852 Sa iyong tabi habangbuhay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumisigaw na sa galak ang mga tagahanga at nanghihingi pa ng mga litrato, humihiling na ipakita ang mga mukha nila at humihiling na din na magdebu sila...

[P*ta p*ta p*ta! Boss pala ng kumpanya ang lalaking ito at hindi artista?]

[Anong meron sa boss nila at sobrang gwapo, huh? Kuya, magdebu ka! Kailangan ako ang VIP mo kahit na magpulot pa ako ngbasura!]

Sa opisina, sinuri ni Ye Wan Wan ang mga komento sa post at hindi makaimik.

Hindi lang si Xiao Yu Tong at Chai Yong Li, pero pati si Ye Wan Wan ay hindi inakalang magkakaroon ng malaking reaksyon mula sa mga tao sa litratong ito.

Taos-pusong tumatawa sa gilid si Gong Xu. "Hahahahaha… Ye-ge, mukang tama naman sila - bakit hindi ka na lang magdebu?!"

Inirapan siya ni Ye Wan Wan. "Abala na ako sa pag-aalaga pa lang sa 'yo."

Debu? Ayokong malunod sa dagat ng kainggitan ng isang tao...

Samantala, sa pasukan sa Worldwide media:

Rinig ang mga matinis na sigaw ng mga tagahanga at madaming mga baliw na tagahanga ni Han Xian Yu ang may hawak na mga banner habang hinarangan naman sila ng mga gwardya para makadaan si Han Xian Yu.

"AHHHHH— Han Xian Yu, Han Xian Yu, mahal kita!"

"Asawa ko, miss na kita!"

Kamakailan lang, nasa ibang bansa si Han Xian Yu para sa pagsasapelikula at kababalik lang sa bansa ngayon.

Sa sandaling bumukas ang pintuan ng kotse, dahan-dahang lumabas si Han Xian Yu na nakasalamin at nakamaskara. Nang makita niya ang mgatagahanga sa pasukan, inalis niya ang maskara at mainit na ngumiti at kumaway sa lahat.

Mabalis na tumili ang mga tagahanga na para bang mahihimatay na sila.

Matapos na binati ang mga tagahanga, pumasok na sa gusali ng kumpanya si Han Xian Yu at dahan-dahang napawi ang mga ngiti nito. May malamig at galit na aura na nakapalibot sa kanya.

Pinunasan ng kanyang manager, na si Fei Yang, ang kanyang pawis. Maingat itong sumunod sa kanya at sinubukang magpaliwanag, "Xian Yu, pasensya na. Hindi ko sinasadyang itagi ang tungkol kay Ye Bai mula sa 'yo, pero importante ang pelikulang ginagawa mo at ayaw kong maabala ka!"

Nialabas ni Han Xian Yu ang kanyang telepono at dismayadong sumulyap kay Fei Yang.

Nakaramdam ng pagsisisi si Fei Yang at marahang umubo. "Sige, sige, alam ko na malapit kayo ni Ye Bai at natatakot lang ako na baka may gawin kang mapusok. Malala ang pakikipagtalo ni Ye Bai sa kumpanya at kinuha din sina Gong Xu, Luo Chen at Felix. Inutos ng Worldwide HQ na walang artista mula sa Worldwide ang magkakaroon ng koneksyon kay Ye Bai…"

Balisang sinusubukang magpaliwanag ni Fei Yang nang makita niya ang pagpindot ng mga daliri ni Han Xian Yu sa Weibo ni Ye Bai.

Natakot si Fei Yan. "Uh… Xian… Xian Yu… anong ginagawa mo…'wag…"

Hindi niya pa natatapos ang sasabihin ng ibinahagi ni Han Xian Yu ang Weibo post ni Ye Bai sa pag-anunsyo ng pagtayo ng kanyang kumpanya gamit ang kanyang account. Mabilis siyang nag-type ng mga pangungusap: [Congratulations sa Age of the Immortals media - nakatira ang mga tigre sa gubat at nararapat ang mga dragon sa malawak na karagatan, pero nararapat ka mas mabuting mundo! Hangga't kailangan mo ako, nasa tabi mo lang ako habang buhay!]

Nang makita ni Fei Yan ang apat na salitang: "Your post was successful"...

Nawalan na ng pag-asa si Fei Yang at napahawak sa kanyang ulo. "..."

Alam niyang mangyayari ito...

Ay, masyadong tapat si Xian Yu, pero hindi ko siya masisisi doon. Tutal, nang nasa pinakailalim siya, nang ang kumpanya, ang tagahanga niya, at ang buong mundo ay itinakwil siya, si Ye Bai ang nagligtas sa kanya.

Kung hindi dahil kay Ye Bai, na nagsumikap na paikutin ang agos ng tubig, baka ngayon si Han Xian Yu...

Hindi na siya nagtangka pang isipin ang mangyayari kay Xian Yu kung wala si Ye Bai noon para ayusin ang krisis noong mga oras na iyon...

avataravatar
Next chapter