488 Pwedeng isipin kung magkakaroon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi siya sigurado pero nakuha niya ang "nakakamatay na balak" sa sinabi ni Si Ye Han, pero hindi namalayang kinunot ni Ye Wan Wan ang mga kilay niya.

Alam niyang walang planong magkaroon ng anak si Si Ye Han. Tutal, ilang taon din silang kasal sa nakaraan niyang buhay, pero hindi sila nagkaroon.

Dahil ba sa alam niyang hindi siya mabubuhay ng matagal kaya ayaw niya?

Sa buhay na 'to, hindi pa sila kasal.

Sa kanyang estado at karanasan, ginalit niya ang mga Si sa pagiging girlfriend ni Si Ye Han. Kung magiging mistress talaga siya ng bahay, magiging target siya ng madaming palaso...

Sa nakaraan niyang buhay, kung hindi niya pinukaw si Si Ye Han sa pagtakas kasama si Gu Yue Ze, baka hindi niya ito pinakasalan agad?

Nagpumilit si Si Ye Han sa wala sa oras nilang kasal na ikinagalit ng buong angkan ng mga Si...

Naalala niya yung araw na naghiwalay sila sa nakaraan niyang buhay, malapit ng sa katapusan ang pangangatawan ni Si Ye Han, lumala ang mga kaguluhan sa pamilya hanggang sa hindi na ito kayang ayusin pa, bawat makapangyarihang pangkat ay nakikipagtalo sa iba, naging magulo ang lahat, at naatake pa sila ng isang 'di kilalang makapangyarihang tao mula sa labas...

Sa buhay na ito, kahit ano pang pagsaalang-alang ang naganap, hindi niya na gusto pang gumawa ng mali sa oras na ito at hayaan na mapunta ang mga bagay sa ganoong estadong muli, ano pa kaya ang pagkaroon ng mga anak.

Dahil sa kasalukuyang kondisyon ni Si Ye Han at isyu niya, hindi nila kakayanin ang responsibilidad sa pagdating ng isang sanggol.

Tuliro din si Ye Wan Wan. "Ayoko din…"

Sumala ang sinag ng araw sa mga bintana, at para bang nabalutan ng yelo ang mukha ni Si Ye Han

Bumulong si Ye Wan Wan, "Sa kasalukuyang sitwasyon natin, wala tayo sa magandang posisyon para magkaroon ng anak; ang iresponsable naman kung magkakaroon tayong ng maliit na buhay sa mga kamay natin. Tsaka, sa kalusugan mo pa, gusto mo bang hindi lang ako maging byuda pero maging nag-iisang ina din ako?"

Napatigil si Ye Wan Wan saglit at nagpatuloy, "Kung…"

Matapos ang isang salita, hindi na nakapagsalita pa si Ye Wan Wan.

May marahang alon ang lumabas sa mga patay na mata ni Si Ye Han na kasing lalim sa kawalan. Lumingon siya sa kanya, tahimik na nag-aantay na ipagpatuloy ang sasabihin.

Nagsisisi si Ye Wan Wan sa sandaling sinabi niya ang salitang 'yon, pero patuloy lang siyang tinitigan ni Si Ye Han, kaya mahina na lang siyang umubo at tinapos ang sasabihin, "Kung… kung umayos ang kalusugan mo, pwede nating pag-isipan na magkaroon ng anak."

Nang sinabi niya iyon, mabilis na nabasag ang mga malalamig na sinag ng buwan na sumalamin sa mga mata ni Si Ye Han.

Direkta kay Ye Wan Wan ang hindi makapaniwalang tingin ni Si Ye Han na para bang pumipiga sa kaluluwa niya.

Nanginig ang puso ni Ye Wan Wan. Nataranta siya at tinakpan ang mga mata ni Si Ye Han, at namilit, "Hindi ka na pwedeng magsalita pa, matulog ka na!"

Kinuha ni Si Ye Han ang maliit na kamay na nakatakip sa mga mata niya at nilapat sa kanyang dibdib.

Ang pagtibok ng puso sa ilalim ng palad ni Ye Wan Wan… ay sobrang bilis...

Maya maya, sa tahimik na gabi, umalingawngaw ang paos niyang boses: "Sige."

Marahang gumalaw ang dibdib niya habang nagsalita at tila bang nag-init ang maliit na kamay na nasa kanyang dibdib.

'Di nagtagal, rinig ang mga kalmado ang mahabang paghinga ni Si Ye Han. Hawak niya pa din ang kamay ni Ye Wan Wan at ramdam nito ang pagtibok ng kanyang puso.

Sumulyap si Ye Wan Wan sa kanyang habang natutulog at inis na napabuntong hininga.

Kailangan niya ba maging masunurin? Talagang natulog siya ng ganun-ganun lang...

Galing, ngayon ako naman ang magkakaroon ng insomnia...

avataravatar
Next chapter