1197 Saktong-sakto ang pagkakarating

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Gong Xu: "…"

Inisip ito ng mabuti ni Gong Xu. Mukhang imposible na maging malambot na babae si Brother Ye.

At tsaka… napagtanto niya rin na… mas gusto niya ang ganitong ugali ni Little Candied Plum...

Kaya, walang nagawa si Gong Xu kung hindi itago ang kanyang mga luha at itikom ang kanyang mga emosyon. Pagkatapos ay umamin siya, "Brother Ye… alam mo… gusto ko si Little Candied Plum… nagustuhan ko siya noong una ko pa lamang siyang nakita…"

Tumango si Ye Wan Wan. "Ginamit ko rin ang bibig ni Ye Bai para sabihin sayo na hindi ka type ni Little Candied Plum simula pa noong una."

Ang mga salita ni Ye Wan Wan ay parang pana na tumagos sa puso ni Gong Xu.

Hindi ako ang type ni Little Candied Plum! Edi hindi rin ako ang type ni Brother Ye!

Huminto ng saglit si Ye Wan Wan bago siya magpatuloy, "At tsaka, Gong Xu, kailangan mo rin malaman na may boyfriend ako."

Aamin na sana si Gong Xu nang biglang hinampas ng malaking martilyo ng mga salita ni Ye Wan Wan ang puso niya. Gulat na gulat siya.

Oo nga pala...

May boyfriend si Ye Bai...

Ang ibig sabihin nito ay… ganoon rin ang nararamdaman ni Little Candied Plum!

Kahit na sinabi ni Ye Bai na si Little Candied Plum ay may ka-relasyon na, matagal na niyang naisip na excuse lamang ito ni Ye Bai. Gayunpaman, nakita na niya mismo ang boyfriend ni Ye Bai!

Ang importante sa lahat, ang boyfriend ni Ye Bai ay sobra, sobra, sobra, sobrang gwapo!

Gayunpaman, bakit siya susuko kaagad? Naghirap siya para makita ang kanyang Little Candied Plum.

Kinaskas ni Gong Xu ang kanyang ngipin. "Ano naman kung taken ka na! Pipitasin ka pa rin ng young master na ito! Walang bulaklak ang hindi kayang pitasin ng young master na ito!"

Naramdaman ni Ye Wan Wan ang sakit ng kanyang ulo at bumuntong hininga siya. Alam niya na hindi madaling mabola ang lalaking ito.

 Sa totoo lang, mahirap ayusin ang problema ni Gong Xu. Magiging magkatrabaho pa silang dalawa sa hinaharap. Maapektuhan ang relasyon nilang dalawa kung hindi niha ito aayusin kaagad.

Paano niya tatapusin ang nararamdaman sa kanya ni Gong Xu at mananatili na hindi siya nito magugustuhan kahit sa hinaharap.

Sa pagkakataon na ito, narinig niya ang mga hakbang na nanggaling sa kanyang likuran.

Kusang napalingon si Ye Wan Wan sa narinig niya. Sa isang gilid, may isang maputi na bata ang nagmadaling sumugod sa kanya na parang isang malayang ibon.

"Mommy!"

"Tang tang…" binalot ng galak ang mga mata ni Ye Wan Wan nang makita niya si Tang Tang.

Niyakap ng mahigpit ni Ye Wan Wan ang kanyang anak. "Bakit nandito ka, Baby?"

Namula sa sobrang pagkasabik ang mukha ng batang ito. "Mommy, nandito si Tang Tang para sunduin ka!"

Buong gabi na kumausap ng mga tao si Ye Wan Wan, pero ngayon lang siya ginanahan nang mayakap niya ang batang ito. "Ang bait naman ng baby!"

Sinabihan si Tang Tang na huwag tawaging "mommy" si Ye Wan Wan kapag ang suot niya ay damit panglalaki. Pwede niyang tawagin na "mommy" si Ye Wan Wan ngayon dahil nakapangbabae na damit siya. Hindi niya alam kung ano ang naramdaman ng isa diyan noong tinawag niyang "mommy" si Ye Wan Wan.

Sa likod nila, nagulat si Gong Xu habang nakatingin siya sa batang ito. "A-ano… anong tawag mo sa kanya? Anak ka niya?"

Dinala na ni Brother Ye ang batang ito noon, pero hindi ba't anak siya ng kaibigan ni Brother Ye?

Nakakagulat lang marinig na tawaging "Mommy" ng batang ito si Ye Wan Wan...

Makikita ang inis sa malaking mga mata ni Tang Tang nang tiningnan niya ang "Little Yellow Chick." May gusto ang yellow chick na ito sa mommy niya at nangamba pa ito kung siya ba ay anak ng mommy niya.

Naramdaman ni Ye Wan Wan ang inis ni Tang Tang, kaya agad niyang hinaplos ang likod nito para hindi na siya magalit. Pagkatapos ay bigla siyang may natandaan at tiningnan niya si Gong Xu para sabihin na, "Anak ko siya."

Saktong-sakto ang pagkarating ni Tang Tang!

avataravatar
Next chapter