1198 Si Tang Tang ang tagapagligtas ng bayan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Biglang dumating si Tang Tang kung kailan nahihirapan siyang patahimikin ang lalaking ito.

Ano ba ang mas magiging epektibo kaysa sa sinabi ni Tang Tang?

Lumaki ang mga mata ni Gong Xu at binalot ng pangangamba ang mukha niya. "Im-imposible!"

Biglang umubo si Ye Wan Wan. "Uh…"

Gayunpaman, biglang sumabad si Ye Mu Fan bago pa makapagsalita si Ye Wan Wan, "Paano naging imposible? Anak siya ng kapatid ko! Tingnan mo yung mukha ng bata kung hindi ka naniniwala! Ang mga mata, ilong at bibig niya ay tulad ng sa mukha ng kapatid ko!"

Wala na siyang pakialam. Kaibigan niya ang kalaban ng kaaway niya. Importante ang kapakanan ni Gong Xu sa kanila.

Mas malala ang reputasyon ng lalaking ito kaysa sa kanya, kaya bakit niya hahayaan ang mokong na ito na sirain ang imahe ng kanyang kapatid?

Agad na tiningnan ni Gong Xu ang maliit na bata na yumayakap kay Ye Wan Wan.

Sobrang ganda ng itsura ng batang ito, dakila ang awra na pumapalibot sa kanya kahit na bata pa lamang siya.

Tinitigan niya ng matagal ang bata at gusto niyang patunayan na nagsisinungaling si Ye Mu Fan. Nadismaya siya dahil mas lalong nagiging magkamukha si Ye Wan Wan at ang bata habang tumatagal ang pagtitig niya...

Hindi magkalayo ang itsura ng mag-ina habang magkatabi silang nakatayo!

P*ta! Gusto ko sanang makuha ang bulaklak ko… pero mukhang may prutas na ang puno na ito?!

Nag-aalangan na tumingin si Ye Wan Wan sa paligid habang yakap niya si Tang Tang. "Saan si Daddy mo?"

Bakit pumunta dito ng mag-isa si Tang Tang? Nandito lang naman siguro si Si Ye Han?

Masaya siya na hindi nakita ni Si Ye Han ang eksenang naganap kanina!

Madalas siyang minamalas pero mabuti na lang at kuminang ang kanyang swerte ngayon!

Sumagot si Tang Tang, "Pumunta sa likod si Daddy kasi may kukunin siya para sayo."

Bumulong si Ye Wan Wan, "Ah, okay…" okay yun!

"Tang Tang, ikaw talaga ang swerte ni Mommy!" Hinalikan muli ni Ye Wan Wan ang pisngi ni Tang Tang.

Tinulungan siya ni Tang Tang na makaraos sa panganib bago pa makarating si Si Ye Han. Naging panatag ang loob ni Ye Wan Wan.

Biglang ngumiti ang bata nang marinig niya ang puri sa kanya ng kanyang Mommy at makikita ang saya sa kanyang mukha.

Noong una ay nag-aalala siya na baka magalit si Mommy niya dahil hindi siya natulog ng maaga. Mabuti na lang at pinakinggan niya ang kanyang Daddy na sunduin ang kanyang Mommy.

Sa oras na iyon, nakita ni Ye Wan Wan ang isang pamilyar na tao na naglalakad papunta sa kanya mula sa likod ni Tang Tang.

Hindi na nakakagulat na dumating rin si Si Ye Han 

Masayang-masaya muli si Ye Wan Wan dahil natapos ang problema niya kay Gong Xu dahil kay Tang Tang. Kung hindi, malaking kaguluhan ang madudulot nito ngayon.

"Ah-Jiu~"

Agad na tumayo si Ye Wan Wan at dumeretso siya kay Si Ye Han.

Tinitigan ni Si Ye Han ang high heels na nasa paa ni Ye Wan Wan at bigla siyang sumimangot at bigla siyang nainis. "Bakit ka tumatakbo?"

Umangat ang tingin ni Ye Wan Wan sa kanya na parang isang bulaklak na namumukadkad. "Kasi masaya ako dahil nakita kita!"

Nakaakap si Si Ye Han sa beywang ni Ye Wan Wan, pero biglang nilagay ni Si Ye Han ang kahon sa lapag at sinabi niya. "Palitan mo yung sapatos mo."

Pagkabukas ng kahon, makikita ang isang pares ng komportableng sandals.

Ito ba ang binanggit ni Tang Tang na kinuha raw ni Si Ye Han?

Kumikinang ang mga mata ni Ye Wan Wan habang nakatingin siya kay Si Ye Han na tila isang anghel na nagkaroon ng pakpak. "Tulungan mo ako na suotin 'yan~"

Tinitigan muna ni Si Ye Han si Ye Wan Wan bago niya ito pinahawak sa kanyang braso. Lumuhod si Si Ye Han para palitan ng sandals ang high heels ni Ye Wan Wan.

Maingat si Si Ye Han kahit na manhid ang kanyang itsura habang tinutulungan niyang palitan ang sapatos ni Ye Wan Wan.

Yumakap ng mahigpit si Ye Wan Wan kay Si Ye Han noong nakatayo na ang lalaki. "At tsaka, at tsaka! Nakita mo ba ang message ko sayo! Napanalunan namin ang dalawang Best Actors at Best Actress ngayong gabi! Hindi mo pa ako kino-complement!"

Sumagot si Si Ye Han, "Ayos."

Nabagot si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon. Hindi siya makapaniwala. "Iyon lang???"

Tinitigan ni Si Ye Han ang nabagot at nadismayang mukha ni Ye Wan Wan. Pagkatapos niyang magdalawang isip, lumapit siya kay Ye Wan Wan at hinalikan niya ito sa labi.

Nasa likod nila ang kinalimutan na si Gong Xu: "..."

Pinaalis niyo na muna sana ako bago niya pinakita sa akin ang ka-sweetan niyo...

avataravatar
Next chapter