173 Sa wakas, nagkita silang muli

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Gusto niyang may ipakilala sa akin?

Isang tao na gustong maipakilala sa akin ni old madam, sino kaya ang tao na

Tumabi lang sa gilid ni old madam si Ye Wan Wan habang nakatingin siya na nagsususpetya.

Naglalakad sila palabas ng salas at papunta sa damuhan. Nag biglang may pamliyar na mukha ang dumating ng walang pasabe.

Nakita niya ang anino na matangkad at nakatayo sa harap ng mamahaling mga peony trees.

Isang babae na kulot at kulay chestnut ang buhok. May suot na kaswal na camel coat pero hindi naman kagandahan ngunit napaka-elegante at kaaya-aya. Ang bawat galaw niya ay nagpapakita ng kamahalan at pagiging classy na isang tunay na aristocrat lamang ang makapagpapakita. Kahit pa elegante ang babae, makikita ang bagsik ng kanyang kilay na kaparehas sa isang lalaki.

Siya ang kaisa-isang diyosa ng Imperial City---- Qin Ruo Xi!

Sa wakas at nakita na muli ni Ye Wan Wan ang babaeng ito matapos niyang mabuhay muli.

At nang makita ni Ye Wan Wan kung sino ito, nangitim ang kanyang pupils at lumakas ang kanyang instincts na bantayan ang sarili niya nang makita ang kanyang mortal na kaaway.

"Wan Wan, ito ang apo ko sa pamangkin na si Qin Ruo Xi. Kaibigan rin siya ni little 9th!" pinakilala siya ni old madam ng mapagmataas at puno ng yabang.

Naisip ni Ye Wan Wan ang memorya niya kasama ang babaeng ito, kahit papaano napakalma niya ang kanyang utak.

Ang namatay na lolo ni Si Ye Han ay may kapatid na ang pangalan ay si Qin Bing Song; si Qin Ruo Xi naman ay apo ni Qin Bing Song.

Hindi lang "kaibigan ni little 9th" si Qin Ruo Xi, tulad ng paglarawan ni old madam.

Siya ay ang kanang kamay ni Si Ye Han--- ang tao na laging nasa tabi ng lalaki.

Kahit sa kanilang kumpanya, pamilya at sa secret service, itinuturing si Qin Ruo na importante at halos lahat nakikita siya bilang future mistress ng kabahayan nila.

Gayunpaman, noon, hindi si Qin Ruo Xi ang gustong pakasalan ni Si Ye Han, kundi si Ye Wan Wan.

Nagkakagusto pa rin ang mga babae kay Si Ye Han kahit na nakakatakot siya, madalas ay nagiging malumanay rin ang lalaking ito. Nahabag siya nang piliin ni Si Ye Han na hindi pansinin ang pagtutol ng ibang tao at pinakasalan niya si Ye Wan Wan, kaya naging Mrs Si siya.

Sa buhay ni Ye Wan Wan noon, matagal niyang pinag-isipan ang pagpapakasal. Dahil hindi na niya mababago ang kanyang buhay, naisip niyang ikompromiso na lang at mabuhay siya sa titulo na Mrs Si.

Ngunit dahil sa realidad ng nangyari, lalong lumamig at pumait ang kanyang puso ng paulit-ulit na lang.

Kung huhusgahan naman ang abilidad ni Qin Ruo Xi, hindi niya pwedeng saktan si Ye Wan Wan gamit ang mababaw niyang mga paraan dahil magagalit si Si Ye Han. Magsasabi lang siya ng kakaunting mga salita at may mga tao nang gustong marumihan ang kamay para sa kanya.

Isa sa mga taong ito si Liu Ying.

Karagdagan sa babaeng ito, ang presensya niya palang ay napakalakas na kaya niyang ihagis sa gilid si Ye Wan Wan at nakawin ang atensyon na nakabaling sa kanya.

Hindi naman natatakot si Ye Wan Wan sa pisikal na paghihirap, ngunit bangungot sa kanya ang mental na pagpapahirap.

Kung tinanggal ni Si Ye Han ang kanyang kalayaan, sinira ng babaeng ito ang kanyang personalidad at pagpapahalaga niya sa sarili; kahit na nabubuhay siya sa titulo na Mrs Si, nabuhay siya na parang puppet walang sariling pinaninindigan at nanirahan na parang isang canary.

Pinigilan ni Ye Wan Wan ang papalabas na luha sa ilalim ng kanyang mga mata at nagpakilala na normal ang pakikitungo, "Nice to meet you, Ms Qin."

Perpekto ang timing ang gilid ng labi niyang tumaas ang kumulot, at sumagot si Qin Ruo Xi, "Tawagin mo kong Ruo Xi. Ikaw pala ang Ye Wan Wan na dinadaldal sa akin ni lola! Maganda ka nga tulad ng pagkakasabi ni lola; Lucky si Ye Han sa iyo! Eto ang unang beses nating magkakilala kaya eto ang munting regalo ko."

Matapos nito, may alalay na nagdala ng isang maliit na box.

Makikita ang pares ng jade bracelets. Maliwanag tulad ng crystal, puno ng kulay, glass jade. Ang kasalukuyang presyo nito sa market ay walong milyon, kaya naman ang pasasalamat ni Ye Wan Wan ay magagamit niya sa hinaharap.

Noong una palang, alam na niya na girlfriend ni Si Ye Han si Ye Wan Wan at ipinakilala na rin siya ni Si Ye Han sa kanyang lola; kaya imposibleng hindi alam ni Qin Ruo Xi ang ibig sabihin ng lahat ng ito.

Gayunpaman, hindi niya pinakita sa kanyang pag-uugali kahit na maliit na bahid ng selos noong una pa lang.

Ganito dapat pamamaraan na meron ang tunay na mabuting asawa!

avataravatar
Next chapter