1180 Sasamahan ang anak at boyfriend ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Anong sinabi mo kay Ye Yiyi, Wan Wan? Mukhang uling ang mukha niya!" Mabilis na tinanong ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan.

Kumibit ang balikat ni Ye Wan Wan. "Wala akong sinabi sa kanya. Gusto niya akong kunin at tataasan niya raw ang bayad sa akin, kaya sinabi ko sa kanya na gusto kong makuha ang buong Ye family."

"Uh…" kumibo ang labi ni Ye Mu Fan. "Ang bagsik mo!"

Kaya pala sobrang nagalit si Ye Yiyi!

Kumuha ng inumin si Ye Wan Wan sa bar at mabilis na kinuha ni Ys Mu Fan ang inumin niya at pinalitan niya ito ng bagong baso. "May alak ang inumin mo. Ito na lang yung inumin mo. Mango juive ito; sinabihan ko ang waiter para gawan ka niya ng ganito!"

"..." Punong-puno na ng juice yung tiyan ko...

Lumipas ang kalahating oras:

Nalasing na ang iba dahil sa laks ng tama ng alak sa kanilang mga katawan. Ayon sa kanila, may mga aktibidades pa mamaya kaya hindi sila matatapos hanggang sumapit ang umaga.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang oras sa kanyang phone at kinausap niya si Ye Mu Fan, "Kuya, hindi na ako sasama sa piyesta mamaya."

Nagreklamo si Ye Mu Fan, "Bakit ang aga mo naman aalis?"

"Sasamahan ko ang boyfriend at anak ko!"

"..." Gustong sampalin ni Ye Mu Fan ang sarili niya dahil sa kanyang narinig. Bakit ka pa kasi nagtanong?!

Tumawa si Ye Wan Wan. "Hindi niyo ako hahayaan na umalis na lasing, kaya hindi naman masama na aalis ako para samahan ang boyfriend at anak ko, 'di ba?"

Wala nang masasabi si Ye Mu Fan doon.

Biglang nag-ring ang private phone ni Ye Wan Wan. Tinatawagan siya ni Xu Yi.

Biglang nagbago ang tingin ni Ye Wan Wan. May nangyari na naman siguro kay Si Ye Han?

"Kuya, may sasagutin lang akong tawag."

Agad na sinagot ni Ye Wan Wan ang tawag sa mas tahimik na lugar.

"Hello? Steward Xu, kamusta?"

Maririnig ang malungkot na boses ni Xu Yi sa kabilang panig. "Miss Wan Wan, pigilan mo naman ang sarili mo…"

"Huh? Anong meron sa akin?" Naguluhan si Ye Wan Wan.

Bumulong si Xu Yi, "Kumalat ang tsismis tungkol sa inyong dalawa ni Miss Jiang Yan Ran. At… ang lahat ng babae sa internet ay gusto kang… gusto…"

"Gusto nilamg makipag-sex sa akin at anakan ko raw sila?"

"Alam mo rin?!"

Mukhang inosente si Ye Wan Wan. "Wala rin akong magawa, okay? Hindi ba't nagpakilala akong lalaki sa mga tao dahil natakot ako na baka maakit ng mukha ko ang mga lalaki? Sinabi mo sa akin noon na magandang ideya ito!"

"Masyado pang bata ang isip ko noon…"

"…"

"Eh… ano pala ang meron sa inyo ng mga artistang hawak mo na sila Gong Xu at Luo Chen?"

Walang masabi si Ye Wan Wan. "Anong mangyayari sa amin? Pareho silang lalaki…"

Bumuntong hininga si Xu Yi. "Miss Wan Wan, tingnan mo yung balita…"

"Huh?" Nagtaka si Ye Wan Wan nang nilabas siya ang kanyang phone at nag-search siya.

Muntikan na siyang mabulag noong nakita niya ang bagong tsismis tungkol sa kanya.

Bakit ang lawak ng imahinasyon ng media ngayon?

Normal lamang sa industriya ang tsismis tungkol sa babae at lalaki, kaya kakayanin niya ang tsismis tungkol sa kanila ni Jiang Yan Ran. Makakahanap ng mainit na balita tungkol sa lovelife mo ang media kahit na maingat ka. Wala nang papansin sa ganitong balita kapag lumipas na ito, kaya hindi ito malaking problema.

Gayunpaman, pinagtambal siya kay Luo Chen at Gong Xu… kaya ang taong gumawa ng tsismis na ito ay gusto talaga siyang sirain...

Ang lalaking senior manager ay gustong magkaroon ng relasyon sa dalawang lalaking artista. Ang iskandalong ito ay sisira sa kanya. Hindi lamang si Ye Bai ang maapektuhan. Lahat ng lalaking artista na hawak ni Ye Bai ay madadamay rin.

avataravatar
Next chapter