99 Responsibilidad ko ito

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa mga sandaling iyon, may sigaw na galing sa pasilyo, "si Ms. Liang ay nandirito na!"

Nag lakad papasok si Liang Li Hua. Katabi ang petisyon na dala dala ng mga alagad ni Cheng Xue. Napagtanto nila na para bang may mali kaya inutos ni Cheng Xue na magpadala ng tao.

Ang lahat ay naka hinga ng maluwag ng makita si Ms. Liang at agad na tumayo si Ye Wanwan.

Hindi siya sigurado kung ito ay imahinasyon niya lamang, nakita ni Ye Wan ang dismaya sa mukha ni Si Xia na para bang ito ay hindi nasiyahan sa pagkakaabala.

Hawak ni LIang Li Hua ang petisyon sa kaniyang kamay nang siya ay inis na tumingin kay Ye Wanwan, "Ye Wanwan, bakit ba ikaw na lang lagi? Ilang gulo pa ba ang dapat mong gawin bago ka tumigil?"

Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa lahat at sinabing, "Nakita ko na ang lahat sa inyo ay balisa, at nagbigay lamang kami ng mga papel ng random upang maging patas sa lahat, ngunit ang resulta ay nag dala ng malaking problema at hindi naging maayos ang ensayo, napagdesisyonan ko na palitan na lang ang gaganap ng papel na Snow White. May tutol ba dito?"

Nang marinig ito, biglang sumigla ang diwa ng lahat. Nagbigay ito ng kasiyahan sa lahat at sabay-sabay na sumagot ang bawat isa, "Wala!"

Nagulat at nakahinga na rin ng maluwag si Ye Wanwan. Sa wakas, ang matagal na niyang hinihintay.

Ngunit sa mga sandaling iyon, may hindi inaasahang boses na galing sa tabi nito, "Tutol ako."

Ang taong nag salita ay si Si Xia.

Mabilis na tumakbo si Cheng Xue papunta kay Si Xia at hinila ang damit nito habang mahinang angal nito, "Si Xia, ano ba ang pinagsasabi mo? Sumang ayon na ang lahat ng mga guro, bakit ba sobrang tigas ng ulo mo?"

Maingat na tumingin si Ye Wanwan kay Si Xia. Ano na naman bang gustong gawin ng lalaking ito ngayon…?

Nang may lamig sa tingin ng lalaki sa kabuuan ng silid, "kung paulit-ulit na lang babaguhin ang mga papel, papalitan din ba natin sa kalagitnaan ang susunod na papalit? Gayon pa man, wala narin tayong natitirang oras bago dumating ang pag tatanghal--kung pipili pa tayo ng iba, lahat tayo ay kailangan mag umpisa sa simula. Nakapag eensayo na rin kami ng mabuti maliban na lang para sa huling eksena at ako ang may problema sa eksanang iyon. Kontrolado ko na ang lahat ng mga bagay bagay at ipinapangako ko na mag papatuloy ang pageensayo ng maayos magsimula ngayon.

Hindi lamang mga studyante ang nagulat ngunit pati na rin si Liang Li Hua na hindi inaakala ang posibilidad na tututol si Si Xia, Ikinunot niya ang kaniyang mga kilay at sinabing, "Ngunit kahit na matagumpay ang inyong eksena, ang itsura ni Ye Wanwan ay isang malaking problema padin."

Sumagot si Si Xia ng walang pagbabago sa kaniyang expresyon, "Tiyak na merong magaling umarte sa teatro-- wala namang problema sa itsura ni Ye Wanwan. At saka, sa huli maaari naman natin itong ayusan at gamitan ng maskara para itago at maayos ang problema. Sasabihin ko ito sa class monitor upang ibigay ang detalyadong panukala sa iyo."

Matapos ilahad ni Si Xia ang kaniyang paniniwala, si Liang Li Hua ay hindi nasiyahan ngunit hindi na ito tumutol ng ano mang karagdagan, "kung iyong ipipilit, hindi na ako tututol, pero kung magkaroon man ng problema..."

Sa totoo lang, isinaalang-alang nito si Ye Wanwan upang maging pangalawang problema-- ang malaki niyang problema ay kay Si Xia. iniisip nito baka magagalit si Si Xia na si Ye Wanwan ang gaganap na Snow white, at sineryoso nito ang kaniyang pagmamalasakit.

Ngunit sinong mag aakala na ang sinasabi ng ibang mga estudyante ay ibang iba sa ugali ni Si Xia.

Ang taong katulad niya ay hindi kayang galitin ang lalaking ito.

Hindi man alam ng iba ang nakaraan ni Si Xia, alam naman nito na hindi lang basta basta galing Si Xia sa masaganang pamilya.

Kung hindi dahil sa kaniyang kasintahan, hindi niya lubos maisip na sadyang makapangyarihan pala si Si Xia.

avataravatar
Next chapter