896 Sikretong family clan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matagal na nabigla si Eleven sa katanungan ni Ye Wan Wan.

Pagkatapos ng ilang sandali, bumalik na sa tamang pag-iisip si Eleven at sinabi niya, "Paano mo naman nasabi iyon, Miss Wan Wan? May nagkalat ba ng tsismis o sabi-sabi tungkol sayo? Huwag mo silang pakinggan dahil ikaw mismo ang tumalo sa kanila. Sinong walang hiya naman ang magsasabi na wala kang kwenta? Kung walang kwenta ang mga kakayahan mo, paano na pala ang mga kakayahan namin?"

Sinama pa ni Eleven si Feng Xuan Yi. "Tama ba ako, kapitan Feng?"

Tumango ng buong puso si Feng Xuan Yi dahil sumasang-ayon sila. "Opo, gu-guro… mahusay si… guro…"

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. "Kahit gaano pa kalakas ang isang tao, may mas malakas pa rin sa kanya…"

Natandaan ni Ye Wan Wan ang mga mamamatay tao na nakilala niya noong pauwi siya galing sa Myanmar at yung lalaking may puting buhok na bigla na lamang sumulpot...

Kaya niya sigurong harapin ng mag-isa ang mga mamamatay tao kung hindi lang dahil sa estrangherong lalaki na may puting buhok.

Lumiwanag ang mga mata ni Feng Xuan Yi at nabulol siya nang marinig niya iyon, "Kahit n-na to… totoo iyon… pero… ma-magaling naman na… si guro… kkk-kung ikukumpara… sa normal na… tao…"

Tiningnan at naging interesado si Ye Wan Wan na makinig pa kay Feng Xuan Yi. "Ordinaryong mga tao? Sino pala ang mga abnormal na tao?"

Inisip muna ni Feng Xuan Yi ang kanyang isasagot. "Halimbawa, ang ilang sikretong mga family clans…"

Ye Wan Wan: "Sikretong mga family clans?"

Nagpaliwanag pa si Eleven nang marinig niya ito. "Halimbawa na lamang ang martial arts families. Naniwala ang lahat na wala nang martial arts families simula noong natapos na ang cold weapons era. Pero ang totoo… marami pang mga lumang martial arts family sa buong mundo na may kakaibang kalakasan."

"Tingnan mo kami, Miss Wan Wan - kami ang tinatawag na secret agents na sikretong sinanay ng mga maharlikang mga pamilya. Mukha man kaming makapangyarihan, ngunit sa isang totoong sikrerong pamilya o sa isang lumang aritocratic martial arts family, katumbas lamang namin na ang laruan ng isang bata."

Nakinig ng maigi si Ye Wan Wan at nagtanong siya, "Totoo ba ang sinasabi mong mga sikrerong family clans at mga makalumang aristocratic martial arys families?"

Nagpaliwanag si Eleven, "May sabi sabi sa ibang bansa na nakakatakot ang kapangyarihan ng isang sikretong family clan na mas malakas pa sila sa kapangyarihan ng isang buong bansa. Ngunit lampas pa ito sa kaalaman ng ordinaryong mga tao, kaya wala talagang nakakaalam, kahit kami hindi rin namin alam - tsismis lamang ito!"

Bumulong si Feng Xuan Yi habang nakatingin siya sa malayo, "Ang kaalaman ng mga ordinaryong tao sa mundo ay… hindi kumpleto…"

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Feng Xuan Yi. "Eto ay…"

Halimbawa na lamang ang grupo ng mga mersenaryo. Pinagbabawal sa China ang mersenaryo at hindi pwedeng magkaroon ng mga ganitong grupo sa bansa. Hindi alam ng mga ordinaryong tao ang ginagawa ng mga mersenaryo. Napakaraming mga grupo ng mga mersenaryo sa buong mundo...

Pagkatapos nilang mag-usap, tinapos na ni Ye Wan Wan ang pagsasanay nila sa araw na iyon. Meron siyang etiquette lesson kay Si Ye Han mamayang gabi, kaya kailangan niyang magreserba ng enerhiya para doon.

"Oo nga pala, ang Si family pala ang magiging host ng Mr. Mu sa susunod na buwan - hindi ba simple ang pagkakakilanlan ni Mr. Mu?" Naisip ni Ye Wan Wan na tanungin ito.

Inisip muna ito ni Eleven bago siya sumagot, "Mukhang normal na businessman lamang si Mr. Mu kung titingnan siya ng tao, pero siya raw ay misteryoso at mahirap mahulaan ang ugali niya. Walang nakakaalam kung anong ginagawa niya at interesado pa nga ang Qin family na kaibiganin siya…"

"Okay…" Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at bigla siyang bumulong, "Si Mu Sui Feng…"

Bakit pamilyar sa akin ang pangalan na ito?

Hindi na pinansin ni Ye Wan Wan ang kanyang iniisip, nag-shower na lamang siya at dumeretso na siya sa opisina.

avataravatar
Next chapter