382 Saktan ang sarili para lokohin ang kaaway

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Lola, naintindihan ni Qin Yu. Hindi dapat natin inilalabas ang baho natin sa publiko."

Gusto pang magsalita ng socialite, ngunit nangangamba siya na kapag sobra ito ay mapasama pa lalo, kaya nagpaalam siya sa old madam at umalis.

Matapos umalis ng socialite, kumalma na ang itsura ng old madam. "Old Zhong, tumawag ka ng mag iimbistiga."

Alam niya na ang kanyang apo ay hindi pabaya, kaya hindi siya nagtanong ng pagkatao at nakaraan ni Ye Wan Wan, kahit na alam niya ang family background ni Ye Wan Wan ay lubhang naiiba kay Si Ye Han. Hindi niya ito pinansin - hangga't ang kanyang apo ay masaya kay Ye Wan wan, ang mahina at matandang katawan na ito ay susuportahan lang ang kaniyang desisyon.

Ngunit ang haka-haka na itong si Ye Wan Wan ay

Hindi na siya basta basta magtitiwala sa mga sinasabi ng outsiders, kaya kailangan niyang malaman ang katotohanan sa likod nito, ngayon alam na niya ang tsismis, hindi siya pwedeng umupo lang at walang gawin.

"Oo," sagot ng dating housekeeper.

Habang lumalim ang gabi.

Hindi nakatulog buong gabi ang old madam.

Nang sumunod na araw, inilapag ng housekeeper ang impormasyong nakalap niya sa harapan ng old madam sa bilis ng makakaya niya.

"Old madam, nagpadala na din ako ng mga tao para magsiyasat - kapag ang isang tao ay nagkaroon ng contact sa kahit anong uri ng droga na nabanggit ni Miss Qin Yu sa kaniyang report, siya ay habang buhay ng ma-aadik. Umalis si Miss Ye ng Jin garden ng dalawang taon. Ayon sa mga private doctor ng Jin garden, gumawa sila ng pagsusuri sa buong katawan ni Miss Ye at ang lahat ay normal - walang palatandaan ng droga sa kanyang katawan, kaya ito ay isang tsismis lang."

Bahagyang na relax ang itsura ng old madam at pinahiwatig na magpatuloy siya.

Kaya, nagpatuloy si housekeeper Zhou: "kaya ang kaniyang kawalan ng delikadesa ay walang basehan. Mabait ang mga kaibigan ni Miss Ye, yun lang ay…"

"Iyon lang ay ano?"

"Yun lang ay totoo na mayroong fiance si Miss Ye bago niya pa makilala ang 9th master, ngunit hindi din natin masasabi na niloloko ni Miss Ye ang 9th master sapagka't hindi niya ginusto na mapunta sa 9th master…"

Malinaw na nagulat ang old madam sa resulta. Kahit kailan, wala pang babae ang may ayaw sa aking apo.

"Kung gayon bakit mukhang nagmamahalan si Ye Wan Wan at Ah Jiu noon?"

"Ang.... mga taong ito ay may emosyon pa din… baka may nabuo silang feelings para sa isa't isa matapos maging sila ng ilang panahon...." kinunsidera muna ni Zhong ang kaniyang mga sasabihin bago sumagot.

Huminga ng malalim ang old madam, ang pagitan sa kaniyang kilay ay nababalot ng pagkapagal. "Wala akong inaasahan sa kaniya at wala akong pakialam kung paano sila nagkakilala. Ngayon ay sila na, ang tanging hiling ko lang ay maging totoo siya kay Ah Jiu."

Inaliw siya ni housekeeper Zhou: "simula ng ma in love ang 9th master, maganda ang ipinagbago niya at tila hindi naman mukhang mapanlinlang na tao si Miss Ye."

"Ngayong araw, narinig ko galing kay assistant Xu Yi na sadyang nagmadaling pumunta sa kumpanya si Miss Ye para pilitin ang 9th young master na kainin ang pagkain nito. Alam ninyo na walang pakialam sa lahat ng bahay ang 9th master kapag nasimula na siyang mag trabaho, ngunit nakagawa pa din ng paraan si Miss Ye at pinilit na pakainin ang 9th young master na kainin ang pagkain nito kahit na subuan pa niya ito; sinamahan niya din ang 9th master ng onting oras sa daan."

"Kayang alagaan ng mga bata ang kanilang sarili. Ang 9th young master ay pinagpala ng mga ninuno, old madam, kaya wag kana mag-alala ng sobra."

Sandaling nag-relax ang old madam at bumuntong-hininga. "Sana nga."

...

itong linggo, maiiging binabantayan ni Ye Wan Wan ang kinaroroonan at galaw ni Si Ye Han, pinapanuod ang diet at tulog ni Si Ye Han.

Lumipas ang araw at pupunta sa ibang bansa si Si Ye Han sa sumunod na araw.

Nang mga nakaraang araw, hindi siya nakahanap ng nararapat na oras o rason para pigilan siya.

Pinag-isipan niya itong mabuti--maaring pagbigayan niya ito sa mga hindi importanteng bagay ngunit sa malaking isyu na katulad nito, hindi niya papayagang guluhin niya ito.

Hindi gagana ang panglalambing at pangaakit, kung kaya ang natitirang paraan na lang ay...ang saktan ang kaniyang sarili at lokohin ang kalaban...

Napahiya si Ye Wan Wan. wala siyang magawa, kaya nangalit na lang ang kaniyang ipin at nilabas ang lalagyan ng yelo na kaniyang pinalamig sa freezer at binuhos ito lahat sa bathtub...

avataravatar
Next chapter