1097 Saan mo gustong ilagay ang autograph?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mas sabik na sabik pa ang itsura sa mukha ni Chu Feng kaysa kay Jiang Yan Ran. Masaya niyang ibinida si Ye Bai kay Ye Wan Wan habang kumikinang pa ang kanyang mga mata. "Totoo ito, totoo! Maniwala ka sa akin, sister Wan Wan! Ang galing talaga ni Ye Bai! Mala-diyos ang level niya! Kahit ako ay minamahal na rin siya!"

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan habang nakatingin siya sa kanila. "..."

Salamat pero… 'wag na lang...

"Wan Wan, tulungan mo naman ako na makakuha ng autograph kay Ye Bai? Please?" Desidido na sinabi ni Jiang Yan Ran.

Ye Wanwan: "…"

Ang sinabi lamang ni Ye Wan Wan kay Jiang Yan Ran ay sinundan niya lamang si Ye Mu Fan noon hanggang sa magsimula siyang maging ka-trabaho nito sa Age of Immortals, pero hindi siya nakahanap ng pagkakataon sa sabihin sa kanya na siya ay naka-cross dress lamang. Plano niya sanang sabihin ito kay Jiang Yan Ran, gayundin ang audition sa pelikula ni Elder Peng, pero sinong mag-aakala na mangyayari pala ito...

"Ahem, gusto mo talaga ang autograph ni Ye Bai?" Napa-ubo si Ye Wan Wan nang sinabi niya ito.

Paulit-ulit na tumango si Jiang Yan Ran. "Pwede? Hayaan mo na lang baka nakaka-abala pa ito sayo. Hindi naman artista si Ye Bai eh…"

Ye Wan Wan: "Sa totoo lang, hindi naman ito nakakaabala…"

Lumiwanag ang mga mata ni Jiang Yan Ran. "Talaga ba?"

Tumango si Ye Wan Wan. "Saan mo ba gustong ilagay ang autograph?"

"Hm… saan ba ang magandang lugar na pwedeng ilagay ang autograph niya…" nag-isip ng maigi si Jiang Yan Ran bago lumiwanag ang kanyang mga mata. "Sa totoo lang… gusto ko talagang pirmahan niya ang shirt ko… pero alam ko na imposible iyon! Teka, hanapin ko lang ang notebook sa bag ko…"

"Okay na sa damit!" Biglang sinabi ni Ye Wan Wan.

Nabigla si Jiang Yan Ran at makikita ang kasiyahan sa kanyang mukha. "Seryoso ka ba… Wan Wan?"

Tumango sa pagsang-ayon si Ye Wan Wan. "Seryoso ako… kahit saan pwede niyang ilagay ang autograph niya."

Biglang sumabad si Jiang Yan Ran, "Pwede sa katawan ko?"

"Pwede."

Lalong nagulat si Jiang Yan Ran. Hindi kaya dadalhin siya ni Ye Wan Wan upang makita ng personal si Ye Bai?

Pinapawisan si Ye Wan Wan ngunit pilit niyang inangat ang kanyang ulo at sinabi, "Oo nga pala, hindi ko ba nasabi sayo na… hindi ko ginagamit ang totoo kong pagkatao sa trabaho ko sa loob ng entertainment industry, at hindi ko rin ginagamit ang pangalan kong 'Ye Wan Wan'...?"

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka si Jiang Yan Ran.

Sumabad si Chu Feng, "Gets ko na! Parang ilang mga artista na binabago ang pangalan nila pagkapasok nila sa entertainment industry. Gumagamit ka ba ng alias o iba pa, Sister Wan Wan?"

Hindi agad sumagot si Ye Wan Wan, sa halip, "May pen ka ba?"

"Meron akong pen, sister Wan Wan!" Nilabas ni Chu Feng ang isang itim na autograph pen.

Kinuha ni Ye Wan Wan ang pen at sabi niya kay Jiang Yan Ran, "Amin na kamay mo."

"Huh?" Inunat ni Jiang Yan Ran ang kanyang kamay at nagtaka siya. "Kamay? Anong meron sa kamay ko?"

Nilabas ni Ye Wan Wan ang cap ng pen at hinawakan niya ang kamay ni Jiang Yan Ran na nakaharap ang palad. Pagkatapos ay nagsulat siya ng dalawang salita sa palad nito...

Nakaramdam ng kiliti sa kamay si Jiang Yan Ran at nakita niya na sinusulatan ni Ye Wan Wan ang kanyang palad.

"Anong sinulat mo Wan Wan?" 

Tinanong siya ni Jiang Yan Ran habang nilalayo nito ang kanyang kamay. Ni-rotate niya ang kanyang palad upang makita ng maayos ang nakasulat.

Hindi masyadong mabasa ang sulat ni Ye Wan Wan, pero makikita niya na sinulat ni Ye Wan Wan ay "Ye Bai" at tsaka may drawing pa siya na puso sa autograph.

Lumaki ang mga mata ni Jiang Yan Ran nang maintindihan niya ang sinulat ni Ye Wan Wan. "Ah… ang sinulat mo, Wan Wan, ay…"

Lumapit rin si Chu Feng. "Ye Bai yata ang sinulat niya…"

Tiningnan nilang dalawa si Ye Wan Wan pagkatapos nilang magsalita.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang nalilitong mga mata ng dalawang bata at sinabi, "En… manager ang trabaho ko ngayon, ang pangalan ko sa trabaho ko ay 'Ye Bai'."

Jiang Yanran: "…"

Chu Feng: "…!!!"

avataravatar
Next chapter