1042 Sadyang nagpatalo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabilis na hindi na lamang pinansin ng mga tao ang ginawa ni Ye Wan Wan at ang atensyon nila ay napunta sa laban ni Sun Xue Zhen at Qin Ruo Xi.

Ang isa sa kanila ay ang eldest miss ng isang mayaman na martial arts na pamilya habang ang isa ay ang eldest miss ng Qin family. Importante sa Qin family ang martial arts at mahal nila ito, kaya si Qin Ruo Xi ang isa sa mga magagaling na martial artist sa mas batang henerasyon ng Qin family. Kaya inaabangan ng lahat ang laban na ito.

Magkatapat na nakatayo sa entablado si Qin Ruo Xi at Sun Xue Zhen.

"Ako ay sumasailalim sa karunungan mo, younger sister Xue Zhen," sinabi ni Qin Ruo Xi habang nakatingin kay Sun Xue Zhen.

Natawa si Sun Xue Zhen. "Sis Ruo Xi, hindi mo kailangang sumailalim sa karunungan ko, nagkukumparahan lang tayo ng notes. Matagal na kitang gustong makalaban pero hindi ako nakakahanap ng pagkakataon na maganap ito. Ito na ang araw na hinihintay ko."

Umabante si Sun Xue Zhen pagkatapos niyang sabihin iyon. Ang maliksi niyang katawan ah kasing gaan ng hangin. Mukha siyang isang nilalang na nanggaling sa painting pero tulad rin siya ng isang mabilis na pusa.

Nakuha ng mga galaw ni Sun Xue Zhen ang atensyon nila Master Mu at Wolf King. Tumatango pa ang mga ito habang pinupuri nila si Sun Xue Zhen.

Tunay na kahanga-hanga ang teknik ni Sun Xue Zhen. Masarap sa mata ang praktikal ang mga galawan niya.

Nagmuni-muni si Ye Wan Wan habang pinapanood niya ang laban nila.

Maikukumpara lamang ang mga taong ito kay Heidi at sa grupo niya. Matatalo sila gamit ang isang galaw lamang kapag nakaharap nila ang tunay na mga eksperto tulad nila Nameless Nie, Ang nakakatakot na Deboto at si Spray of Flowers.

Kakaiba man ang teknik ng katawan ni Sun Xue Zhen, ngunit ang kalamangan niya lamang ay ang mabilis niyang galaw. Angkop ito kapag sumusugod na siya sa mga tao. Nakakahangang tunay ni Sun Xue Zhen kung siya ay isang assasin dahil sa teknik ng kanyang katawan.

Malinaw ang kahinaan ng teknik nila Sun Xue Zhen at Qin Ruo Xi. Madidiskubre kaagad ni Ye Wan Wan ang kahinaan nila sa loob ng 10 segundo, kung umakyat siya sa entablado.

Sa ngayon, pigil pa ang mga kilos ni Qin Ruo Xi kay Sun Xue Zhen sa entablado. Napansin ni Ye Wan Wan na hindi buong kalakasan ni Qin Ruo Xi ang ginagamit niya sa laban na ito.

Matalino talaga si Qin Ruo Xi— sinasadya niya na matalo para manalo si Sun Xue Zhen...

Gayunpaman, ang Sun family nga naman ang hosts ng martial arts conference, kaya wala pa ring punto kahit na manalo si Qin Ruo Xi. Bakit hindi na lang iwanan ang laban para maging benepisyo ito sa Sun family at kay Sun Xue Zhen?

Tunay na mahusay ang kakayahan ni Qin Ruo Xi makakuha ng pabor sa mga nakatataas sa kanya.

Napakabagsik ng mga galaw ni Qin Ruo Xi at lalong nahihirapan na makalaban sa kanya si Qin Ruo Xi. Gayunpaman, paminsan-minsan niyang sinasadya na makalaban siya ni Sun Xue Zhen upang maipakita nito ang kadakilaan niya.

Habang tumatagal, napansin ng lahat na mas magaling ang martial arts skill ni Qin Ruo Xi kaysa kay Sun Xue Zhen.

Pinapakita ni Qin Ruo Xi ang kahinaan niya sa tuwing ginagamit niya ang pwersa niya upang ilayo si Sun Xue Zhen. Paulit-ulit itong nangyayari.

May ginawang mali si Qin Ruo Xi nang lumipas ang pito hanggang walong minuto ng laban kaya kinuha ni Sun Xhue Zhen ang oportunidad na ito upang hiwain na si Qin Ruo Xi na parang kutsilyo. Walang magawa si Qin Ruo Xi kundi tumalsik sa labas ng entablado.

"Ang panalo ay si Miss Sun Xue Zhen!"

Inanunsyo ng referee kung sino ang panalo ng laban nang makaalis ng entablado si Qin Ruo Xi.

Natuwa si Sun Li Zhong sa resulto at tiningnan niya ng may pasasalamat si Qin Ruo Xi.

Sa isang tulad ni Sun Li Zhong na isang batikan sa martial arts, hindi siya maging sigurado kung intensyon ba talaga ni Qin Ruo Xi na magpatalo kay Sun Xue Zhen? Kung hindi sa ganoon, ang panalo talaga ay ang anak niya.

avataravatar
Next chapter