284 Sana hindi siya sumabog

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumulpot bigla sa may pintuan ni Ye Wan Wan si Han Xian Yu na may dala dalang plastic bags sa mga kamay niya. Bumalik siya sa katinuan pagkatapos niyang mabigla ng matagal habang gulat niyang sinabi, "Ikaw…"

"Narinig ko galing kay Yang-ge na kakalipat mo lang raw ngayong araw, kaya naisipan kong bumisita." magalang na sinabi ni Han Xian Yu.

Napatingin si Ye Wan Wan sa kabilang kwarto na katabi ng sa kanya. "Dito ka nakatira?"

Nakakaawang sumagot si Han Xian Yu, "Nakatira ako noon sa villa ko sa East City District pero alam mo naman, dahil sa insidente, kumalat ang lahat ng private addresses ko kaya pansamantala na dito muna ako titira…"

At dahil doon, tuluyan nang naliwanagan si Ye Wan Wan. "Ah, kaya pala."

Pagkatapos niyang magsalita, tiningnan ni Ye Wan Wan si Han Xian Yu. Suot niya ay pantalon, black leather jacket na may printed top at puting sneakers; meron siyang hikaw na arrow-shaped sa kaliwa niyang tenga, medyo magulo ang brown na maigsi niyang buhok.

Kaswal ang kanyang itsura. Mukhang malaya at masaya siya, gwapo pa. Ang itsura niyang nakatayo ay tunay na naaka-akit, kahit pa nakikita siya sa mga kamera na magarbo ang suot at napakagwapo.

Gayunpaman, ang pinakamagandang parte ng kanyang itsura ay ang mga mata niya--- lumiliyab na tulad ng dalawang nagbabagang apoy.

Mas mukhang maayos si Han Xian Yu ngayon, kumapara na lang sa itsura niya noong nasa conference room sila ng Worldwide.

Kilala ni Ye Wan Wan si Han Xian Yu, bilang isang tao na nagpapatili ng kanyang mga fans pero kayang magpakumbaba para matulungan ang mga matatanda; ang kotse siya ay isang red Ferrari pero mabagal siyang magpatakbo sa daanan, hindi niya ipinagmamayabang ito, pinapakain niya rin ang mga pusa sa daanan...

Mukha man siyang maangas at malupit sa itsura niya, pero sa loob, mabait at malambot ang puso niya sa lahat ng tao.

Tulad ng hangin siya ay isang malaya na tao, kasing liwanag ng araw na sumisukat sa lahat ng nabubuhay, kaya niyang impluwensyahan ng kabaitan at positibong puso ang lahat ng nakapaligid sa kanya.

Ito ang totoong Han Xian Yu.

Kahit sa unang buhay ni Ye Wan Wan, gustong-gusto niya bilang artista si Han Xian Yu, ramdam niya ang masikap at maligaya niyang ugali.

At dahil napaka perpekto ni Han Xian Yu, nakakaawang makita na nasira ang kanyang buhay, sa nakaraang buhay ni Ye Wan Wan.

Buti na lang, sa kasalukuyang buhay niya ngayon, nagliliyab pa rin ang natitirang apoy ng artista...

Ninerbyos si Han Xian Yu nang makita niya ang mga umiiyak na mata ni Ye Wan Wan. Naubo siya at sinabi, "Pasensya kung iniistorbo kita…"

Bumalik sa katinuan si Ye Wan Wan at sumagot siya, "Hindi, hindi ka nakaka-istorbo, pasok ka dali!"

Coincidence nga naman na kapitbahay niya si Han Xian Yu at naisipan niya pang bumisita.

Uh, nasa loob pa pala si Si Ye Han, anong gagawin ko?

Pero kasi, andaming dala-dala ni Han Xian Yu tapos personal pa siyang pumunta dito para bumisita; hindi ko naman siya pwedeng paalisin!

Walang choice si Ye Wan Wan kundi papasukin siya.

Buti na lang, naka pang-lalaki siyang damit, kaya ligtas siya sa ngayon.

Gayunpaman, pagkapasok ni Han Xian Yu, nagulat siya sa nakita niyang lalaki na nakaupo sa may sofa.

Nagulat siya dahil sa maka-agaw atensyon na itsura at ugali ng lalaki.

Malakas ang kumpyansa ni Han Xian Yu sa itsura niya; maraming fans ang pumupuri kapag nag-post siya ng litrato ng mukha niya sa social media. Ngunit, kumapara sa lalaking ito, mas mababa ang kaledad ng itsura niya.

Kung gwapo si Xian Yu, ang itsura ng lalaking ito ay pasabog sa buong sambayanan sa taglay niyang kagwapuhan.

"Siya ay si…?" tulirong tinanong ni Han Xian Yu.

*cough* "Ito ang kaibigan ko na si, Si… 9th Si…" simple ang pagpapakilala ni Ye Wan Wan nang bigla siyang kinabahan pagka tingin niya kay Si Ye Han, "Ah-Jiu[1], siya si Han Xian Yu. Isa siyang sikat na artista, alam ko na nabanggit ko siya sayo noon!"

Nilunok ni Ye Wan Wan ang kanyang laway at nagdadasal siya sa kanyang isipan na sana hindi sumabog sa sobrang galit si Si Ye Han...

avataravatar
Next chapter