54 Sinasabi na ng kaniyang gawa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napagisipan na ito noon pa ni Ye Wan Wan at napagdesisyunan na niyang makilala ang old madam na suot ang kanyang school uniform.

Kahit na kilala at kapita-pitagan ang estado sa buhay ng lola ni Si Ye Han, ramdam pa rin niyang tulad din siya ng mga lola na nabubuhay dito sa mundo. Karamihan sa kanila, mas gusto ang maayos, malinis, at magalang na babae.

Wala nang ibang klase pa ng pananamit ang magbibigay ng kahulugan ng pagiging masunurin tulad ng pagsusuot ng isang school uniform.

Para lang sa kanyang mukha, bukod sa paglalagay ng face mask kagabi at ng nakasanayang ginagawang pagaalaga sa balat, hindi na siya naglagay pa ng kahit na anong kolorete pa sa mukha. Nakatali ng maayos ang kanyang buhok na nagpalitaw sa maganda niyang noo.

Nakita niya na hindi siya tulad ng dating nakakatakot na babae na naiisip niya kundi isang masigla at kalugud-lugod na dalaga. Natulala ng matagal si Xu Yi bago makabalik sa kanyang ulirat. Natisod pa siya nang lumabas sa kotse para buksan ang pinto sa likuran at saka niya ulit tinitigan ang magandang dalaga mula sa kanyang rearview na salamin at tila natutuliro na sa kanyang nakikita.

Dati, ang laging pampalipasoras ni Ye Wan Wan ay ang makipagtalo at abusuhin ang pagsuyo ng binata sa kanya. Kahit na anong gulong gawin niya, palaging sumusuko ang master sa kanya.

May pagkakataon siya ngayon na gawin ulit ang panggugulo pero naisip niyang...nakasuot siya ng maayos na bihis?

Itong si Ye Wan Wan...nakakapanibago ang mga kinikilos niya ngayon, ano kaya ang pinaplano niya?

Nang makapasok na si Ye Wan Wan sa kotse, umupo siya sa tabi ni Si Ye Han.

Sa loob, hindi niya mapigilang mapanganga sa nakakahangang hitsura sa loob ng kotse. Hindi naman halata sa labas na hitsura ng kotse pero kapag nakapasok ka na, para kang nasa loob ng isang presidential suite sa isang hotel.

Ginawa ang lahat ng bawat miyembro ng pamilyang Si ang makakaya nila para mabigyan lang ng komportablen buhay ang tagapagmana na si Si Ye Han.

"Hindi ako sigurado kung magtatagal ako; hindi ko kasi natapos 'yung aralin ko kaya dinala ko na lang."

Ipinatong ni Ye Wan Wan ang backpack niya sa ibabaw ng mga hita niya at saka nagsimulang magpaliwanag habang isinubsob ang ulo kakahanap sa kanyan maliit na aklatin, "Ito 'yung listahan ko ng mga regalong naiisip ko na pwedeng ibigay. Pinaplano kong pumunta sa Wan Chun Hall para kumuha ng herbal supplements tapos diretso na sa mall para bumili naman ng damit, bags, bandana, o kahit ano para kay lola. Pero hindi ako sigurado kung ano 'yung mga gusto ni lola kaya kailangan mo akong tulungan. Siyanga pala, medyo gipit ako ngayon kaya ang gagawin ko muna ay pumili ng mga ipangreregalo tapos ikaw na bahalang magbayad…"

Naubusan na si Ye Wan Wan ng sasabihin kaya may kaunting pawis na ang tumulo sa kanyang noo. Halata sa kanya na hindi nakatuon ang pansin niya sa pagbabasa ng maliit na aklatin pero litaw ang kislap sa kanyang mga mata habang nagsasalita.

Wan Wan, kung nagsisinungaling ka sa akin...

Siguraduhin mo lang na magagawa mong...

Makapagsinungaling sa akin habambuhay...

Itutuloy na sana ni Ye Wan Wan ang pagsasalita niya nang biglang naramdaman niyang may kung anong umangat sa kanyang pisngi. Ang malalim na hinga ng binata ay pumalibot sa mukha ng dalaga; inilapit niya ang kanyang gwapong at kaakit-akit na mukha at saka tumanim sa dalaga ang kirot na naramdaman ng kanyang mga labi.

Ramdam ang nagbabadyang panganib, nagulumihanan si Ye Wan Wan--anong problema ng lalaking ito? Wala naman akong ginawang mali ah, meron ba?

Dahil kaya sa suot ko?

Iniisip na baka hindi ng gusto ni Si Ye Han ang hitsura niya ngayon, nagtanong na lamang si Ye Wan Wan, "Hey, hindi mo ba gusto ang suot ko? Dahil makikipagkita tayo kay lola ngayon at sigurado namang hindi niya magugustuhan ang makapal na makeup, hindi ako naglagay kaya…"

Nang marinig ang mga sinabi ng dalaga kung bakit iyon ang rason niya, natigilan si Si Ye Han.

Tinitigan niya ng maigi ang pisngi ng dalaga, mula sa leeg hanggang sa bewang nito na litaw ang hugis dahil sa suot na school uniform at saka nakaramdam ng biglang init ng katawan ang binata sa gitna ng malalamig niyang mga pagtitig. Maya-maya pa'y, hinalikan niya ulit si Ye Wan Wan, at sa pagkakataong ito, lalong idiniin ng binata ang kanyang mga halik ng dalaga na parang gusto na niyang lamunin ang buong bibig nito.

Halata sa kanyang mga kinikilos na malinaw ang kanyang nararamdaman sa hitsura ngayon ng dalaga.

avataravatar
Next chapter