909 Sayang dahil hindi ako magkakaroon ng anak

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napakabuti ng sinabi ni Ye Wan Wan.

Napaka-weird ng batang lalaki na nakaupo ng apat hanggang limang metro ang layo sa kanya at parang pamilyar ito sa kanya.

Nabigla ang batang lalaki nang marinig niya ang sagot sa kanya ni Ye Wan Wan. Nag-isip muna siya bago siya makapagsalita. "Ganon ba."

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. "Pero sayang…"

Batang lalaki: "Sayang ang ano?"

Ye Wan Wan: "Sayang kasi… paano naman ako magkakaroon ng napaka-cute na bata… sino ba ang mga magulang mo? Ang galing nila gumawa ng bata, huh!"

Batang lalaki: "Hindi naman siguro."

Habang kinakausap ni Ye Wan Wan ang batang lalaki, isa sa mga mersenaryo na nakaupo sa harap ay sinigawan ang mersenaryo na nasa passenger seat. "Ano ba ang ginagawa mo? Bakit mo pa dinadala ang batang 'yan?"

Sumagot ang mersenaryo na dumakip sa bata, "Bigla na lang sumulpot sa hardin ang batang ito. Nakakapagtaka ito pero naisip ko na baka kamag-anak niya ang babaeng ito; para hindi na lumaki ang isyu, dalhin muna natin ang batang ito sa pupuntahan natin."

Napakunot ang mersenaryo na sumigaw ngunit hindi na lamang siya nakipagtalo.

Unti-unti napunta sa labas ng lungsod ang sasakyan habang sila ay nag-uusap.

Lumipas ang kalahating oras, huminto na ang kotse at si Ye Wan Wan at ang bata ay dinala sa isang kulungan.

Magkasamang nakakulong si Ye Wan Wan at ang bata. Nakatali rin si Tang Bin at si Song Qiang sa isang bakal na poste sa isang gilid.

Sinuri ni Ye Wan Wan ang kulungan at parang kaparehas nito ang kulungan ng Si family - ginagamit ito para sa torture at interogasyon.

"Saan ang kapitan?"

Tinanong ng isang mersenaryo.

"Umalis si Kapitan na kasama ang employer upang kunin ang bayad nito… malapit nang matapos ang misyon, kaya bakit pa mananatili dito ang kapitan?" May isang mersenaryo na sumagot.

Sa oras na iyon, tiningnan ng lalaking may mahabang buhok at lalaking balbas sarado si Ye Wan Wan na nasa loob ng kulungan. Nagtinginan silang dalawa na may pagtataka sa kanilang mga mata.

"Paano nangyari iyon…"

Sumimangot ang lalaking balbas sarado dahil ang master nila ay ang Rosas ng Kamatayan, hindi ba?!

Bakit naman madadakip ang Rosas ng Kamatayan?!

Noong una, akala nila na mayayari si Tang Long. Magagalit ng sobra ang master nila hanggang sa ililigtas sila nito.

Gayunpaman, kahit ang master nila ay nadakip na rin.

Hindi kaya ang babaeng ito ay hindi tunay na Rosas ng Kamatayan?

Ito na ba ang katapusan nila? Naisip pa naman nila na may malakas na tao nang sumusuporta sa kanila! Niloko ba sila ng kanilang master?

Anong nangyayari...

"Anong gagawin natin sa batang ito?" Tiningnan ng mersenaryo ang batang lalaki na nasa loob ng kulungan at hindi niya alam kung anong gagawin niya dito.

Matapos ang ilang saglit, tinawagan ng mersenaryo si Tang Long upang alamin kung ano ang iuutos nito sa kanya.

Noong una, tumanggi si Si Ming Li noong gustong pakawalan ni Tang Long ang little devil. Kamag-anak siguro ng batang ito si Ye Wan Wan dahil nakatayo siya sa hardin ng munting bahay na tinitirhan ni Ye Wan Wan.

Nag-video call ang dalawang panig dahil ito ay kahilingan ni Si Ming Li.

Ngumiti si Si Ming Li nang makita niyang nakakulong si Ye Wan Wan. Ang babaeng ito ay hawak na niya sa kanyang kamay.

"Si Ming Li…?" Kumislap ang mga mata ni Ye Wan Wan nang makita niya kung sino ang nasa video call.

Alam na ni Ye Wan Wan na si Si Ming Li ang may pakana ng pagpapadala ng mg C-rank mercenaries upang atakihin siya, ngunit paano niya nakuha ang mga mersenaryong malalakas at may mataas na ranggo?

Hindi kaya… may hindi siya nalaman sa buhay niya noon - ang pagkakakilanlan ng kaakibat ni Si Ming Li...

Hindi niya inasahan na makakakuha siya ng importanteng impormasyon sa pagkakataon na ito...

"Haha, Ye Wan Wan, Miss Ye, ang future mistress ng sambahayang Si. Nagkita muli tayo," pangasar na sinabi ni Si Ming Li.

"Fourth uncle, inaasahan ko na ito na ang huling pagkakataon na magkikita pa tayo." pilit na ngumiti si Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter