850 Salungat sa kanyang imahe

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dazzling media:

Galit na naglakad si Cai Yongsheng sa upuan ng mga staff at dumeretso sa opisina.

Nakayuko ang mga staff sa likod niya. Hindi na sila nagtangka pang huminga; nang makapasok na si Cai Yongsheng sa opisina, nag-umpisa na silang magtsimisan.

Sumabog ang kasikatan nila Gong Xu at Luo Chen sa isang gabi, at bilang mga insider ng industriya, natanggap nila ang balita kanila, kaya imposible na hindi nila alam ang tungkol dito.

"P*ta, talagang ibibigay ko kay Ye Bai ito! Ang galing!"

"Tama. Wala siyang pera, network o mapagkukunan, pero nagawa niyang lumaban sila Gong Xu at Luo Chen sa isang gabi sa magazine cover lang!"

"May kakayahan naman talaga ang vice president Ye natin pero napilitan lang siyang umalis dahil kay Cai Yongsheng. Sayang…"

"Sobrang malas talaga ni Cai Yongsheng ngayon. Alam niyo ba? Napagalitan si Lucy Yang!"

Sa opisina, nagwawala na si Cai Yonsheng. "Anong sabi mo? Imposible 'to!"

Paano naman naging patok ang katawa-tawang cover na ito?

At laos na magazine ang VIVI na malapit ng magsara!

Gayunpaman, kahit na hindi kapani-paniwala ang insidente, nandoon ang katotohanan.

Sumasakit ang ulo ng assistant. Sabi niya, "Direktor Cai, ang malalang nangyayari ay tungkol kay Lucy. Ngayon, inaatake siya ng lahat online at pati ang kumpanya ay nadamay…"

"Ano?" agad na binuksan ni Cai Yongsheng ang kanyang komputer at sinuri ang entertainment news.

Si Gong Xu at Luo Chen, na kanyang sinugpo at matagal ng nasa baba, ay sumabog kasikatan sa Internet sa isang gabi lang. Ang malala pa ay biglang nagbago ang hangin sa online at pinupuno ang Weibo ni Lucy Yang ng mga poot na mensahe...

[Sh*t! Anong LuXu Cp, LuoLu na eskandalo? Dapat sina Luo Chen at Gong Xu noon pa lamang!]

[Hahaha, si Tita Lu na freeloader kung saan. Nangangarap lang siya sa kanyang parte, huh? Umalis na magkasama ang dalawa sa kumpanya at wala ng pake sa kanya!]

Sa una, pabirong nagkukumento ang mga netizen, pero maya maya pa, ang ilan sa kanila ay napagtanto na may mali. Ang mga boses na pinalubog ng water army ay nag-umpisa ng magsilabasan...

[Napansin niyo ba na mula sa una hanggang ngayon, na walang batayan ang mga eskandalo nila Gong Xu at Luo Chen kay Lucy Yang? Wala man lang may konkretong ebidensya!]

[Napansin niyo 'yon? Ang mga taktika ni Lucy Yang - sinakyan niya ang kasikatan nila at gumawa ng eskandalo na mahal daw siya ng dalawang lalaki, kinilala ang sarili niya bilang isang nakakabighaning diyosa!]

[Walang hiya ang babaeng iyon; patuloy siyang sumasakay sa kasikatan nila Gong Xu at Luo Chen at hindi man lang sila pinabayaan matapos na umalis sa kumpanya!]

[Nagtatrabaho ako dati sa Dazzling pero umalis ako dahil sa direktor ng talent recruitment, si Cai Yongsheng, ay gustong paalisin si direktor Ye. Nasa panig ako ng katotohanan; para umangat ang kasikatan ng mga artistang pinapangalagaan niya, laging ginagamit ni Cai Yongsheng sila Gong Xu at Luo Chen para mai-angat si Lucy Yang. Sa huli, hindi na nakatiis sila Gong Xu at Luo Chen kaya umalis sila kasama si Ye Bai; hindi nila pinagtaksilan ang kumpanya o anuman, hindi din sila piangsuam ng ibang mga kumpanya!]

Napuno ng pawis ang noo ni Cai Yongsheng. "Ano pang inaantay mo?! Burahin mo ang kalokohang iyan!"

Walang magawa ang assistant. "Iyan… may nabura na kaming iba, pero imposible na mabura lahat…"

Paano naman posible na may mapigilan sa Internet? Tsaka, nakakatakot na ang kasikatan ng kabilang partida ngayon...

Patuloy na nabubunyag ang mga masasamang gawain ni Lucy Yang, at madami ding nagagalit sa kanya sa kanyang Weibo at tuluyan na siyang pinuna ng mga tagahang nila Luo Chen at Gong Xu.

Samantala, sa mga malaking kahilingan, naglabas ang VIVI magazine ng mga litrato mula sa ikatlong tema at nag-anunsyo ng espesyal na pagpapahayag kasama ang Age of the Immortals media...

avataravatar
Next chapter