295 Sigurado kang gusto mong sumunod sa kanya?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sineryoso ni Chu Hong Guang ang sinabi ni Ye Bai, kahit na alam niyang namamagitan lamang si Ye Bai sa kanilang dalawa.

Kamakailan lang, nagiging matigas ang ulo ni Zhou Wen Bin-- ilang beses siyang minaliit ni Zhou Wen Bin bilang chairman at narinig niya rin na pasikretong nakikipag-usap si Zhou Wen Bin sa Ye Group...

Sa kaisipan na iyon, biglang sinabi ni Chu Hong Guang, "Wen Bin, ibigay mo na ang kontrata. Nakapagdesisyon na ako."

"Pero, chairman Chu…"

Dumilim ang awra ni Chu Hong Guang. "Ano? Bawal na rin ba akong magpalipat ng artista ngayon? Kung ayaw mo, ibigay mo na lang si Gong Xu sa kanya!"

Nababagabag na pala talaga si chairman Chu dahil nasabi niya ang mga ganoong bagay.

"Syempre pwede mong gawin yun… chairman Chu, hindi iyon ang ibig kong sabihin… Ang… hay… gagawin ko agad ang sinabi mo chairman Chu…" umatras na sa laban si Zhou Wen Bin para hindi na lalong mabagabag si chairman Chu.

Nag 'humph' si Chu Hong Guang at binaba na ang videocall.

Tama pala si Ye bai. Walang maayos na kakalabasan kapag si Zhou Wen Bin lang ang magpapalakad ng Dazzling. Kapag nalaman na may masamang intensyon na binubuo si Zhou Wen Bin, masisira ang buong Dazzling Media,

Pero masyado pang bata at padalus-dalos si Ye Bai-- hinahayaan niya ang emosyon niya ay umepekto sa kanyang desisyon, masigasig niyang hinihingi ni Luo Chen. Kaya ba ni Ye Bai na harapin si Zhou Wen Bin?

Pagkatapos ng videocall, galit na tinawagan ni Zhou Wen Bin ang kanyang assistant at lawyer para pumunta at ayusin ang handover ni Luo Chen.

Tiningnan ni si Ye Bai habang pinipirmahan niya ang mga papeles, para bang gusto niyang kainin siya ng buhay.

Punyeta! Makakamtan ko na sana ang tagumpay pero, nabigo na naman ako!

Winagaywag ni Ye Bai ang kontrata pagkatapos ng pakikipagpalitan kay Luo Chen. Tumayo siya at sinabi. "Salamat, director Zhou!"

Nawawala pa rin ang isip ni Luo Chen dahil sa bilis ng mga pangyayari nang makita niya ang kanyang pangalan na nasa bagong management contract. Pagkatayo no Ye Wan Wan para umalis, doon lamang siya nagising at mabilis siyang sumunod sa likuran.

Pagkalabas niya, narinig niya sa kanyang likod ang nakakatakot na boses, "Mag-isip kang mabuti Luo Chen! Gusto mo ba talagang sumunod sa isip bata at walang kaalam-alam na manager na ito habang wala siya network at resources?"

Saglit na napahinto si Luo Chen bago siya sumunod muli sa direksyon ni Ye Bai...

May malakas na tunog ang nanggaling sa opisina ni Zhou Wen Bin-- iyon pala ay ang resulta ng pag-sipa ni Zhou Wen Bin sa may coffee table.

Tsk, napakaraming bago at masunuring artista sa loob ng kumpanya-- pwede naman siyang pumili ng iba!

21 na taong gulang na si Luo Chen--hindi na siya tulad ng noon. Gusto lamang siya noon ni Zhou Wen Bin dahil alam niyang hindi niya makukuha si Luo Chen, pero hindi niya inakala na hindi pala alam ng lalaking ito ang makakabuti sa kanya...

Magaling! Napakahusay! Gusto kong makita ang mangyayari sa pagsunod ni Luo Chen sa mama niya.

Sa isang opisina sa pangalawang palapag.

Pumunta siya para magkaroon ng magandang estado dahil personal siyang nilapitan ni Chu Hong Guang. Kahit hindi ganoon kalaki ang opisina ni Ye Wan Wan, maganda ito at ang disenyo nito ay minimalist na may magandang lighting.

"Maging komportable ka dito," nilabas ni Ye Wan Wan ang first-aid-at nilabas ang gasa.

Yumuko si Luo Chen habang tahimik na nilalagyan ng alkohol ang sugat niya. Sabay pinatungan ng bandage ang ibabaw nito.

Hinila ni Ye Wan Wan ang isang upuan at umupo siya harap ng desk, tiningnan niyang mabuti si Luo Chen nang walang ekspresyon sa kanyang mukha.

Tinawag niyang lalaki ito pero mas mukha pa siyang binata.

Ang itsura ni Luo Cheng ngayon at ang isang binata na nakita niya noong nakalipas na tatlong taon ay mag-kamukha.

avataravatar
Next chapter