170 Sagpanggin ang dakilang demonyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Para bang talon ang mahabang tuwid na buhok ni Ye Wan Wan at suot ang puting bestida. Marahan niyang tinapik ang kaniyang mukha at nagmukhang parang maliit ang inosenteng kuneho.

Nang makarating ito sa sasakyan, bumukas ang pintuan ng driver seat at agad na lumabas si Xu Yi, at pinagbuksan siya nang pintuan. Sa sandaling iyon, hindi mapigilan ni Xu Yi na matulala sa kaniya.

Kahit na hindi ito ang unang beses niyang makita siyang ganoon, namamangha padin lagi si Xu Yi sa kaniya.

Abala si Si Ye Han sa kaniyang kinauupuan-- dala niya ang kaniyang laptop sa kaniyang harapan at nakasuot din ang bluetooth headset, tila ba nasa isang video conference si Si Ye Han.

Ngunit hindi maganda ang itsura ni Si Ye Han hindi siya sigurado kung ito ba ay dahil sa hindi naging maayos ang conference--bakas sa noo ni Si Ye Han ang galit at ang paligid ay mukang mapanganib.

Hindi na tinangkang inisin pa ni Ye Wan Wan si Si Ye Han. umupo siya sa dulong bahagi ng upuan at sinusubukan na paliitin ang kaniyang presensya.

Hindi niya sinasadyang mapa tingala, at napansin na bukod kay Xu Yi, meron pang teenager ang naka upo sa harapan ng sasakyan.

Gaya ng nakagawian, ang teenager ay naka suot ng itim na damit. Meron siyang maikli, malinis na buhok at ang kaniyang itsura ay matapang, na para bang sandata.

Siya ang pinaka nakakatakot na eksperto na hawak ni Si Ye Han, si Lui Ying-- ang taong nakilala niya sa Jin garden.

Nang mapatingala si Ye Wan wan, nakita niya na nakatingin si Lui Ying sa rearview mirror. Katulad ng dati hindi padin nag babago ang kaniyang mapanlait at mapangmataas na itsura.

Sa mga tingin pa lang ni Lui Ying, alam na agad ito ni Ye Wan Wan. Lahat ng tauhan ni Si Ye Han ay kinikilala siya bilang mapangakit na demonyo, katulad ni Bao Si at Da Ji na kilalang mga kabit na nagdulot ng kasiraan at paghihirap sa mga tao sa Tsina.

Ang tanging kakaiba lang sa kaniyang dating buhay ay ang kaniyang buhay ngayon, Bumalik siya sa kaniyang dating itsura, na mas lalo pang bumagay sa kaniyang tanyag na trouble-making beauty na mas lalo pang kinaiinisan.

Hindi niya kayang tanggapin ang ganoong tingin kagaya ng ginawa niya sa kaniyang dating buhay, kahit na sanay na siya dito.

Ayaw niya talaga ang tingin ng lalaki sa kaniya!

Ha, mukhang sanay siyang tawagin akong babaeng mainitin ang ulo at witch sa loob-loob niya, tama?

Damn it, ang master mo ang lumalaban para sa akin, tama? Wag ka maging wala sa katwiran!

Kung hindi niya mapatunayang totoo ang ibinibintang niya sayang lang ang ginawa niya.

Sumulyap si Ye Wan Wan kay Si Ye Han.

Malamya ang kaniyang itsura habang kinakausap ang kaniyang senior management sa screen.

Mas lalo pang naging matalas at alerto si Liu Ying ng mapansin niyang tingin ng tingin si Ye Wan Wan kay Si Ye Han.

Napangisi ang mga labi ni Ye Wanwan. At sa sumunod na sandali, sinunggaban na niya si Si Ye Han.

Si Si Ye Han ay biglang napatumba.

Naakunot ang noo ni Si Ye Han at nang siya ay magsasalita na, biglang nabalot ng tamis...

Halatang napa hinto si Si Ye Han. ang kaniyang nakakubling mata ay kaagad naging parang isang malaking whirlpool.

Sinira niya ang laptop at pinutol ang usapan sa screen ng kabilang partido ng kaniyang payat na mga daliri.

Ang senior management ay seryoso sa meeting nang biglang may maganda na nagpakita sa screen na tila para bang sinunggaban ang kaniyang boss.

Nang sinubukan nilang tignan maigi, bigla na lang naging itim ang screen.

Damn!

Babae?

Isang babae ang sumunggab sa ating boss ngayon lang, sa kalagitnaan ng ating meeting?!

Sa oras din na iyon, meron pang mas iitim kaysa sa screen--yun ang mukha ni Liu Ying.

Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata; ang kaniyang mga pisngi ay sadyang namula at hindi makapaniwala ang kaniyang itsura. Talagang siya ay na tuliro sa walang hiyang ugali ni Ye Wan Wan.

Kahit na maraming beses na nakita ito ni Xu Yi dati, hindi niya padin gusto pag nakikita ito at agad niyang hinila ang divider, upang mahinto ang eksena sa likuran.

"Hmph!" sa gilid ng mga mata ni Ye Wan Wan sinulyapan niya si Liu Ying. pinalagpas niya lang ito.

Gayun pa man, matapos niyang gawin iyon, napagtanto niya na meron pala siyang malaking problema...

Ikinurap ni Ye Wan Wan ang kaniyang mga mata at tinignan ang dakilang demonyo na kaniyang sinunggaban...

Dahil sa kaniyang mapusok na desisyon...

Upang magkaroon ng tapang kailangan pa niyang kumain ng puso ng oso at apdo ng leopard....

Paano nagkaroon ng lakas ng loob si Ye Wan Wan na sunggaban si Si Ye Han.

avataravatar
Next chapter