351 Saan na ang respeto mo kay Wan Wan?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kumunot si Mei Jing Zhou na tila ba'y naguguluhan siya. "Wala akong ideya kung sino ang sinasabi ni Miss Ye."

Hindi makapaniwala si Ye Wan Wan nang makikita niyang naguguluhan si Mei Jing Zhou. Sigurado siya na hindi pa niya nakilala noon ang taong tulad ni Mei Jing Zhou. Walang tsansa na mangyayari iyon.

Hindi niya naisip na magaling rin palang umarte ang great master; mahusay rin pala siyang umarte?

Hayaan niyo na nga, walang kwenta kung pipilitin niya lang si Mei Jing Zhou na magsabi ng totoo dahil hindi na rin naman siya umaamin.

Sumuko na lang si Ye Wan Wan at bumalik sa kina-uupuan ng magulang niya.

Kanina pa tinititigan ni Gu Yue Ze si Ye Wan Wan habang unti-unti ngimingiwi ang kanyang mukha dahil masayang kausap ni Ye Wan Wan ang great master.

Sapat na ang dinala niyang bony artifact, pero kahit anong mangyari, imposible na maimbita ni Ye Wan Wan ang tulad ni Mei Jing Zhou sa isang hamak na pribadong selebrasyon ng kaarawan.

Isang tao lang sa buong Imperial City ang may kakayanang imbitahin si Mei Jing Zhou...

Biglang nandilim ang itsura ni Gu Yue Ze nang maisip niya ang taong iyon.

Hindi na siya nagtanong tungkol kay Ye Wan Wan sa kahit sino simula noong umalis siya sa Jin garden.

Isang beses niya lang inalok ng mapagkawanggawa na tulong si Ye Wan Wan noon.

Akala niya na magsasawa agad si Ye Wan Wan sa darating na mga arae, ngunit hindi niya inakala na sa tinagal ng panahon, magkasama pa rin sila ng lalaking iyon.

"Yue Ze… Yue Ze…"

"Ano yun, Yiyi?"

"Anong iniisip mo? Okay ka lang ba?"

Biglang nasilayan ni Gu Yue Ze ang magandang babaeng katabi niya kaya mabilis na lumambot at naging malumanay ang kanyang itsura. "Oo naman, iniisip ko lang tayong dalawa."

Kung gusto ipahiya ni Ye Wan Wan ang sarili niya, edi ipahiya niya ang sarili niya. Gayunpaman, ang ginagawa niya ngayon ay wala nang kinalaman kay Gu Yue Ze. Sa araw na ito, puputulin na ni Gu Yue Ze ang relasyon nila noon ni Ye Wan Wan at bibigyan niya na ng maayos pagkakakilalan si Ye Yiyi.

Ang Ye Yiyi na tinutukoy niya ay biglang namula ang pisngi at kaswal nitong sinabi, "Pupuntahan ko lang si tito at tita para mag 'hi' ako sa kanila!"

Kumunot si Gu Yue Ze. "Para saan?"

Kaawa-awang tiningnan siya ni Ye Yiyi at sinubukan niyang hikayatin ito, "'wag kang ganyang Yue Ze, magkakamag-anak kami dito!"

Hindi na nakipagtalo pa si Gu Yue Ze. "Sasamahan na lang pala kita."

Dala nila ang kanilang wine glasses at naglakad sila papunta sa lamesa ni Ye Shao Ting.

Magalang na nagsalita sa kanila si Ye Yiyi, "Tito, Tita, bihira ko kayong makita na dumalo dito. Sabihin niyo sa akin kung may kailangan pa kayo ha? Hindi nakapunta si mama at lola ngayong araw dahil may malakas na snow sa M country kaya isinara ang paliparan doon; Ako lang ang nagaayos ng salu-salong ito kaya kung may hindi magandang pangyayari, patawarin niyo sana ako."

Walang bahid ng dumi ang kanyang sinabi, ito ay napakahusay.

Wala sa intensyon ni Gu Yue Ze ang makipag-usap kay Ye Shao Ting at sa iba pa; hindi niya rin sinubukang tignan si Ye Wan Wan kasi natatakot siyang baka mahigitan nito ang kagandahan ni Ye Yiyi. Kaya nanahimik na lamang siya at nanatiling nakatayo sa tabi ni Ye Yiyi.

Kanina pa naiinis si Ye Shao Ting nang makita niyang magkasamag naglalakad sa buong salu-salo ang magjowa. Lalong ngumiwi ang kanyang itsura sa pagkasuklam dahil nasa harap na niya ang dalawang iyon.

Nandilim ang itsura ni Ye Shao Ting, tiningnan niya ang binata na kinahangaan niya noon. "Tinuring kita bilang anak ko Yue Ze, hanggang ngayon ay may bisa pa rin ang engagement niyo ni Wan Wan pero umaakto ka na parang jowa mo si Yiyi sa publiko---saan ang respeto mo kay Wan Wan?"

Binalot ng galit ang mukha ni Gu Yue Ze nang bigla siyang pinagtatanong ni Ye Shao Ting at sumagot siya, "Uncle Ye, isa ka sa mga taong lubha kong nire-respeto noon, pero hindi ko inasahan na pagtataksilan mo ang sarili mong pamilya at sinira mo pa ang interes ng kumpanya para lang sa pansarili mong pangangailangan. Ang mga taong nag-iba na ang daan sa buhay ay hindi na pwede na magkasamang magplano ng kinabukasan nila--- Hindi ko pwedeng balewalain ang paninindigan ko para lang sa dati kong nakarelasyon!"

avataravatar
Next chapter