525 Siguradong mababawi ko ulit ito

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Martial arts training ground:

*thump thump*tunog ng walang tigil na mga suntok na kasing tigas ng bato.

Ang naka bandaged na kamay ni Liu Ying ay nakakabaliw na sinusuntok ang punching bag.

Kaagad na hinila siya ni Song Jing palayo. "kapitan, tama na, baliw kaba?! Itigil mo na ito! May sugat ka!"

Mabigat ang pag hinga ni Liu Ying na may dilubyo sa kanyang mga mata at huminto ng ilang sandali bago atakihin ulit ang punching bag.

"Kapitan, wag kang ganyan! Kapitan…"

Matagal siyang sinuyo ni Song Jing, ang lahat ng kanyang nakita ay ang mga bumubukas ba sugat ni Liu Ying.

Sa mga sandaling ito, nahuli ni Song Jing mula sa gilid ng kanyang mata ang isang pamilyar na hugis na naglalakad patungo sa kanila.

"Miss Ruo Xi!" para ba itong kikat na bituin na dumating para kay Song Jing at mabilis na humingi ng tulong, "Miss Ruo Xi, pakiusap subukan mo pakiusapan si kapitan!"

Nang makita na ang taong dumating ay si Ruo Xi, napatigil si Liu Ying, "Miss Ruo Xi, Ako…"

Naglakad papunta si Qin Ruo Xi sa binata. "Narinig ko na ang nangyari."

Narinig niya na umatake si Ye Wan Wan sa bar kagabi habang si Liu Ying, Song Jing at ang iba ay hindi rin siya naprotektahan, kaya sila ay mapaparusahan ni Si Ye Han ngayong araw.

Mas lalo pang nagdilim ang itsura ni Liu Ying. "Patawad, Miss Ruo Xi, nabigo kita…"

Bumuntong hininga si Qin Ruo Xi at marahang sinabi, "Liu Ying, Ah-jiu pansamantalang kukunin ang iyong posisyon. Ang pagsusuri ng kapitan ay sa susunod na dalawang buwan pa at kung natalo mo si Eleven, maibabalik mo ang iyong posisyon bilang kapitan. Kaya, itong tinatawag na pagpapaalis ay ilang buwan lamang - wag mo ito masyadong dibdibin."

Nanantiling tahimik si Liu Ying, simula ng siya ay magtrabaho para sa master, hindi pa siya kahit kailan nakaramdam ng sobrang natural na pang-aatake at insulto noon, mahirap para sa kanyang bitawan ito.

"Para kay Miss Ye...:" nag-iba ang tingin ni Qin Ruo Xi. "ito ay sobrang nakakagulat; hindi ko alam na siya ay mahusay…"

Kahit na iniiwasan ni Si Ye Han na lumabas ang kahit anong impormasyon, sa posisiyon at lagay ni Qin Ruo Xi, malinaw na ito ay napakahirap alamin kung ano talaga ang nangyari kagabi.

Nang marinig iyon ni Liu Ying, naisip niya kung gaano talaga siya napinsala ni Ye Wan Wan at ang kanyang itsura ay kaagad na naging hindi maganda. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao at sinabi, "ang babaeng iyon ay astig na pwersa at mas lalong naging malakas nang siya ay nakainom. Sa karagdagan, wala ang sino man sa amin ang nagtangkang atakihin siya, kaya kaming lahat ay nasaktan niya…"

Tumango si Qin Ruo at nalaman na magkapareho ang istorya na nasa kanyang imahenasyon; sa kabilang banda, wala ng iba paliwanag kung paano natalo ng babaeng iyon si Liu Ying, Eleven, at marami pang iba.

Sa gayon, patuloy na pinapakalma ni Qin Ruo Xi si Liu Ying: "gayon pa man, huwag na isipin masyado ang tungkol dito. Agad kayong bumawi. Naniniwala ako na ang posisyon ng kapitan ay nararapat lamang sayo at ikaw lang nag-iisang kayang kunin ang role na ito."

Sa wakas bahagyang nabuhayan ang mukha ni Liiu Ying. "Salamat, Miss Ruo Xi. siguradong mababawi ko ulit iyon!"

"Iyan ang tamang asal!" matamis na ngumiti si Qin Ruo Xi. "maghihintay ako sayo ng magandang balita!"

"Sige!"

Gabi, sa Jin garden:

Nang makabalik si Ye Wan Wan, nakita niya si Xu Yi na nakatayo sa bakuran, mukhang naguguluhan.

Sa tingin ni Ye Wan Wan marahil dahil ito sa insidente kasama si Liu Ying, kaya siya ay namasyal. "Mayroon na bang napagpasyahan na parusa para kay Song Jing at Liu Ying?"

Huminga ng malalim si Xu Yi at tumango. "Si Song Jing ay naparusahan ng 100 hampas at si Liu Ying…"

Sandaling huminto si Xu Yi saka nagpatuloy, "Natanggal si Liu Ying mula sa kanyang tungkulin bilang head captain at si Eleven ang papalit sa panahong iyon."

Nagulat si Ye Wan Wan. talagang natanggal si Liu Ying mula sa kanyang puwesto...

Hindi niya inaasahan na ito ang kalalabasan.

Karamihan sa mga tauhan ni Liu Ying ay mga mandirigma na may malakas na pakiramdam ng katapatan at sa kanilang mundo, ang pinaka malakas ay dapat na respetuhin - ang lakas ay ang pinakamahalaga. May isa na dapat mahusay ang kakayahan na kontrolohin ang mga ito, kaya si Liu Ying ay nananatiling nirerespeto ng kanyang mga tauhan.

Ang pagbaba ni Liu Ying ay baka ikasira ng bilang ng tao, kaya itong posisyon na ginagampanan ni Eleven ay magiging sobrang mahirap para sa kanya…

avataravatar
Next chapter