505 Putulin ang pangatlong paa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mukhang naglalandian ang dalawa sa litratong iyon.

Ngunit, nakuha ng babaeng ito ang atensyon ni Ye Wan Wan dahil pamilyar ng mukha niya para kay Wan Wan.

Pinalaki ni Ye Wan Wan ang litrato at tiningnan niya ng malapitan ang mukha ng babae, naramdaman niya na nakita na niya ang babaeng ito noon, parang nakita niya ito ng ngayon-ngayon lang…

Weird, sino kaya ito?

Iniisip ng maigi ni Ye Wan Wan kung sino ang babaeng ito. "Mukhang sa 20 taong gulang na ang babaeng nasa litrato, malamang mas matanda siya kay Chu Feng. Hindi siya ang tipo ng babae na gusto ni Chu Feng, 'di ba?"

"Ewan ko..." namumutla si Jiang Yan Ran at nagsasalita siya habang umiinom ng alak sa kanyang baso.

Nag-iwan na ng malaking sugat si Song Zi Hang sa puso ni Jiang Yan Ran noon. At kung niloko talaga siya ni Chu Feng, malamang ay...

At saka, ako ang nagsama kay Chu Feng at Jiang Yan Ran para maging sila.

Punyeta!

Kinaya pang manloko ni Chu Feng, si Chu Feng na tinulungan kong makuha ang loob ni Jiang Yan Ran, puputulin ko ang pangatlong binti ng lalaking 'yon!

Halos mapuno ang alak sa baso ni Jiang Yan Ran. "Tara, samahan mo akong uminom?"

Biglang sumimangot si Ye Wan Wan. "Tumigil ka sa kaka-inom mo, Yan Ran! Hindi tayo pwedeng sumugod sa wakas nang hindi inaalam kung ano ang nangyayari. Maghahanap tayo ng oras para yayain siyang lumabas at pag-usapan ang problema niyo!"

Pumikit si Jiang Yan Ran. "Pero… Wan Wan… ayoko… ayokong mag-usap kami…"

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. Alam niya na ayaw lang subukang kausapin ni Jiang Yan Ran si Chu Feng kahit kaya niya itong gawin.

"Oh oh oh----" may matinis na ungol ang bumalot sa buong bar.

May isang stripper sa gitna ng entablado at napakabastos ng performance niya - hindi ito akma sa paningin.

Sa hindi kalayuan, walang tigil na nakatitig si Song Jing sa stripper. Hindi ko inasahan na may benepisyo pala ako sa pagsama sa biyaheng ito.

Naging masama ang itsura ni Liu Ying. Tinititigan niya si Ye Wan Wan habang kinakausap si Jiang Yan Ran at unti-unting ngumingiwa ang itsura niya sa sobrang inis.

Napaka-dugyot at napakasama ang babaeng tulad niya na pupunta sa bar ng ganitong oras...

Hindi bagay ang kasuotan ni Ye Wan Wan na puting blouse at jeans sa maruming bar.

Ordinaryo lang ang kasuotan niya at wala rin siyang makeup sa mukha, pero maraming naakit sa kanyang kumikinang na mata at kaakit akit na mukha habang ang kutis niya ay kasing puti ng snow noong pagka-tapak niya sa loob ng bar.

Sa oras na iyon, sa VIP glass booth sa itaas na palapag:

"Damn! Young master Chen, may… may magandang babaeng pumasok sa loob ng bar!" May isang tao na walang kurap na nakatitig sa iisang direksyon.

Biglang naglakad papunta sa lalaking nagsalita ang isang mayaman na prinsipe. "Ang ingay mo naman! Sinong maganda ang tinutukoy mo?"

"Yung babae na andoon…"

Tumingin ang prinsipe sa direksyon no Jiang Yan Ran at hindi siya namangha. "Isang lasing, iniwan at malungkot na babae lang siya, 'di ba? Hindi ka pa ba nakakakita ng babae noon?"

Hindi naman pangit si Jiang Yan Ran, sadyang marami na siyang sinubukang magaganda sa Imperial City kaya sawa na siya sa mga babaeng ganyan ang itsura.

Ang lalaking utusan ay biglang nagsalita, "Hindi, hindi siya! Yung katabi ng nakared na babae yung tinutukoy ko, yung chicks na naka puting blouse!"

"Yung katabi niya?" Sumunod ang tingin ng prinsipe sa babaeng katabi ng babaeng nakapula.

Nang malinaw niyang nakita ang babae, napahinto ang prinsipeng may hawak ng inumin at hindi makaalis ang mga mata niya sa babaeng iyon...

Damn! Maganda pala talaga!

Hindi ko inasahan na makakahanap ako ng katangi-tanging magandang babae sa Scarlet Bar...

Sa unang palapag, sinusubukang patayuin ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran, "Yan Ran, 'wag lang makulit at tigilan mo na ang kaka-inom mo. Gabi na at kailangan mo nang umuwi. Sasamahan kitang makipagkita kay Chu Feng sa susunod na araw, okay…"

Lasing na lasing na talaga si Jiang Yan Ran, kaya ginamit ni Ye Wan Wan ang lahat ng lakas niya hanggang sa maitayo niya ang kanyang kaibigan.

avataravatar
Next chapter