775 Pwede natin pag-usapan ang mga bagay-bagay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Oh tama, boss Ye, bakit mo natanong ang tungkol sa Rosas ng Kamatayan?" nagtatakang tinanong ni Spray of Flowers.

Pinag-isipan muna ni Ye Wan Wan ito bago siya sumagot, "sa oras na ito, magpapanggap tayo bilang oraganisasyon na ito, ang Rosas ng Kamatayan; ako ang magiging Black Widow… at lahat kayo ay gaganap bilang miyembro ng Rosas ng Kamatayan."

Sa sandaling marinig ang sinabi ni Ye Wan Wan, ang lahat ay nagulat. HUH? Gusto niyang magpa-panggap tulad ng Rosas ng Kamatayan?

Noon, talagang ipinagbabawal ni Nameless Nie ang kahit anong balita patungkol sa Rosas ng Kamatayan mula sa paglaganap. Pati na si old master Nie ay sumang-ayon sa kanyang manuscript dulot nitong walang batayang organisasyon na ito, kaya sinuportahan niya ang desisiyon ni Nameless Nie.

At ngayon, itong si Famous Ye at talagang gusto ang orihinal na lumikha, na si Nameless Nie, na gumanap bilang basura ng Rosas ng Kamatayan…

"Boss Ye, ano ang maganda tungkol sa Rosas ng Kamatayan? Paano kung gumanap tayo bilang pamilyang Nie… ang pamilyang Nie ay mas maganda sa lahat kaysa sa Rosas ng Kamatayan. Ano sa tingin mo? Gaganap ako ng napaka natural at bibigyan kita ng magandang presyo." Naglakad papunta si Nameless Nie kay Ye Wan Wan at sinabi ang kanyang pagbebenta.

Nang marinig iyon, tumingin si Ye Wan Wan kay Nameless Nie na para bang nakatingin siya sa isang tanga. Sige lang… ipagmalaki mo pa… mas maganda kaysa sa Rosas ng Kamatayan, huh…

"Hindi maaari, gumanap lang kayo bilang Rosas ng Kamatayan." matigas si Ye Wan Wan at hindi hinayaan na makipag negosasyon si Nameless Nie.

Kung mayroon mang Rosas ng Kamatayan o wala, hindi pa din niya papalitan ang kanyang plano.

Kung ang "Rosas ng Kamatayan" organisasyon na ito at ang pinuno na si "Black Widow" ay gawa-gawa lamang at wala naman talaga, ayos lang 'yon…

Kung gayun ibig sabihin walang sino man ang nakakakita sa "Rosas ng Kamatayan" noon.

Siguro maaari niyang kunin ang pangalan na ito, "Black Widow"...

"Kung gayon… hindi ako gaganap!" iniling ni Nameless Nie ang kanyang ulo at tila parang hindi niya gustong kumilos.

"Oh, sasabihin ko sa iyong pamangkin na binayaran mo ako at ang aking boyfriend na magpanggap bilang kanyang magulang, kung gayon," walang malasakit na sinabi ni Ye Wan Wan.

"Huwag… Famous Ye… pwede nating pag-usapan ang mga bagay-bagay…" nang banggitin ni Ye Wan Wan ang munting demonyo, mabilis na pinagpawisan ng malamig.

Hindi takot si Nameless Nie sa alin mang langit at lupa. Takot lamang siya sa isang bagay - sa kanyang pamangkin.

"Kung gayon gaganap ka o hindi?" Ngumiti si Ye Wan Wan at tumingin ng tuwid kay Nameless Nie.

"Oo, gaganap na. Gaganap, okay!" walang magawa si Nameless Nie at sumang-ayon na lamang.

Kahit na magbago ang isip ni Ye Wan Wan sa huli at napagdesisyonan ng hindi magpanggap bilang nanay ng munting demonyo, ang banta sa pagsabi sa munting demonyo ay magiging sapat na din para masakal siya, lalo pa kung sabihin ang totoo sa munting demonyo.

Kaya naman, pinag-isipan itong maigi ni Nameless Nie at sa ilalim ng pamimilit, sa wakas ay nakapag desisiyon na siyang magpatalo.

"Kapitan, gayun pa man magsusuot tayo ng pilak na maskara. Walang sino man ang makaka-alam na kayo ang gumaganap!" ang isang dayuhan na taga-buhat ng mga brick ay napaka matalino at inaaral ang sitwasyon para kay Nameless Nie.

"Tama!" hinampas ni Nameless Nie ang kanyang binti. "Magsusuot tayo ng mga pilak na maskara…"

Sa sinabing iyon, tumingin sa paligid si Nameless Nie. "nasaan ang mga maskara?"

Nang sila ay umalis, hindi sila nagdala ng kahit anong maskara!

"Mayroon ako dito." misteryosong ngumiti si Ye Wan Wan at binuksan ang maletang dala niya.

Sa loob ng maletang iyon, mayroong isang itim na belo, itim na chiffon dress, ilang pilak na maskara at isang pares ng itim na windbreaker na may rosas na naka burda sa mga iyon.

"Famous Ye, ikaw… handa ka…"

Tumitig si Nameless Nie sa mga pilak na maskara at windbreaker sa loob ng maleta at nagulat. Pakiramdam niya na itong boss Ye ay marahil hindi layun na makipag negosasyon sa kanila at direktang inabot ang sariling desisyon. Naihanda na rin niya ang lahat ng mga gagamitin…

avataravatar
Next chapter