210 Sasakalin ang mokong na 'to hanggang sa mamatay siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tsk, sa puntong 'yon, hindi pa rin alam ni Shen Meng Qi na magkamag-anak si Si Ye Han at Si Xia.

At saka, nawalan na ng kredibilidad ang salita ni Shen Meng Qi, matapos isiwalat noon sa lahat ni Ye Wan Wan ang ginawa ni Shen Meng Qi.

Makakabuti na sana kung hindi niya susubukang sirain ang relasyon ni Ye Wan Wan at Si Ye Han. Masyado nang halata ang masamang balak ni Shen Meng Qi kapag nangialam pa siya sa kanila, imposible nang maniwala si Si Ye Han sa kanya.

At sa oras din na iyon habang nakatayo sa gilid, hangang-hanga si Cheng Xue habang tinitingnan si Shen Meng Qi.

Noong una, akala niya na malapit si Shen Meng Qi kay Si Ye Han at kilalang kilala nito si Si Ye Han.

Pero nung narinig niyang tinawag ni Shen Meng Qi na komplikadong tao si Si Xia, nabigla siya at hindi nakapagsalita.

Wala pang tigapamana ang magkakapatid ng Si family at hindi pa rin kasal si Si Ye Han, kaya si Si Xia ang tinaguriang young master ng Si family-- napakataas ng kanyang posisyon sa pamilya.

Hindi hinayaan ni Si Ye Han na magkaroon siya ng tiga-pamana ng kayamanan at lahat ng pagmamay-ari nila, kahit pa maraming tao ang nagsabi na hindi siya katiwa-tiwala at masyado raw siyang mabagsik. Pero ang totoo, maayos ang trato ni Si Ye Han sa kanyang pamangkin at meron siyang respeto na binibigay kay Si Xia.

Ngunit may sabi-sabi noon, may kamag-anak sila na gustong makuha ang pabor ni Si Ye Han, kaya pinahiya ng kamag-anak na iyon si Si Xia sa harap ng lahat at tinawag pa siyang walang silbing sinungaling.

Ngunit nang malaman ito ni Si Ye Han, may inutusan siyang tao para tanggalin ang dila ng kamag-anak nilang iyon.

Ang madugo at nakakatakot na eksena ay kinagulat ng buong Si family...

Simula nun, wala na sa buong Si family ang nagtangkang mambastos kay Si Xia.

Tapos ngayon, sinubukan pa talagang sabihin ni Shen Meng Qi na komplikadong tao raw si Si Xia? At sa harap pa ni Si Ye Han?

Sa kabila nito, nakita ni Shen Meng Qi na nakahuhad pa rin si Si Xia, kaya ito ay isang malaking pruweba! Sobra siyang natuwa at nawalan siya ng kontrol sa kanyang emosyon. Hindi siya makapaniwala na tahimik at kalmado pa rin si Si Ye Han na para bang nahuli niya sa akto ang magjowa!

At kung magsalita si Ye Wan Wan ng kahit isang beses lang, sasabog si Si Ye Han at paniguradong papatay siya ng tao.

Tinanggap nga naman ni Ye Wan Wan ang damit ng isang gwapong lalaki, ang gwapong lalaki na hindi umalis sa tabi ni Wan Wan kahit pa nakahubad siya.

Nagkunwaring nag-aalala si Shen Meng Qi para kay Ye Wan Wan at nagmaka-awa siya kay Si Xia, "Si Xia, suotin mo na ang damit mo, dali! Mamasamain nila si Ye Wan Wan.."

Tiningnan siya ni Si Xia na parang baliw si Shen Meng Qi.

Saan galing ang bobo na 'to?

Bestfriend ba talaga ni Ye Wan Wan ang bobon ito?

Tsk, may sapak din ito sa kanyang utak; hindi na ko nagtaka kasi nagkagusto siya kay Si Ye Han na malibog!

Umunat siya patalikod at pinakita niya ang balinkinitan niyang katawan kapag nakadamit habang muscular naman kapag walang damit; kumislap ang kurbado at makinis niyang abs. "Tsk, hindi ko susuotin yan! Gusto ko lang maghubad para sa kanya, ano naman?"

Nanahimik ang buong klase pagkatapos sabihin ni Si Xia iyon.

Nanlaki ang mga mata ni Ye Wan Wan. Kung wala lang doon si Si Ye Han, binugbog at sinakal niya ang mokong hanggang sa siya ay mamatay.

Ano bang galit at poot ang kinikimkim ni Si Xia sa akin?!

Si Si Xia yata si kamatayan noong nabuhay muli siya!

"Wo… Wow… tsismis ito! Dalawang lalaki, pinagtatalunan ang isang babae!"

"At parehas pa silang gwapo! Pero kasi kakaiba talaga ang awra ni Si Xia, hindi ko matiis ang bata at fresh niyang appeal! Swerte talaga si Ye Wan Wan sa lalaki noh?"

"Tsk, pokpok talaga siya---walang hiya!"

"Hindi ba sumosobra si Ye Wan Wan sa panlalandi ng ibat-ibang lalaki?"

Hindi inasahan ni Shen Meng Qi na nakakagulat ang ugali ni Si Xia, kaya sobra siyang natuwa sa nangyari. Patuloy niyang pinaglaruan ang relasyon ng dalawa at kunware hindi siya maka-paniwalang sinabi, "Ikaw… bakit mo ginawa iyon? Alam mo naman na siguro na may boyfriend si Ye Wan Wan pero ganyan pa rin ikaw umakto--- ganyan ka ba pinalaki, young master Si?"

avataravatar
Next chapter