647 Sa maulan na gabi; Ang pagbabalik

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kamakailan lang ay nagkaroon ng iba't ibang isyu ang Shen City kaya kinailangang bumyahe ni Si Ye Han para solusyonan ang mga problema doon.

Walang araw na may kapayapaan simula noong kumalat ang balita na may sakit na si Si Ye Han.

Hindi pa siya patay ngunit ang mga tao dito ay nagrerebelde na at pasikretong gumagawa ng samahan na kasama ang mga pwersa na panlabas. Kapag namatay si Si Ye Han, magkakaroon ng alitan sa loob ng Si family na tulad ng nakawalang mga aso.

Bumalik si Ye Wan Wan sa Jin garden kahit alam niya na hindi makakauwi ng maaga si Si Ye Han.

Ang lugar na ito ay ang kinamumuhian at kinatatakutan niyang lugar noon, ngunit ngayon, ito na ang lugar kung saan siya nakakahanap ng kapayapaan.

Sa isang saglit, tatlong buwan na ang lumipas simula noong huling family clan meeting.

Nangako si Ye Wan Wan sa mga nakakatanda na tutulungan niyang gumaling si Si Ye Han. Gayunpaman, sinabihan na siya ni Sun Bai Cao na kapag sinunod niya ang payo ng doktor, dahan-dahan na gagaling si Si Ye Han.

Naging maayos ang kalagayan ni Si Ye Han sa loob ng tatlong buwan na ito, pero lumalala ang sakit niya sa ibang mga araw. Mabuti ito dahil wala siyang malalang sakit sa ngayon at maayos ang kanyang kalusugan itong mga nakaraang mga panahon. Walang nakitang senyales ng deteryorasyon ang kalusugan ni Si Ye Han sa dumaan na dalawang routine check-ups niya.

Nagkakagulo ang grupo ng mga nakakatanda ng Si family pero naging kalmado na rin sila nitong nakaraan na tatlong buwan dahil unti-unting gumagaling si Si Ye Han, wala nang magawa ang mga nakakatanda.

Hindi pa rin mapanatag ang isip ni Ye Wan Wan kahit maayos naman ang estado noong mga nakaraang mga buwan. Hindi pakakawalan ng mga nakakatanda ang isyu na ito; gagamitin nila bilang excuse kung may nangyari man na masama sa kalusugan ni Si Ye Han.

Nag-aalala si Ye Wan Wan kay Si Ye Han kaya naisipan niyang i-text si Xu Yi.

[Kamusta ang kalusugan ni Si Ye Han? Okay ba?]

Hindi pa rin sumasagot si Xu Yi matapos maghintay ng matagal ni Ye Wan Wan - siguro busy lang siya.

Nakatitig si Ye Wan Wan sa madilim na kalangitan habang nasa bintana siya. Mukhang wala na namang tulugan sa Shen city.

Pumatong si Ye Wan Wan sa sofa sa may salas. Hinintay niya ang sagot ni Xu Yi habang sinusulat ang business plan para sa show niya.

Lumipas ang oras at ang gabi ay lumalim na. Nagsimulang umambon sa labas kaya pumasok ang kaunting malamig na hangin sa loob ng kwarto.

Nawalan na ng pokus si Ye Wan Wan, kaya nakatunganga na lamang siya sa business plan pagkatapos niya itong i-edit at parang bumibigat ang kanyang pakiramdam.

Hindi napansin ni Ye Wan Wan noong gabi na iyon, may pamilyar na itim na kotse ang dumating at ito'y pumasok sa entrance ng patyo.

Nakita ng isang katulong na hindi pa natutulog si Ye Wan Wan kaya maingat niya itong pinaalalahanan, "Miss Wan Wan, hinihintay mo ba si 9th master? May pinuntahan siyang business trip kaya hindi agad siya makakauwi. Madaling araw na po, Miss Wan Wan, kaya magpahinga na po kayo."

Nalaman ni Ye Wan Wan na madaling araw na pala dahil pinaalalahanan siya ng katulong. Kaya tumayo agad siya at naghanda siyang mag-shower.

"Okay, salamat. Magpahinga ka na rin!"

Tinanggal ni Ye Wan Wan ang jacket na nakalagay sa kanyang balikat at binaba niya ang script sabay tumayo siya.

Noong tumayo siya, dahan-dahan na bumukas ang mabigat ang malaking pintuan kaya pumasok ang malamig na hangin na galing sa labas at binalot nito ang buong silid.

Nabigla si Ye Wan Wan nang makita niya na nakatayo si Si Ye Han sa may pintuan at ang suot niya ay itim na windbreaker.

Ang mga damit niya ay tinatangay ng hangin, ang nanlilisik sa lamig niyang itsura ay mas malalim pa sa maulan na gabi at binalot ng nakamamatay na presensya ang buong silid.

"9th master!"

"9th master!"

Dali-daling pumila ng dalawang linya ang lahat ng katulong nang makita nila si Si Ye Han. Nakayuko lamang sila at ayaw nilang tingnan si Si Ye Han sa mata.

Nagulat ai Ye Wan Wan. "Bakit ang aga mong umuwi? Tapos ka nang nagtrabaho?"

"En." Sumagot si Si Ye Han sabay inabot ang kanyang windbreaker sa katulong.

Unti-unting lumapit si Si Ye Han kay Ye Wan Wan habang nag-uusap sila.

avataravatar
Next chapter