1104 Salitang pang-tao lang ang naiintindihan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakuntento si Gong Xu nang marinig niya ang na nagtitiwala sa kanya si Ye Wan Wan kaya binaba niya na ang tawag.

Kasalukuyan na sinasanay ni Ye Wan Wan Wan si Jiang Yan Ran sa script.

Ang mga contestants para sa audition ngayon ay ilan sa mga mahuhusay na estudyante na nanggaling sa magagaling na film at theatre colleges ng Imperial City, kaya tunay na nakakatakot ang kompetisyon.

Walang kalamangan si Jiang Yan Ran sa mga estudyante na sinimulan na ang kanilang careers at doon sa mga nakakuha ng ng kaunting kasikatan sa industriya, kahit na maganda ang kanyang mga grado.

Saglit pa lamang silang nandoon pero may nakita nang ilang mga talents na nilagay doon ng Global Entertainment at Emperor Sky. Nakita niya pa nga si Liang Shi Han.

Napunta si Liang Shi Han sa Emperor Sky dahil sa koneksyon niya kay Liang Mei Xuan at Ye Yiyi.

Nagulat at nakita ni Liang Shi Han si Ye Wan Wan na nasa dumog ng mga tao at biglang lumaki ang mga mata niya. Maangas siyang lumapit at nangasar pa ito, "Sino ba ang nakikita kong ito?! Ye Wan Wan! Pumunta ka rin ba dito para mag-audition?"

Nanggaling sa eskwelahan si Ye Wan Wan dahil kinuha niya ang graduation certificate niya bago niya samahan si Jiang Yan Ran sa audition, kaya nakasuot na pang-babae siya.

"Hmph, hindi ba masyado kang nagmamalaki? Sa tingin mo ba ay magiging matagumpay ka sa industriya dahil maganda ka? Pelikula ito ni Director Peng Yuan Hu! Pero ang lakas pa rin ng loob mong mag-auditon?!" Ngumawa si Liang Shi Han, pero pinadyak niya ang kanyang paa noong hindi sumasagot si Ye Wan Wan. "Hoy, bakit wala kang sinasabi?"

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan at tiningnan niya si Liang Shi Han. "Pasensya na, mga salita ng tao lang ang naiintindihan ko."

"Ikaw!" Nainis si Liang Shi Han. "Kasalanan mo kung bakit pinarusahan si Auntie Mei Xuan! Huwag ka masyadong matuwa, Wan Wan! Maba-bankrupt kaagad ang kumpanya ng kapatid mo!"

Ayaw ibigay ni Ye Wan Wan ang atensyon niya sa mokonga na ito.

Tinuring na tunay na anak ng pamilya ng kanyang tito si Liang Mei Xuan, na anak niya sa kabit. Ngunit hindi nila tinuring na pamilya ang magulang ni Ye Wan Wan, na tumulong sa kanya, at siniraan pa nila ito.

Galit na tumayo si Jiang Yan Ran. "Sino ka ba, at bakit ang dugyot ng pananalita mo?! Nandito si Wan Wan para samahan akong mah-audition."

Suminghal si Liang Shi Han. "Ako ang pamangkin ng CEO ng Ye group at pinsan ako ni Ye Yiyi, ang direktor ng talent recruitment department sa Emperor Sky Entertainment! Mapupunta sa akin ang role na ito! Jiang-ganda! Huwag mo nang sayangin ang oras ko at umuwi ka na lang!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod siya at makikita ang maangas na natutuwang mukha niya.

Ang ilan sa mga estudyante na nandoon para sa auditions ay nakapaligid sa kanya na parang siya ang araw at pinupri siya ng mga ito...

Sumimangot si Jiang Yan Ran. "Siya ba ang mas bata mong pinsan?"

"Huwag mo siyang pansinin, mag-focus ka sa audition mo. Natutunan ko na may mga eksenang mataas ang tsansang mahusgahan nila. Alamin mo ang mga ito…" sabi ni Ye Wan Wan at minarkahan niya ang ilang mga linya sa papel na hinanda niya.

Pinakinggan pa rin ni Jiang Yan Ran si Ye Wan Wan kahit na galit siya.

Kailangan niyang magtrabaho ng maigi para kay Ye Wan Wan!

Nagsimula na ang auditions at sinabihan na ng staff ang mga contestants para dito.

Naghihintay lamang sa lang sa labas si Ye Wan Wan dahil hindi pwedeng pumasok ang hindi mag-o-audition.

Isa-isang lumabas ang mga estudyante at ang bawat isa sa kanila ay nalulungkot na umalis. Mukhang hindi sila nagtagumpay.

Makalipas ang 30 minutos, mayabang na lumabas si Liang Shi Han. Bago siya umalis, tiningnan niya muna ng masama si Ye Wan Wan. "Sabi nila na dumedepende ang kapatid mo sa A Life and Death Struggle para makakuha ng Golden Orchid Award? Sorry, pero wala kayong tsansa na makakuha ng Best Actor at Best Actress sa Golden Orchid Awards!"

Biglang ngumiti si Ye Wan Wan habang pinapanood niyang umalis si Liang Shi Han. Wala silang tsansang manalo?

Tingnan mo lang...

avataravatar
Next chapter