1035 Pumunta para mas matuto

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Umiwas si Sun Xuezhen kay Mu Suifeng at lumapit kay Qin Ruo Xi, tahimik na nagsasalita, "Ruo Xi, wala ka bang gagawin tungkol dito?"

Kumunot ang kilay ni Qin Ruo Xi at tinignan si Sun Xuezhen. "Hindi natin pwedeng kwestyunin ang mga pribadong bagay ni Ah-Jiu. Ginawa ang martial arts conference na ito na magkakasama ang tatlonh pamilya. Kung pinadala ni Ah-Jiu si Miss Ye dito, baka may sarili siyang plano. Tsaka, talagang talentado si Miss Ye sa martial arts."

Nang marinig siya ni Sun Xuezhen, sumulyap si Sun Xuezhen kay Ye Wan Wan bago suminghal at manghusgang sinabi, "Talentado si Miss Ye sa martial arts? Hah… sana nga!"

Pandiriri lang ang tanging nararamdaman ni Sun Xuezhen kay Ye Wan Wan. Hindi niya kayang mangialam sa ginagawa ng mga Si, at wala din naman itong kinalaman sa kanya. Gayunpaman, ang mga Sun ang chief organizer ng martial arts conference na ito, at kailangan pumunta sa entablado ng representante ng mga Si at magkumpara ng mga tala. Hindi naman malaking bagay kung mahihiya ang mga Si dahil sa kahihiyan na ginawa ng babaeng ito sa entablado, pero madadamay din ang mga Sun dito.

Tutal, ang Wolf King Senny at si Mr. Mu ay parehong importanteng bisita ng mga Sun.

Ngayon, umiiling sa pagkadismaya ang limang bagong gwardya na kasama ni Ye Wan Wan, nangangarap na makahanap ng hukay para doon manirahan.

Kung magkakaroon sila ng tsansa, hindi sila susunod sa babaeng ito anuman ang mangyari. Hindi lang sa pinahiya niya ang kanyang sarili, pero siya din ang naging dahilan kaya hindi nila maiangat ang kanilang ulo.

Sa ugali na pinakita naman ng mga Sun, hindi nagpakita ng anumang pagkayamot si Ye Wan Wan at kalmado lang; Tila bang isa siyang zen.

Sinabi na ni Si Ye Han na wala siyang pakialam kung mananalo o matatalo sa martial arts conference, at wala siyang intesnyon na gumawa ng kung ano kundi ang mag-obserba lang at madagdagan ang kanyang kaalaman.

"Miss Ye, kung maari!" naiinip na sabi ni Sun Xuezhen habang nakatingin kay Ye Wan Wan.

Malamig na sinulyapan ni Sun Lizhong si Ye Wan Wan. Kahit na galit siya, wala siyang masabi ngayong oras na ito.

Kahit ano pa ang mangyari, pinadala ang babaeng ito ng patnyarka ng mga Si, kaya kailangan niyang isaalang-alang si Si Ye Han at hindi pwedeng maging masyadong marahas kay Ye Wan Wan.

Agad na ginabayan ni Sun XUezhen si Ye Wan Wan at Qin Ruo Xi patungo sa lugar ng mga katunggali.

Ang dalawang mahalagang bisita, na si Wolf King Senny at Mr. Mu, ay nakaupo sa taas ng lugar ng mga katunggali. Tila bang interesado ang dalawa sa martial arts conference ngayon.

"Susunod, i-aanunsyo ko ang mga patakaran sa martial arts conference."

Pinasadahan ng tingin ni Sun Xuezhen ang kanyang madla, at tuluyan nanahimik ang buong lugar.

"Ang pamilya ng Si, Qin, at Sun ay magpapadala ng limang mga eksperto para makipaglaban. Para naman kay Miss Qin Ruoxi at ako--si Miss Ye din-- ay huling lalaban bilang representante. Mapapagpasiyahan ang mga laban sa pamamagitan ng pagbunot. Manalo ka man o matalo, may tsansa kang makakuha ng personal na paggabay mula kay Wolf King Senny at Mr. Mu."

Nang marinig ng mga eksperto ang kanyang anunsyo, lumabas ang galak sa kanilang mga mukha.

Hindi na mahalaga kung mananalo sila o matatalo. Ang importante ay gusto nilang makatanggap ng gabay mula kay Wolf King Senny at Mr. Mu.

Syempre, ayon doon, kung makakamit nila ang tagumpay sa martial arts conference na ginawa ng tatlong pangunahing aristokratong pamilya, tiyak na sila ang magiging limelight sa kanya-kanyang aristokratong pamilya at mapupunta sa isang importanteng posisyon!

"Miss Qin, ayos lang iyon?"

Matapos na ipinaliwanag ni Sun Xuezhen ang mga patakaran, lumingon siya kay Qin Ruo Xi.

"Oo, malinaw ang mga patakaran. Wala naman akong nakikitang mali doon," sabi ni Qin Ruo Xi habang tumango.

Matapos, sumulyap si Sun Xuezhen kay Ye Wan Wa pero hindi niya ito pinansin, tila bang kinakausap niya ang pangkaraniwang tao tulad ni Ye Wan Wan na mas mababa sa kanya.

Napaangat ang mga kilay ni Ye Wan Wan sa mga salita ni Sun Xuezhen. Sinabi ni Qin Ruo Xi noon na hindi kailangan lumaban ng mga representante, pero parang hindi iyon ang sitwasyon.

Gayunpaman, hindi iyon mahalaga.

avataravatar
Next chapter