1036 Pumunta ka kung nais mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumingin si Qin Ruo Xi kay Ye Wan Wan at nagpaliwanag: "Sinabi sa orihinal na patakaran na hindi kailangan sumabak ng mga representante, pero mukhang nagbago bigla ang mga patakaran. Gayunpaman, nagkukumpara lang naman tayo ng mga tala, kaya titigil tayo bago pa ito sumobra. Sa lakas ni Miss Ye, hindi na magiging mahirap ito, kaya 'wag kang mag-alala."

Napaangat ang mga labi ni Ye Wan Wan nang marinig ito. Nalaman niya na din. Simula noong banquet, laging nagsasalita si Qin Ruoxi alang-ala sa kanya at punipuri sa anumang paraan.

Si Qin Ruoxi… ay nagpaplano na mabigo ako mula sa mga labis na papuri?

Sa una, abot-langit ang itinaas ni Qin Ruo Xi kay Ye Wan Wan sa harap ng lahat at panoorin lang nito na bumagsak siya...

Ang gandang ideya!

Mabilis na nahanda at naayos ang entablado.

Isang propesyonal na pagtangguli na arena nag arean at mayroon ding mga propesyonal na referee para garantisado ang patas ng martial arts conference.

Nakikita ng lahat mismo ang pagkapatas ng kompetisyong ito, jaya wala silang anumang pagtutol.

Binubuo ng referee team ang mga mahuhusay at propesyonal at personal din silang pinili ng mga Sun, ipinapakita kung gaano kataas ang pagtingin nila sa martial arts conference.

Maya-maya, isang katamtamang edaran na referee ang pumunta sa lugar ng mga manonood, may hawak na tubo ng kawayan.

Para garantisado ang patas at mapigilan ang posibilidad na pangdaya, mabubunutan sila. Nakalagay ang mga apelyido ng tatlong pangunahing aristokratong pamilya sa tubo, at ang mga kalahalok ng bawat laban ay nakaukit sa patpat ng kawayan.

"Miss Qin, kung mamari." pagsulyap ni Sun Xuezhen kay Qin Ruo Xi.

Hindi na nagpakadisente pa si Qin Ruo Xi. Nilusot niya ang mga daliri niya sa tubo at kumuha ng patpat.

Tinignan ni Qin Ruo Xi ang patpat. Ikalawang laban: Pamilya ng Qin vs. pamilya ng Sun.

Nang matapos si Qin Ruo Xi, kumuha din si Sun Xuezhen ng patpat mula sa tubo. Unang laban: pamilya ng Sun vs. pamilya ng Si.

"May kabuuan na tatlong pamilya sa conference na 'to, kaya hindi mo na kailagan bumunot," sabi ni Sun Xuezhen kay Ye Wan Wan matapos iabot ang patpat sa referee.

Hindi na tumanggi pa si Ye Wan Wan. Tulad ng sabi ni Sun Xuezhen, mayroon lang na tatlong pamilya sa conference na ito, kaya walang silbi ang pagbunot niya dahilan sa nakabunot na ng patpat sila Qin Ruo Xi at Sun Xuezhen.

Sa upuan ng mga mahahalagang bisita, kinakausap ni Sun Lizhong si Master Mu at Wolf King Senny nang marinig nila ang pagtunog ng tansong tambol. Ag martial arts conference na sama-samang ginawa ng tatlong pangunahing aristokratong pamilya ay nag-umpisa na.

Sa unang laban, ang mga Si ang haharap sa mga Sun.

Kinakabahan ang limang miyembro ng mga Si. Isang aristokratong angkan sa martial arts ang mga Sun, hindi sila maikukumpura ng mga normal na tao dahil sa masagana tulad ng mga ulap. Ang mga eksperto na pinadala ng mga Sun para sa martial arts conference ay malamang na crème de la crème sila ng mga eksperto.

Binubuo ng limang magkakapatid na lalaki ang grupong pinadala ng mga Sun. Nakaranggo sila base sa kanilang lakas, mula sa Eldest Sun hanggang sa Fifth Sun, ang Fifth Sun ang pinakamahina habang ang Eldest Sun naman ay ang pinakamalakas.

"Bing Xin, mauna ka na," sabi ni Sun Xuezhen sa Fifth Sun.

Nang marinig ito ng binata, tinanguan niya si Sun Xuezhen at naglakad patungo sa entablado na may malalaking hakbang.

Hindi nagtagal ay nasa entablado na ang Fifth Sun.

"Ikaw…"

Kasalukuyang tinataya ni Ye Wan Wan ang limang tao mula sa mga Si.

Habang pinanood nila ito, sabay-sabay na umiling ang lima. Ano alam ba ng babaeng ito? Talaga bang gusto niya silang hirangin ng isang utos?!

Kahit na sinabi ni Steward Xu sa lima na makinig sa direksyon at utos ni Ye Wan Wan, walang alam ang babaeng ito sa martial arts, kaya ang mga walang ingat na utos ay makakasira sa ritmo nila.

Matagal na nag-isip si Ye Wan Wan habang nakatingin sa kanila bago siya umiling, "Pumunta ka kung naismo."

Hindi pamilyar si Ye Wan Wan sa limang bagong gwardya mula sa mga Si at ang kanilang mga kakayahan, kaya mas nakakabuti nahayaan sila gawin ang gusto nila.

Gayunpaman, tila bang katawa-tawa ang mga salita ni Ye Wan Wan.

Siya ang representante ng mga Si, pero hindi siya makapagdesisyonat gusto na gawin lang ng mga kakampi niya ang nais nila. Malaking kalokohan!

avataravatar
Next chapter