630 Simulan mo ang performance mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Binalot ng kasamaan ang pag-iisip ni Liang Mei Xuan nang makita niya kung gaano kayabang at ka-tamad ang pinapakita ni Ye Mu Fan. Sa tingin kaya ng great young master na ito ay makakatakas pa siya sa krimen na ginawa niya?

Ginalit ni Ye Mu Fan ang dalawang matandang mag-asawa dahil nagnakaw siya ng pribadong impormasyon kaya ngayon, ito na ang kasiraan ng pamilya ni Ye Shao Ting at ang kakainin na lamang ni Ye Mu Fan ay ang pagkain sa presinto!

Makikita ang galak sa mga mata ni Liang Mei Xuan nang maisip niya ito.

Iritableng nagsalita si Ye Shao An, "Magsimula na tayo dahil andito naman na ang lahat. Didiretso ka na ba sa presinto o magkikita pa tayo sa korte?"

Kaswal na tiningnan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan.

Nang maintindihan niya ang senyales ng tingin ni Ye Wan Wan, tumango siya at biglang naging mapanlinlang ang mukha ni Ye Mu Fan.

"Didiretso ako sa presinto?" sinuri ni Ye Mu Fan ang buong silid at kaduda-duda ang tono ng boses niya: "Sinong didiretso ng presinto? Bakit, may ginawa bang ilegal ang Ye family?"

Natameme sila Ye Shao An at Liang Mei Xuan. Nabaliw na ba ang binatang ito dahil natatakot siya? Malamang, siya ang tinutukoy ni Ye Shao An...

"Tigilan mo ang pagpapanggap mo, Ye Mu Fan. Ikaw ang kriminal na tinutukoy ko!" umangal si Ye Shao An.

"Ako?" nakatayo sa iisang pwesto si Ye Mu Fan at tinuro niya ang kanyang sarili. "May ginawa akong krimen?"

"Oo, ikaw!" iritadong sinabi ni Liang Mei Xuan.

"Tita, gising ka ba talaga o inaalimpungatan ka pa?" sumimangot si Ye Mu Fan. "May pinatay ba ako o may ginawa ba akong panununog?"

Nangutya si Liang Mei Xuan. "Ang galing mong umarte, Ye Mu Fan! 'Wag mong sabihin sa akin na nakalimutan mong may ninakaw kang pribadong dokumento sa Ye family?"

"Pribadong dokumento?" Nagulat si Ye Mu Fan at bigla siyang napatingin kay Ye Wan Wan. "Wan Wan, ano ang pribadong dokumento na tinutukoy ni tita?"

Nakisama si Ye Wan Wan sa pagpapanggap ni Ye Mu Fan at sinabi niya, "Yun ata yung pribadong dokumento para sa Splendid Light project."

"Ah, oo nga pala… narinig ko ang mahirap na kompetensya para makuha ang Splendid Light Project. Anong meron? Sumama ba sa kompetisyon ang Ye family?"

"Oo pero, ang Shen family ang nakakuha ng proyekto." nag-buntong hininga si Ye Wan Wan.

"Shen family?" bumulong si Ye Mu Fan. "Ang isang hamak na pamilya na yun ay makikipaglaban sa Ye family? Sino bang may hawak ng Splendid Light project? Kung sino man siya, wala kamo siyang kwenta!"

"Ikaw…!" hindi inasahan ni Liang Mei Xuan na bastos pala si Ye Mu Fan; ang lakas ng loob niyang insultohin sila.

"Paano kaya nalaman ng Shen family ang bid price namin, kung hindi dahil sa hangal na traidor na nagsabi sa kanila ng impormasyon na iyon?!" galit na galit na si Liang Mei Xuan.

"Ah~ naintindihan ko na. Ako ang tinutukoy mo na nagnakaw ng pribadong dokumento para mapanalunan ng Shen family ang Splendid Light project?!" pinapakita ng itsura ni Ye Mu Fan na parang naliwanagan siya sa sitwasyon na iyon.

"Tsk… bakit ka pa nagpapanggap? ito na nga ang kasong hinaharap sayo." ngumisi si Liang Mei Xuan.

"Ilabas mo ang baho mo!" biglang siyang sinigawan ni Ye Mu Fan.

"Bang——"

Pagatapos ng pangyayari, narinig nila ang malakas na hampas na umalingawngaw sa buong silid.

Sinampal ng malakas ni Ye Mu Fan sa mukha si Liang Mei Xuan.

Nabigla si Liang Mei Xuan at pati na rin sila Ye Shao Ting at Liang Wan Jun.

Kumibo ang mga labi ni Ye Wan Wan.

"Sira ulo, sinusubukan mo bang sirain ang buhay mo? Ang tapang mo para sampalin akoo!" Lumaki ang mga mata ni Liang Mei Xuan. Hinawakan niya ang kanyang pisngi habang sinisigawan si Ye Mu Fan.

"Wala kang puso, tita! Bakit ako ang sisisihin mong nagnakaw ng mga dokumentong iyon!?" umangal si ye Mu Fan. Mas lalo siyang nababagabag kaysa kay Liang Mei Xuan at itinaas niya ang kanyang kamay dahil handa muli siyang sampalin ang kanyang tita.

Ngunit sa oras na iyon, pinigilan na siya ni Ye Wan Wan. "Ge ge, bakit mo ginawa ito? Nakakatanda sa atin si tita!"

avataravatar
Next chapter