460 Sa atin lang dapat kaugnayan na iyon, ‘di ba?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang kibo na nanood si Ye Wan wan sa may gilid nang makuha ng crew ang lahat ng kagustuhan nila at mahusay silang naghanda para live broadcast.

Nasa puso na nila na hindi kasing galing ang kakayanang umarte ni Luo Chen kumpara sa ibang mga aktor, at nananabik silang naghihintay na tumaas ang career ni Xu Ming gamit ang role niya bilang Lin Luo Chen dahil magiging benepisyo ito sa panig nila.

Samantalang si Ye Wan Wan ay ginagamit ang ganyang kaisipan ng crew at ang pagiging makasarili ni Xu Ming para maayos ang daloy ng broadcast na ito nang naaayon sa plano niya.

Humarap si Luo Chen kay Ye Wan Wan, nagsisisi siya dahil sa kanyang pagsang-ayon sa bet ni Xu Ming. "Ye-ge… masyado… masyado ko bang sinunod ang nararamdaman ko?"

Natawa si Ye Wan Wan. "Sumunod sa nararamdaman? Kala ko ba kaparehas tayo ng iniisip?"

Si Ye Wan Wan nga naman ang nagsimulang mag desisyon na magkaroon ng live broadcast.

Gamit ang kumpirmasyon galing kay Ye Wan Wan, parang ang maliit na bangka ni Luo Chen ay nakalayag na. Makikita sa kanyang mga mata ang pagiging determinado.

Sa panahon na iyon, ang pagpili ng mga taong kukuha ng roles para sa "Terrifying Dragon 2" ay mainit na balita at nakakuha ng maraming atensyon ang casting. Nang malaman nila ang balita na magkakaroon ng live broadcast ang casting, halos lahat ng netizens ay napuno ng kagalakan.

Simula nang sumikat ang live broadcast, ito ang pinaka unang pagkakataon na ginawan ng live broadcast ng produksyon ang casting, kaya maraming manonood ang na-akit dahil bago ito.

Sa isang saglit, nagsimula na ang live broadcast.

Ang bawat kandidato ay nag-draw lots para sa pagkasunod-sunod ng casting kaya ang bawat tao ay nag-audition ayon sa pagkasunod-sunod.

Para mas mapadali ang live broadcast, iniba ang lokasyon ng casting at ginanap na ito sa isang malaking hall na kayang maglaman ng 100 na tao. Habang nag-audition ang mga naunang artista, ang ibang mga artista ay naghihintay ang pagkakataon nila, wala silang magawa kundi manuod lang sa isang gilid para maaninag nila ang nangyayari.

Inihanda ng crew na gawing host ang stage manager para live broadcast at pinaliwanag niya rin ang rason kung bakit nagkaroon ng live broadcast sa oras na iyon, pinapalamuti niya ang storya.

Ang ideya sa storya niya ay ang pangangasar ng staff ni Luo Chen kay Xu Ming ang nagsimula nito, tinanggap ni Xu Ming ang hamon para ipabida ang kanyang abilidad na umarte kaya isinagawa nila ang live public broadcast.

At para lalong matuwa ang mga manonood, binanggit rin ng stage manager ang pustahan ni Xu Ming at Luo Chen.

Ang bullet screen (isang video sharing site) ay mabilis na binaha ng mga komento at mabilis na sinakop ang site ng mga fans ni Xu Ming.

[Leche! Ano na naman ito? Bukod pa kay Xu Ming, wala na bang iba ang pwedeng makakuha ng role ni Lin Luo Chen? Darating pa rin ang mas magagalinv na aktor kahit napaka-perpekto ng mga nangyayari. Masyado ba akong arogenta?]

[Inaamin ko na isang klasikong orihinal na role si Lin Luo Chen, pero tatlong taon nang tumigil si Luo Chen sa pag-arte. Sino bang makakaalam kung mas magaling ang pag-arte niya ngayon kaysa noon?]

[Maiba lang, nakita ng lahat kung paano umarte si Xu Ming at kung gaano siya kasigasig simula nung debut niya. Nilinis niya ang kanyang iskedyul para mag-aral sa abroad upang paghusayin niya ang kanyang sarili! Ito ang ugali na kailangan para sa role. Isang tao na ginagamit ang sa wala ang oras niya, hindi nagta-trabaho ng ilang taon at binabalikan lang ang luma niyang roles para sumikat siyang muli ay hindi niya makukuha ang role na ito]

[Tama, tama. Ang Xu Ming natin ay may mga palabas na "1987,""Ang Lakbay ng Tatlo" at "Lahat ay Maganda"... Halos tatlong proyekto tapos si Luo Chen ay isa lang - "Terrifying Dragon." Buong buhay ba siyang aasa sa "Terrifying Dragon?" Gusto niya pang makalibre ng kasikatan ng casting!]

[Galingan mo Ming Ming! Talunin mo siya hanggang sa hindi na siya kilalanin ng sarili niyang ina!]

...

Bukod pa sa fans no Xu Ming, may ilang mga fans ay ilang manonood ay nagpakita rin ng pagmamalasakit.

[Sa totoo lang, kumpara sa ibang mga kandidato, natatakot ako na ang role ni Lin Luo Chen at masisira kapag napunta ito sa isang orihinal na aktor. Baka masira ang kinilala na paborito kong klasikong palabas!]

[Tama — kung hindi magagampanan ni Luo Chen ang role na ito, bakit hindi natin hayaan tumigil ang ating alala sa mga magagandang pangyayari!]

...

Para tumaas ang lebel ng tuwa at kagalakan, pasadyang pinuwesto ng production team sila Xu Ming at Luo Chen sa dulo ng casting.

Hinusgahan na parang walang kwentang mga tao ng mga fans ang mga kandidato. Kahit si Song Lin Jin ay hindi natutuwa sa performance ng maraming mga kandidato kaya nakakunot ang kanyang kilay simula noong umpisa hanggang sa dulo...

avataravatar
Next chapter