947 Pupunta ako kung saan pupunta si mommy

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kung iisipin, ang unang bagay na tatanungin ng maliit na demonyo sa kanyang mama matapos na makilala ay alamin kung nasaan ang papa niya.

Kaya naman, hindi mapigilang mag-alala ni Nameless Nie na hindi nakapagaliwanag si Ye Wan Wan...

Nie Tangxiao: "Hindi."

Nagulat si Nameless Nie. "Hindi mo tinanong mama mo?"

Noon, pilit na nagtatanong ang maliit na demonyo kung nasaan ang magulang niya - hindi niya mahanap ang mama nito pero mas problemado ang isyu sa papa niya. Hindi nila alam kung sino ito at ang taong nakakaalam lang kung nasaan ang papa niya, ay ang kanyang nanay.

Kaya, akala niya na magtatanong na ang maliit na demonyo sa nanay niya sa sandaling nakilala niya ito.

Nie Tangxiao: "Sasabihin sa akin ni mommy kung gusto niya."

Nameless Nie: "…"

Halos mabalot na ng mga luha ang mukha ni Nameless Nie nang marinig iyon. May pagkiling sa kung paano mo ako itrato, huh!

Nitong nakaraan, para siyang mapanirang hangin at ulan, pero napakahinhin at maalaga niya sa kanyang mama ngayon!

Kapatid ako ng nanay mo. Hindi ba pwedeng maging mabait ka sa akin kahit kaunti?

Kaagad sinabi ni Spray of Flowers, "Tama tama tama! Tama si Boss - paano nga kung hindi rin alam ng kanyang mama kung sino ang kanyang papa? Nakakahiya naman kung tatanungin natin!"

Deboto: "Mas ganap at maasikaso si Boss!"

Brick-moving foreinger: "Napaka talentado ni Boss, matalino at masipag mag-aral! Kaya niyang magplano para sa tagumpay mula sa libu-libong milya ang layo!"

Iceberg man: "..."

Huminga ng malalalim si Namesless Nie, pinigilan ang kagustuhan na saktan silang lahat at buwagin ang grupo. Lumingon siya sa batang demonyo at nagtanong, "Kung gayon… kailan mo planong bumalik?"

Malamig ang tingin ni Nie Tangxiao. "Bumalik?"

Nameless Nie: "..." Magaling, mukhang hindi niya ito inisip ito noon at wala ring plano na bumalik.

Tumingin si Nie Tangxia sa direkson ng kusina at sinabi, "Pupunta ako kung saan pupunta si mommy."

Patay ako!

Hindi na natin maibabalik ang batang 'to...

Ang orihinal na plano ay pag-tagpuin ang mag-ina para pakalmahin ang batang demonyo. Pagkatapos, gagawa sila ng dahilan na kailangan manatili ng kanyang mama sa basta sa panahong ito at mauna siyang pauwiin.

Pero base sa kilos ng batang demonyo ngayon, kailangan niya magmadali na hanapin ang kanyang tunay na mga magulat kung gusto niya mapauwi ang batang demonyo...

Matagal ng hindi umuuwi ang batang demonyo - magpapaliwanag siya sa Empress Dowager pagbalik sa bahay...

Napupuno na si Nameless Nie.

Sa oras na 'yon, bumalik si Ye Wan Wan na may dalang mga inumin.

Nagmadali si Nameless Nie, "Famous Ye, hihingi ako ng pabor sa'yo."

Naging maingat agad si Ye Wan Wan. "Ano nanaman ngayon?"

Hinimas ni Nameless Nie ang kanyang mga kamay. "Huwag kang mag-aalala, gusto ko lang… gumawa ng death-exemption medal…"

"Anon naman ang death-exemption medal?" Nalito si Ye Wanwan.

"Ibig kong sabihin na pwede mo ba akong tulungan na kumuha ng litrato ni Tangtang at ipadala sa akin!" Hiniling ni Nameless Nie.

Tumingin sa kanya si Ye Wanwan at hindi alam kung ano ang sasabihin. "Litrato lang 'yon: bakit hindi ikaw ang gumawa?"

Nameless Nie: "Ayoko…"

Ye Wan Wan: "…"

Ayaw na siyang ipahiya ni Ye Wan Wan, kaya lumakad siya papunta sa mesa at pinatong ang mga inumin. Pagkatapos, nilabas niya ang telepono niya at tiningnan ang bata sa sopa. "Tangtang, ang ganda mo pagmasdan sa damit na to. Pwede ka bang kuhanan ng litrato ni mommy?"

Tumining s Nie Tangxiao sa telepono ni Ye Wan Wan. "Sige, mommy."

Hinimas ni Ye Wanwan ang kanyang baba. "Sandali lang, ako ang magdedesisyon kung ano ang mas magandang pose. Sige, ito…"

Nilapit ni Ye Wan Wan ang kanyang telepono kay Nameless Nie at pinagdikit ang kanyang mga braso para gumawa ng hugis puso. "Sige na, gayahin mo si mommy at humarap ka sa camera!"

avataravatar
Next chapter