1081 Pwede ba kitang landiin?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Agad na natapos ang eksena sa campus ng "A Life and Death Struggle." Ngayong araw ang pagtatapos ng eksena sa campus ng shooting nila.

Nag-aalalang nagsalita si direktor Liu Qing, "Director Ye, nangangamba ako na baka… hindi madaling i-shoot ang mga huling eksena! Sigurado ka ba na kayang umarte ng maayos ni Gong Xu sa mga parteng ito?"

Pinapakita ng palabas na ito kung ma-iiba niya pa ba ang kanyang kapalaran, kaya natural lamang na lagyan niya ng importansya ang palabas.

Aktor noon si Lui Qing. Hindi nakakaakit ang kanyang itsura kahit na matyaga at masipag siya sa kanyang trabaho, kaya nasa mababang kaledad lamang siya ng mga artista sa entertainment industry kahit na masipag siya sa kanyang larangan.

Sa hindi kalaunan, wala siyang nagawa kundi lumipat sa ibang larangan at naging direktor na lamang siya.

Likas nang talentado at masikap si Liu Qing. Pagkatapos niyang lumipat ng larangan, gumawa siya ng ilang mga palabas na nakakuha naman ng disenteng mga ratings ngunit hindi naman sumikat, kaya ginastos niya ang lahat ng ipon niya noong aktor pa siya.

Nakita na ni Ye Wan Wan ang mga palabas ni Liu Qing noon at nakita niya na marunong siyang direktor, ngunit hindi niya alam kung paano pumili ng maayos na screenplay at ng mga aktor. Ilang beses siyang ng hindi maayos na screenplay at may mga isyu rin siya sa mga aktor.

Nakipagsundo sa kanila ang Global Entertainment ngunit pa-sikreto silang gumagawa ng ikakasira nila. Kaya ang kinalabasan, nahirapan silang makahanap ng nababagay na direktor at hindi na nila nakayanan na makapag-imbita pa ng mga sikat na direktor. Matagal bago nahanap ni Ye Wan Wan si Liu Qing.

Mabuti na lang at propesyonal si Liu Qing habang shooting kaya pinapakita nito na mali ang pagkakahusga niya sa direktor.

Sabi ni Ye Wan Wan, "Okay lang, Direktor Liu. Tapusin mo munang i-shoot ang unang bahagi. Dadalhin ko sa espesyal na pagsasanay sila Gong Xu at Luo Chen sa susunod na linggo at pagbalik na lang namin itutuloy ang shooting. Examinahin mo ang magiging epekto sa kanila ng pagsasanay."

Tumango na lamang si Liu Qing kahit na nag-aalala siya, nang makita niyang malakas ang loob ni Ye Wan Wan. "Sige, naiintindihan ko."

Sa hindi kalayuan, natapos nang mag-shoot si Gong Xu ng kanyang eksena. Ginagamit niya ang kanyang break upang gamitin ang kanyang phone at gawin ang mga misteryosong mga bagay.

Inutusan niya si Dong Zai na hawakan ang kanyang phone at bigla siyang lumapit kay Han Xian Yu. "Sabihin mo sa akin. Sino ang mas gwapo— si Han Xian Yu ba o ako?"

Natawa at kumaway si Han Xian Yu sa mga fans nang makita niyang naka-live stream pala si Gong Xu sa kanyang fans gamit ang kanyang phone, "Hello, sa inyong lahat!"

[Ahhhh! Si Han Xian Yu! Si Han Xian Yu! diyos ko! Ang gwapo talaga no Little Angel Xian Yu!]

Nainis si Gong Xu nang makita niya ang sandamakmak na komento sa bullet screen. "Hoy! Sa kaninong fans ba kayo?! Sabihin niyo sa akin kung sinong mas gwapo!"

[Gwapo ka, Gwapo ka! Pero mas gwapo si Baby Xu! Huwag kang magselos, ok? Gusto naming makita si Luo Chen! Luo Chen! Luo Chen! Baby Xu, bakit hindi mo landiin si Luo Chen?]

[Ahhhh! Tama, tama! Landiin mo si Luo Chen, please lang!]

Lalong nainis si Gong Xu nang mabasa niya ang nasa bullet screen kaya galit niyang sinabi, "Hindi! Sinong gugustuhin na landiin ang walang emosyon na taong iyon?!"

[Matigas na naman ang ulo ni Baby Xu!]

[Maging mabait ka at gawin mo na iyon, Baby Xu!]

Nababaliw ang fans niya habang pinupuno nila ang bullet screen.

Sa ngayon, hawak ni Luo Chen anv kanyang script habang nagtatanong siya kay Ye Wan Wan. Nasanay na siya sa pamamaraan ng pagpapaliwanag ni Ye Wan Wan kaya madalas siyang nanghihingi ng tulong dito.

Nainis si Gong Xu at sumugod siya papunta kay Luo Chen nang makita niyang nakadikit na naman ito kay Ye Wan Wan. Mabilis siyang sinundan ni Dong Zai na may hawak ng kanyang phone.

Nasabik ang kanyang fans nang makita nilang tumatakbo si Gong Xu papunta kay Luo Chen at masaya nilang ni-regaluhan si Gong Xu.

Iritableng tiningnan ni Gong Xu si Luo Chen. "Alis diyan!"

Sumimamangot si Luo Chen. "May kailangan ka ba?"

"Malamang may kailangan ako!" Tinulak niya si Luo Chen sa isang gilid pagkatapos niyang sabihin ito at lumapit siya kay Ye Wan Wan nang nakangiti. "Pare, pare, pwede ba kitang landiin?"

Walang masabi si Ye Wan Wan hababg tinitingnan niya si Gong Xu. "Hindi pwede."

Makikita ang malubhang kalungkutan sa mukha ni Gong Xu. "Bakit???"

"May partner na ako. Salamat na lang."

avataravatar
Next chapter