230 Sampid

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Talaga bang nilalabahan ng ina ang mga damit ng buong pamilya ni tito?

Kinunot ni Ye Wan Wan ang kaniyang kilay. Pagkatapos, siya ay nakarining ng yapak papalapit.

Nakita niya ang isang kaakit-akit na babae na may malaking kulot na buhok na naglalakad palabas ng bahay, hawak ang pink na palda. Naglakad ito patungo sa kaniyang ina at hindi natutuwang sabi, "Jiejie [1], bakit ganito ang aking palda?"

Humarap ang kaniyang ina at tinignan ang babae, at tumingin sa palda na hawak ng babae, tila nagulat ito ng tignan, "Ito… bakit may nakausling sinulid?"

"Nilabahan mo ba ito gamit ang washing machine?" galit na tanong ng tita ni Wan Wan na si Fang Xiu Min.

"Tinanong kita at sinabi mo na machine washable ito kaya nilagay ko…"

At biglang na pasigaw sa pagkabalisa si Fang Xiu Min, " PAANO ITO NAGING MACHINE WASHABLE?! ITO AY TOTOONG SILK! Malamang tinutulungan ko si Hannah sa kaniyang takdang-aralin ng mga oras na iyon kaya hindi kita narinig ng maayos kaya sumagot na lang ako. Pero Jiejie, lagi kang nagsusuot ng mga magagandang damit! Paanong hindi mo alam ang pagkakaiba ng mga materyales ng damit ngayon?"

Mukhang medyo napahiya si Liang Wan Jun, "patawarin mo ako, late na din ako natatapos upang madaliin ang mga handmade orders ng mga customers at lumalabo na din ang aking paningin ngayon… sabihin mo na lang sakin kung magkano yan at babayaran na lang kita!"

Tumingin si Fang Xiu Min sa pirasong telang hawak niya ng bakas ang lungkot sa kaniyang mukha at panunuksong sinabi, "Mahigit sampung libo ito, paano mo ito babayaran? Hindi mo nga magawang makabili ng isa sa mga ganito kahit na mag benta kapa ng maraming mumurahing ginagawa mo!"

"Wala pa kaming sapat na pera ni Shao Ting sa ngayon, ngunit pagbumalik na si Mu Fan…"

Sumulyap ng may pangmamaliit sa kaniyang mata at inis sa kaniyang mukha, kinawaykaway ni Fang Xiu Min ang kaniyang kamay na para bang inaalis ang malas at sinabi na may mali sa kaniyang ngiti, "Kalimutan mo na ito, ang kahabag-habag na pera na kaniyang pinapadala, hindi man lamang sumasapat sa mga binabayaran ninyo kada buwan, tama? Wag mo ng alalahanin ang palda; baka, isipin pa ni Jia Hao na binibigyan ko pa ng problema si Jiejie!"

Sa mga sandaling ito, ang mahinhin at magandang babae na nakasuot ng bestida ang lumabas sa bahay. At dahan-dahang nabaling ang tingin kay Liang Wan Jun, "Tita, sa susunod dapat ikusot mo na lang ang bawat piraso ng damit, kung sakaling maninira ka ng bagay-bagay. At nga pala, masyadong maingay at malakas ang washing machine--paano ako makakapag-aral dahil sa bagay na iyon?!"

Tumingin si Fang Xiu Min sa kaniyang pinaka-mamahal na anak at sabik na pinuntahan ito, "Baby girl, anong ginagawa mo dito sa labas? Dapat nag nakatuon ka lang sa iyong pag-aaral ngayon!"

At humarap si Fang Xiu Min sa ina ni Ye Wan Wan, na mukhang masama ang loob na humihingi ng tawad, "Jiejie, patawarin mo ako, malapit ng kumuha ng college entrance exam si hannah. Hindi pwedeng maingay kundi magugulo siya. Kailangan natin ipakusot kay Jiejie ang lahat ng damit pansamantala.

Meron tayong katulong noon sa bahay at hindi na kailangan pang gawin ni Jiejie ang gawaing bahay ngunit lumalaki na ang babayarin ng ating pamilya kaya kailangan nating magtanggal ng katulong. Kailangan kong tulungan si Hannah sa kaniyang pag-aaral kaya halos wala na akong oras sa mga ganito-- kaya patawad kung naabala kita. Jiejie, wala lang naman ito, diba?"

"Wala lang ito, ako na bahala dito…" Tikom ng bibig ni Liang Wan Jun.

Gayon pa man, ayaw din naman niyang kumain at tumira ng libre kaya kusang loob siyang tumutulong sa paglalaba at pagluluto sa abot ng kaniyang makakaya.

Napasimangot si Liang Shi Han ng marinig niya iyon, "Mom, bakit ba ang bait mo sa kaniya? Kumakain at tumitira siya dito ng libre; ginagamit niya ang mga gamit natin ng libre. Ano naman ngayon kung uutusan natin siya na labahan ang ilang pirasong damit? Ayoko ng sampid sa ating bahay; nakakairita!"

Agad na pinahinahon ni Fang Xiu Min si Liang Shi Han, "Maging mabait ka darling. Sasabihan ko na lang siya na lumayo at iwasang gambalain ka. Tumutok ka lang sa paghahanda para sa iyong pag-susulit at wag ka mag papagulo. Pakiusap wag ka maging katulad ng pinsan mo!"

Binigyan ni Liang Shi Hang siya ng pangmamaliit na tingin, "Mom, nagbibiro kaba? Paano mo ako na hahalintulad kay Ye Wan Wan?!"

avataravatar
Next chapter