593 Sino ‘tong lalaking ito

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakaramdam ng pagka-guilty si Tang Xing Huo. bahagya siyang umubo. "Hindi mo ako masisisi dito! Isang aksidente lang ito! Isang aksidente! Hindi ko rin naman gusto ito, tama? Sinong makakaalam na ako ang magiging nominado…"

Pakiramdam ni Tang Xing Huo may hindi tama saka niya biglang sinabi, "uh, sandali, hindi ka ba nominado bilang isang best newcomer? Mayroon ka talagang lakas ng loob na bukyawan ako!"

Nagsalita si Gong Xu sa isang maayos na pamamaraan, "paanong parehas lang iyon? Nabulyawan pa din ako kahit na nominado na ako. At pati ako nakatanggap din ng masasakit na salita! Ikaw naman?! Wala akong pakialam! Isa kang traydor! Hinasa mo ang iyong skills sa pag-arte sa aking likuran! Nakita ko sa iyo! Paano mo ako nahaharap o ang iyong fans? Haharapin natin ang lahat ng magkasama, ha?"

Patuloy na pinapagalitan siya ni Gong Xu ng hindi humihinto nang biglang, ang mga tao sa paligid niya ay humarap sa hagdan at naglabas ng mahinang ubo.

Tumayo din si LUo Chen. "Ye-ge…"

Nang makita ang pamilyar na anyo na hawig sa isang malamig na hangin na nililinis ang mga ulap, natakot si Gong Xu sa kanyang isip. Kaagad niyang hinila ang braso ni Tang Xing Huo. "Xing Huo! Aking mabait na kapatid! Binabati kita sa pagiging nominado para sa Golden Orchid's best supporting actor - napakalaki ng iginaling mo sa iyong acting skills! Sobrang proud ako sayo. Ikaw ang role model na gusto kong makatrabaho! Kailangan ko matuto sa iyo at galingan ang aking kakayahan; pagiigihan ko upang maging isang magaling na aktor kagaya mo…"

"Eh? Ye-ge? Ye-ge. Nandito ka!"

Umarte si Gong Xu na parang ngayon niya lang napansin si Ye Wan Wan. binitawan niya ang braso ni Tang Xing Huo saka itinulak palayo si Luo Chen bilang inalog niya ang at hinila siya sa upuan na nasa tabi niya.

Kasunod nito, dinala niya ang isang plato ng prutas sa harap ni Han Xian Yu papunta kay Ye Wan Wan. "Ye-ge, maupo ka. Ye-ge, kumuha ka ng prutas!"

Nasaksihan ni Tang Xing Huo kung paano siya nagbago sa mas kaunting oras na kailangan sa paglipat ng isang pahina: "..."

Ang lalaking ito…

Husayan mo mukha mo -nakita ko na ang iyong acting skills ay napakagaling dito! Mabilis na nagpalit ng tono!

Hindi na niya inisip ito nang magpalit ng manager si Gong Xu - hindi na ito ang unang beses. Ngunit totoong hindi niya inaasahan na ang araw na ito ay darating na si Gong Xu ay magiging masunurin at kontrolado ng lalaking ito…

Ang manager na ito, na tila mukhang bata at mas may itsura pa kaysa sa mga artista, ay nakakainteresado.

Matapos makita kung paano ang paraan ni GOng Xu sa pagtrato kay Ye Wan Wan, marami ang artisat sa party ang parehas ang tumatakbo sa kanilang isipan at sobrang gulat na halos malapit na mahulogh ang kanilang mga panga.

Ito bang masunurin at matinong lalaki ay talagang malupit, GOmg Xu?

"Sino ang lalaking ito?" may nagtanong kay Han Xian Yu.

Tumingin si Han Xian Yu sa direksyon ni Ye Wan Wan saka ngumisi. "Manager ni Gong Xu."

"Oh… siya pala ang bagaong manager ni Gong Xu…"

"Talagang kaya niyang kontrolin at paamuhin si Gong Xu - siya ay kahanga-hanga, ha!"

...

Narinig na ni Ye Wan Wan na sinisigawan ni Gong Xu si Tang Xing Huo, kaya nang makita niya si Gong Xu na baligtarin ang katotohanan ng walang pagbabakasakali, siya ay hindi makapagsalita ngunit hindi niya ito ipinahiya.

Sa sandaling ito, sobrang abala si Gong Xu kay Ye Wan Wan, umaarte ng sobrang magalang at maasikaso. "Ye-ge, umiinom ka ba? Puti o pula? Nagdala ako ng bote ng red wine mula sa bahay - ito ay isang 1982 Royal Salute!"

Sumagot si Ye Wan Wan, "salamat na lang, hindi ako umiinom. Kuhanan mo na lang ako ng baso ng soda."

"Kung ganon Ye-ge, maguutos ang sa isang chick na samahan ka, ayos ba? Anong type ba ang gusto mo?" tanong ni Gong Xu.

Ang pag-iisip ni Gong Xu ay wala ng hihigit pa sa pagkakaroon ng isang girlfriend at hindi pinapahintulutan na magloko sa labas.

Kung mayroon lang akong nakababatang kapatid, siguradong ipakikilala ko siya sa isang lalaking katulad nito, okay?

Nagdilim ang mukha ni Ye Wan Wan. "Hindi na kailangan."

avataravatar
Next chapter