1214 Pupuntahan ko kaagad ang nanay mo!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagulat si Nameless Nie.

Gusto ni Little Devil na sumama sa kanya si Ye Wan Wan?

Mas madali kung may iba pa siyang kahilingan. Pero, ang kahilingan niya ay makasama niya si Ye Wan Wan sa kanyang pag-uwi. Ito ay isang bagay na hindi si Nameless Nie ang magde-desisyon...

Naguluhan si Nameless Nie. "Little ancestor, hindi ba't pinaliwanag ko sayo kanina lang? Hindi siya ang tunay mong nanay–nahanap ko lang ang babaeng iyon para magkunwaring nanay mo. Nilinlang lang kita… bakit gusto mo siyang makasama sa pagbalik mo?"

Biglang nanlisik sa lamig ang mukha ng batang lalaki nang marinig niya iyon. "May 10 minuto ka para ibigay mo sa akin ang kahilingan ko."

"Walang kinalaman kung ilang oras ang mabibigay mo…"

"Limang minuto."

"Saglit! Saglit saglit saglit! Aalis na ako para hanapin ang nanay mo!!!"

Mabilis na umalis sa may pintuan si Nameless Nie.

Sa oras na rin na iyon, sa may sala:

Kumalma na si Ye Wan Wan dahil sinuyo siya ni Si Ye Han. "Si Ye Han, natandaan mo ba yung binanggit ko sayo na Independent State?"

Biglang kuminang ang mga mata ni Si Ye Han. "Ano?"

Patuloy na nagsalita si Ye Wan Wan, "Nanggaling si Tang Tang sa Independent State."

Biglang namuo ang lamig sa mukha ni Si Ye Han ngunit bigla itong nawala nang tingnan siya ni Ye Wan Wan. Kakaiba ang ekspresyon sa mukha niya nang magtanong siya, "Ganoon ba?"

"Oo. Ang tito mismo ni Tang Tang ang nagsabi nito sa akin. Inakala ko kasi na pwede kong bisitahin si Tang Tang kapag namiss ko siya, pero hindi ko inasahan na galing pala sa Independent State si Tang Tang…" lalong naging madilim ang itsura ni Ye Wan Wan habang nagsasalita siya.

"Paano kaya makahanap ng permit para makapasok ng Independent State at inaalam ko rin kasi kung matutulungan ako ng tito ni Tang Tang na makagawa ng pekeng permit?" Biglang lumitaw ang kaisipan na ito sa utak ni Ye Wan Wan.

"Hindi mo pwedeng gawin 'yon. Ang kaguluhan at kasakiman sa Independent State ay isang bagay na hindi mo aakalain. Kahit na may permit ka, parang hinihiling mo na rin ang kamatayan mo kapag nanghimasok ka doon. Pinagbabawal ang lahat ng mga mamamayan sa Independent State na magpapasok ng mga estranghero kapag walang pahintulot sa Independent State, malaking kaparusahan ang mangyayari sayo kapag ginawa mo ito. Walang sino man ang susubok na tumaliwas sa batas na ito."

Lalong bumigat ang pakiramdam ni Ye Wan Wan habang nagsasalita si Si Ye Han. Bigla siyang may naisip at tiningnan niya si Si Ye Han dahil nagulat siya. "Ah-Jiu, bakit ang dami mong alam tungkol doon? Noong tinanong kita tungkol dito noon… hindi ba't sinabi mo na hindi mo alam ang lugar na ito?"

"Nabanggit ito ni Mu Sui Feng sa pag-uusap namin noon."

"Ah… ang ibig sabihin pala nito ay… hindi ko na pwedeng makita ulit si Tang Tang kapag umalis siya ngayon…"

Magpapatuloy pa sana sa pananalita si Ye Wan Wan nang bigla siyang maantala nang tumalon si Nameless Nie mula sa taas ng hagdan at ginamit niya ang railings ng hagdan bilang suporta, at nahulog siya sa harapan ni Ye Wan Wan. Pagkalabas niya ng pintuan, wala na siyang oras para gamitin pa ang hagdan sa pagbaba niya.

"TULUNGAN MO AKO SISTER FAMOUS YE!"

Kumibo ang mga labi ni Ye Wan Wan habang pinapanood niya ang lalaki na nahulog mula sa langit. "Anong nangyari? Nagpaliwanag ka na kay Tang Tang, 'di ba? Anong sinabi ni Tang Tang?"

Parang dumi ang mukha ni Nameless Nis sa sobrang pagmamadali niya. "Sinabi ni Tang Tang na hindi siya papayag na pakawalan ako ng buhay at umuwi kami hanggat ibigay ko ang kahilingan niya."

Tinanong siya ni Ye Wan Wan, "Kahilingan? Anong hiling niya sayo?"

"Gusto… gusto ka niya na…"

Tinuro ni Ye Wan Wan ang sarili niya. "Huh? Gusto niya ako na?"

Tumango si Nameless Nie. "Tama… gusto niya na umuwi siya nang kasama ka…"

Pagkatapos magsalita ni Nameless Nie, naramdaman niya ang nakakatakot na awra na isang daang beses na mas nakakatakot noong nakaharap niya si Little Devil kanina.

Siyempre, naramdaman rin ito ni Ye Wan Wan.

Nakaupo sa tabi ni Ye Wan Wan si Si Ye Han, kaya siya ang nakakaramdam ng nakakatakot na lamig na nanggaling sa katabi niya.

avataravatar
Next chapter