522 Single ka na ngayon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nag-iba ang itsura ni Chu Feng pagkakuha niya ng phone ni Ye Wan Wan. "Ito ay…"

"Ngayon, may gusto ka pa bang sabihin? Akala ko magiging totoo ka kay Jiang Yan Ran, kaya pursigido akong maging kayo. Ilang buwan pa lang ang lumipas tapos nambababae ka na kaagad?" Tinitigan siya ng masama ni Ye Wan Wan.

Nabigla si Chu Feng sa sinabi ni Ye Wan Wan. "Hin… hindi! Mali ako inaakala niyo! Paano ako naging manloloko?!"

Hindi nagbago ang itsura ni Ye Wan Wan. "Mali ang inaakala namin? Ano pala? Nakita ng mga mata ni Yan Ran na magkasama kayong nag-sho-shopping. Tumawag pa nga si Yan Ran sayo tapos nagsinungaling ka pa, sinabi mo na nasa bahay ka pero kasama mo pala ang babaeng 'yon!"

Hindi napansin ni Chu Feng na nakita pala siya ni Jiang Yan Ran. Nangyari ito noong tatlong araw na nakalipas, pero hindi ito pinaalam ni Jiang Yan Ran kay Chu Feng noong araw na nakita niya sila.

Halos umiyak si Chu Feng nang maisip niya ang tingin sa kanya ni Jiang Yan Ran sa oras na iyon. "Yan Ran, mali ang iniisip mo. Hindi ko girlfriend ang babaeng 'yon!"

Nabigla sila Jiang Yan Ran at Ye Wan Wan nang nakita nilang puno ng pawis at nababahala si Chu Feng. Hindi magawang mapaniwalaan ni Jiang Yan Ran si Chu Feng nasulyapan niya na naman ang litatro.

Tumibok ang ugat sa ulo ni Ye Wan Wan sa sobrang inis. "Tigilan mo na ang kalokohan mo - sabihin mo sa amin kung sino ang babaeng ito! Bakit hindu ka magpaliwanag kung mali talaga ang inaakala namin?"

"Ito ay si…" bumulong si Chu Feng at mukhang nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon. "Hindi ko pwedeng sabihin sayo…"

"Bakit hindi mo kayang sabihin sa amin kung mali talaga ang inaakala namin?" Sinusubukan ni Ye Wan Wan na biyakin ang utak ng lalaking ito para makita kung ano ang tunay na laman ng isip niya.

Gusto nang makipaghiwalay ng girlfriend niya pero tinatago niya pa rin ang katotohanan?

Tinikom ni Chu Feng ang kanyang mga labi. "Hindi ko talaga pwedeng sabihin!"

Tumango si Ye Wan Wan at hinila niya si Jiang Yan Ran. "Sige, itago mo yan sa sarili mo. Congrats at single ka na!"

"Uy—— Wan Wan-jie! Saglit lang!"

Nagmakaawa at hinarang sila ni Chu Feng. "Ito na, sasabihin ko na sa inyo, okay?"

"Ang babaeng iyon ay assistant ni Han Xian Yu!" Biglang sinabi ni Chu Feng ang katotohanan.

Napahinto si Ye Wan Wan. "Assistant ni… Han Xian Yu?"

Napahinto rin si Jiang Yan Ran.

Matapos ang katahimikan, bumalik na ang lumipad na isip ni Ye Wan Wan ang napakunot siya dahil may napagtanto kung bakit pamilyar ang babaeng iyon. "Ah, kaya pala…"

Kaya pala pamilyar sa kanya ang babaeng nasa litrato. Napagtanto niya lang noong binanggit na ni Chu Feng kung sino ang babaeng kasama ni Chu Feng sa litrato, siya pala ang assistant ni Han Xian Yu na si Xiao Liang!

Ilang beses niyang nakita ang babaeng iyon sa apartment niya noon.

"Ah… bakit mo kasama ang assistant ni Han Xian Yu?" Nalito si Ye Wan Wan at nagtanong siya kay Chu Feng.

Hindi kaya… tama kaya ang iniisip ko...

Parang binugbog na talong ang kaakit-akit na mukha ni Chu Feng. "Nalaman ko kamakailan lang sa senior ko na kakilala niya ang assistant ni Han Xian Yu!"

"Alam ko na nais ni Yan Ran na makakuha ng limited edition autographed album, kata pumunta ako sa senior ko para manghingi ng tulong. Pumayag yung assistant na tutulungan niya ako pero sa kondisyon na kailangan kong maging alila niya ng isang linggo, wala akong magawa kundi gawin ang kagustuhan niya ng isang buong linggo."

"Malapit na kasing magsimula ang pasukan at gusto ko sanang bigyan ng album si Yan Ran bilang regalo sa kanya sa nalalapit na pasukan! Hindi ko talaga siya niloko! Buong buhay akong magiging asawa ni Yan Ran at kapag namatay ako, susundan ko siya kahit multo na ako - bakit ako magkakagusto sa ibang babae?"

Sinabi ni Chu Feng ang katotohanan at sinabi niya ang lahat ng nararamdaman niya sa dalawang babae...

avataravatar
Next chapter