508 Sapilitang pinainom ng alak

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kaya pa sanang manlaban ni Ye Wan Wan pero pagkatapos nito, napunta siya sa isang mahirap na sitwasyon kung saan ay wala siyang kalaban-laban.

Nakatayo lang ang grupo ng tauhan ni Chen Shi Jie habang nanonood at tumatawa sila kay Ye Wan Wan na pilit na nanlalaban.

Hindi na nakapagtimpi si Chen Shi Jie matapos ang ilang oras na panlalaban ni Ye Wan Wan, unti-unting naging malisyoso ang mga mata ng lalaki. "Hehe, magagalitin pala ang babaeng ito? Ayaw mong sumama kay young master (ako) 'di ba? Sige! Dito na lang kita pagti-tripan!"

Malakas ang loob ni Chen Shi Jie noong sinimulan niyang pagtripan si Ye Wan Wan - ilang beses na siyang nambastos ng babae sa publiko noon at nagsimula pa siya ng party na kung saan ay puro kalaswaan ang ginagawa sa mga kababaihan sa harap ng publiko. Ginawa niya talaga iyon at nagagalak siya kapag ginagawa niya iyon.

Ang mga kasamahan niya ay muling umalulong na parang mga lobo.

Ang ilang mga tao sa may pub ay nakinood na rin sa kaguluhan at biglang nagsi-alulong na rin ang iba at pinakita nila na kalokohan lamang ang mga pangyayari. Sa kumpol ng mga tao, may ilang mga malilibog na mata at mga lasing na may mahalay na itsurang naghihintay ng kabulastugan, masigasig nilang hinihintay ang babaeng piyesta sa kanilang mga mata.

Minsan, may ilang tao na hindi makapagtimpi sa kalaswaan pero hindi na lang sila nagsasalita. Ang bawat isang mga tao ay nagtago sa malayo para hindi nila ito mapansin.

Mga magagaling na eksperto ang grupo ng mga thugs ni Chen Shi Jie; sinong susubok na makipaglaban sa kanila?

Mala-elegante ang paghawak niya ng glass at muling pinuno ng alalay niya sa likod ang glass niya sa tuwing nauubos ito at ngumisi siya, "Hawakan niyo siya!"

Biglang hinablot ng natitirang mga gwardiya si Ye Wan Wan na parang mga lobo at tigre sa sobrang bagsik.

Tinapon ng dalawang bodyguard si Jiang Yan Ran sa gilid habang lasing at wala siyang malay. Ang ibang mga bodyguard ay hinawakan at hinablot si Ye Wan Wan.

Hindi makagalaw si Ye Wan Wan. Tiningnan niya lamang ang mga bodyguards habang ang mga mata niya ay nanlilisik sa lamig.

Ang nakakasindak na mga mata niya ay nagpakilabot kay Chen Shi Jie, ngunit mas malakas ang pagbalot ng kalibugan nang lumapit siya kay Ye Wan Wan na may nakakagimbal na ngiti sa kanyang mukha, bigla niyang inutusan ang tauhan niya, "Ipilit niyo ang alak sa ngalangalahan niya! Marami na akong nakita na mga babae na mukhang inosente sa panlabas na itsura! Lalabas ang totoo niyang ugali pag uminom siya ng alak! Malibog yan, tingnan niyo lang!"

"Opo!" Mabilis na tumakbo ang blondie at kumuha siya ng isang bote ng whiskey, pilit niyang pinainom ng alak si Ye Wan Wan hanggang sa mapunta ito sa ngalangalahan.

*cough cough…* naramdaman ni Ye Wan Wan na parang nasusunog ang lalamunan niya habang pilit na bumubuhos ang matapang na alak sa loob ng kanyang bunganga.

"Hahahaha… inom pa…"

Pilit at walang tigil na pinapa-inom ni Chen Shi Jie ng alak si Ye Wan Wan at ilang saglit lang, nakita na ang ilalim ng bote.

Matagal na hinangaan ni Chen Shi Jie si Ye Wan Wan habang pilit siyang pina-inom ng alak. Sa wakas ay may malakas na "crash" ang narinig, hinagis no Chen Shi Jie ang kanyang glass at dahah-dahan siyang naglakad papunta sa babae, handa na niyang tikman ang nakahanda sa kanyang piyesta...

Hindi na kinaya ni Song Jing ang nangyayari kay Ye Wan Wan. "Kapitan, wala ba talaga tayong gagawin?"

Nanahimik lamang si Liu Ying tulad ng inaasahan niya, walang intensyon si Liu Ying na depensahan ang kawawang si Ye Wan Wan.

Hindi hahayaan ni Liu Ying na may mangyaring masama kay Ye Wan Wan.

Pero kailangang matuto ng babaeng ito.

Lalong nabahala si Song Jing dahil nakita niya si Ye Wan Wan na maraming tao ang nambabastos sa kanya.

Kailangan nang tumigil nito...

Kahit anong mangyari, si Ye Wan Wan pa rin ang girlfriend ni master at binigyan kami ng utos na protektahan siya - bakit hindi namin papansinin ang trabaho namin?

Ako na lang ang susugod sa kanila kapag may malala nang nangyari...

Naramdaman ni Ye Wan Wan na parang imyerno ang kanyang katawan sa sobrang init pagkatapos niyang ubusin ang isang bote ng alak; kahit ang kaluluwa niya ay parang nasusunog at unti-unti itong nagiging abo...

Palapit ng palapit ang nakakabinging tugtog, mga baliw na tawanan ng mga tao at ang malibog na mukha ni Chen Shi Jie...

Umiikot ang buong mundo sa kanyang paningin...

Parang sasabog ang ulo ni Ye Wan Wan sa dami ng pina-inom sa kanya. Naging malambot ang buong katawan niya nang bigla siya napa-higa sa lapag at bumaluktot siya sa sobrang sakit na nararamdaman niya...

avataravatar
Next chapter