nila iyon.

Lumubog ang mukha ni Huang Ming Kun nang naisip niya na pinagmukha niyang tanga si Ye Wan Wan, at pinagmayabang niya pa ito sa lahat. Magsasalita pa sana siya, pero umalis na lang siya nang makita niya ang masamang tingin ni Ye Yiyi, kahit na mabigat sa kanyang damdamin na umalis.

avataravatar
Next chapter