1048 Pwede mong subukan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Umiling at bumuntong hininga ang lahat ng tao. Sinira ng babaeng ito ang pride ng Si family! 

Kinaskas ng apat na guwardiya ang kanilang mga ngipin sa sobrang galit. Gayunpaman, napakalakas ni Kawada. Hindi nga nila nakita nung umatake si Kawada. 

Inangat muli ni Kawada ang kanyang kamay at umatake ulit ng isa pang guwardiya. Hindi man lang sila nakapaghanda sa atakeng ito.

Napakabilis ng kanyang palad at maririnig lamang ang hampas sa hangin sa kanyang pag-atake.

Gayunpaman, sa isang saglit, biglang gumalaw si Ye Wan Wan...

Narinig rin ang malutong na "slap."

Malakas na hinarangan ni Ye Wan Wan ang atake ni Kawada.

"Ah?!" Lumaki ang mga mata ni Kawada. Kinaya ng babaeng ito na pigilan ang atake niya.

"Gusto mo talagang makipaglaban sa akin?"

Pinakawalan ni Ye Wan Wan si Kawada at bigla niyang tiningnan si Yamamoto Tsubasa. Ang mga mata niya ay parang magandang karagatan.

"Heh… basura ka lang para sa akin." Interesadong tinitigan ni Yamamoto Tsubasa si Ye Wan Wan. "Gayunpaman, ikaw ang representative ng Si family at ang layunin ng pagdalo ko ngayong araw ay tapakan ang tatlong dakilang clans sa aking mga paa. Malas kayo dahil kayong lahat ay basura lamang, kaya hindi pa rin ako magiging masaya kahit matalo ko kayo, tama?" 

"Pwede mong subukan," sabi ni Ye Wan Wan.

"Heh, bibigyan kitang sampung segundo dahil basura ka naman. Pagkatapos ng sampung segundo, papatayin na kita," mapangutyang sinabi ni Yamamoto Tsubasa habang tinitingnan niya si Ye Wan Wan.

Gayunpaman, biglang inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay pagkatapos magsalita ni Yamamoto Tsubasa.

Slap!

Maririnig ang malutong na sampal sa buong lugar.

Sinampal ni Ye Wan Wan si Yamamoto Tsubasa sa harap ng lahat.

Bumalik sa tamang pag-iisip si Yamamoto Tsubasa at biglang kuminang ang kanyang mga mata. "Ang lakas ng loob mo na… mag sneak attack sa akin.."

"Sneak attack?" Suminghal si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon. "Binigyan mo ako ng sampung segundo para makapag handa, pero natapos ako ng isang segundo. Atake ko ang sampal na iyon. Hindi mo ito hinarangan kaya bakit mo sasabihin na nag sneak attack ako sayo?"

Mapangutyang nagkomento si Sun Xue Zhen, "Iniiba ng babaeng ito ang mga salita ko at pwersado niyang binibigyan ito ng ibang kahulugan. Bakit niya gagawin ang mababang bagay na iyon upang itago ang katotohanan na nag-sneak attack siya?!"

Lumipad ang mga salita nila sa mga manonood. Lahat sila ay nadismaya sa masahol na sneak attack ni Ye Wan Wan.

"Ikaw… gusto mo talagang mamatay ngayong araw?"

Kumislap ang mga mata ni Yamamoto Tsubasa habang naghahandang umatake ang kanyang palad papunta kay Ye Wan Wan.

Slap!

Hindi na hinintay ni Ye Wan Wan na makalapit sa kanya ang hampas ni Yamamoto Tsubasa. Humakbang siya patagilid bago niya bigyan ng malakas na hampas si Yamamoto Tsubasa.

Lalong nagalit si Yamamoto Tsubasa sa dalawang malakas na hampas na natamo niya kay Ye Wan Wan. Inangat niya ang kanyang kamay pataas at diniretso niya ang kanyang palad papunta sa leeg ni Ye Wan Wan.

Kuminang ang mga mata ni Ye Wan Wan, at nang hindi nakatingin ang lahat, mabilis niyang hinablot ang kamay ni Yamamoto Tsubasa.

Parang malaking bundok ang kamay ni Ye Wan Wan, hindi ito matutumba at napakalakas nito. Hindi makatakas si Yamamoto Tsubasa sa mga kamay ni Ye Wan Wan.

Kasabay nito ang pag-atake ng kanang kamay ni Ye Wan Wan kay Yamamoto Tsubasa ngunit ito ay huminto noong tatlong dangkal na ang layo.

Sa isang saglit, kumuha ng lakas si Ye Wan Wan sa kanyang baywang at napunta ang lahat ng pwersa sa kanyang palad.

Kasing bilis ng kidlat ang kanyang palad at ubod ito ng lakas.

Nabigla ang lahat ng naroroon. Hindi nila nakita ang pinagmulan ng palad ni Ye Wan Wan.

BANG—

Malakas na humampas ang palad ni Ye Wan Wan sa noo ni Yamamoto Tsubasa at maririnig sa kanila ang malakas na bang.

Sa mga kanilang hindi makapaniwalang mga mata, biglang sumigaw ng malakas si Yamamoto Tsubasa at ang katawan niya ay tumalsik ng ilang dosenang layo na parang isang sirang saranggola.

"Im… imposible ito!!!" Nabigla si Sun Xue Zhen. Hindi siya makapaniwala sa eksenang nasa harap niya.

"Ano?!" Nag-iba rin ang kaninang kalmadong itsura ni Qin Ruo Xi.

avataravatar
Next chapter