415 Sila’y Nagbalik

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa lumang bahay ng mga Si:

Mayroong importanteng pagpupulong ang old madam kasama sila Qin Ruo Xi, mga senior manager ng kompanya at ang mga elder sa pamilya para sa pagliligtas nang mayroon sila narinig na mabilis na mga yapak ng paa papalapit sa pintuan.

Kasunod nito, nagbukas ang pintuan ng kwarto at ang kasambahay ay sobrang emosyonal habang hinihingal, "old … old madam… nagbalik… 9th master at ang iba ay nagbalik na!"

Angold madam ay na blanko ng sandali at napalitan ng tuwa ang kanyang mukha. "Anong sabi mo? Andyan na si Little 9th?"

Tumayo rin bigla si Qin Ruo Xi. "Asan na sila ngayon?"

"Nasa may pintuan na sila!"

Nagpumilit tumayo ang old madam. "Dali! Dali, dalhin niyo ako doon!"

Ang kasambahay ay nag madaling tulungan ang old madam at sabay silang naglakad ng mabilis patungo sa pintuan ng bahay.

Kanina, nang malaman ng ginang ang masamang balita, hindi man lang ito makatayo ng ayos, ngunit ngayon kinaya niyang tumakbo na parang lumilipad siya, sobrang nagmamadali para makita ang kanyang apo agad.

Sa totoo lang, marami nga ang nakaparadang mga kotse sa harap ng pintuan ng bahay. Si Xu Yi, Liu Ying at ang iba ay lumabas ng kotse, pa isa isa.

Matapos nilang lahat, lumabas ng dahan-dahan si Si Ye Han at dahan-dahang binuhat ng mga kasamahan niya palabas ng kotse. Kasunod nilang lumabas ng kotse si Ye Wan Wan.

Ng makita niyang inaalalayan si Si Ye Han palabas ng kotse, ang galak ng old madam ay napalitan ng pagaalala. "Nasaktan si Little 9th?"

Pinakalma siya agad ni Xu Yi: "Hindi nasaktan si 9th master, old madam, huwag kang magalala. Masyado lang niyang napagod ang kanyang sarili, kaya siya hinimatay. Kailangan ko po ang tulong ninyo upang tawagan si Dr. Sun na pumunta agad dito upang tignan si 9th master!"

Maraming katanungan ang nasa isipan ng old madam, ngunit sa panahong ito, ang atensyon niya ay nakatuon lamang sa kanyang apo. Nagmadali siyang tinawag ang kasambahay at inutusang tawagin si Sun Bai Cao at pinahintulutan na dahan-dahang buhatin papasok si Si Ye Han.

Makalipas ang ilang saglit, napaliligiran na si Si Ye Han ng old madam, Qin Ruo Xi, ang mga elder ng pamilya at mga kasambahay.

Sumiksik lamang si Ye Wan Wan paalis ng grupo at sumunod ng medyo malayo sa kanila.

Sa loob ng kwarto:

Pagkatapos makumpirma na ang apo niya ay hinimatay lamang dahil sa pagod at hindi siya nagtamo ng ano mang pinsala, kumalma na ang puso ng old madam. Ngunit ng makita niya ang maputla at mahinang itsura ng kanyang apo at ang sobrang pagkapagod nito na nagdulot ng kanyang pagkahimatay, namula ang kanyang mga mata ng siya ay nanginig at hinawakan ng mahigpit ang daliri ng kanyang apo.

Matapos niyang kumalma, humarap ang old madam patungo kila Xu Yi at iba pa ng may seryosong itsura. "Ano ba talaga ang nangyari? Paano kayo nakatakas?"

Kwinento ni Xu Yi ang lahat ng nangyari sa old madam. Lahat ng nanduon ay nakinig ng maigi at tinimbang ang bigat ng kanyang mga sinabi.

"Sa pangatlong araw papunta na kami sa country B at naghahanda na kaming magpatuloy sa paglalakbay, hindi na kinayanan ng katawan ng 9th master at bigla na lang siya hinimatay. Makalipas ang ilang saglit, nakatanggap ng balita ang mga taga bantay na ang country B ay kinokontrol ng isang malakas na grupo - at matapos nilang imbestigahan ang malakas na grupong ito ay ang Murderous Blood Gang."

"Sa mga oras na iyon, ang mga koneksyon namin sa labas ng lugar ay naputol bigla, kung kaya't pwede kaming maubos ng kahit na sino. Ginang, isang bagay na gusto kong linawin sa inyo ay kahit na doblehin o triplehin namin ang dami ng tao na dinala namin, hindi namin kakayanin na tapatan ang Murderous Blood Gang"

"Sa sitwasyong ito, nakapagtalaga lamang ako ng isang maliit na grupo upang protektahan si Miss Wan Wan sa ligtas na lugar. Ang puntirya ng kabilang grupo ay ang mga Si, kung kaya wala silang pakialam kung may nawawalang isang hindi importanteng tao..."

Takot na baka sisihin ng old madam si Xu Yi, sumingit si Eleven, "Sa ialalim ng sitwasyong iyon, hindi namin mababago ang sitwasyon kahit na nanatili kami doon, kung kaya ang espesyal na assistant na si Xu Yi ay itinalaga kaming bilang taga bantay ni Miss Wan Wan at umalis."

Hindi na masisisi ng old madam si Xu Yi sa pamamaraan nila sa pag ayos sa sitwasyon na iyon.

"Kilalang kilala ni Xu Yi si Little 9th. Kung gising si Little 9th, malamang parehas lang din ang ginawa niya." Kahit na sinabi ito ng old madam, sumimangot pa din ito ng bahagya, may konting dismaya sa mga mata niya.

avataravatar
Next chapter