588 Protektahan siya habang buhay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Para naman sa kung paano kami nagkita…"

Huminga ng malalim si Ye Wan Wan at nagpatuloy sa pagpapaliwanag, "sa simula at simula palang niligawan na niya ako, hindi ko talaga siyia gusto at wala kami sa maayos na tuntunin. Matapos ang lahat, baliw na baliw pa in ang kay Gu Yue Ze at umaasa ako na maiisasalba pa ang relasyon namin. Nagloko ako sa maraming bagay at pati na ang paglaglag sa inyo at kay ge ge."

"Iyon ang pinaka grabe at masakit na punto sa buhay ko, nguni't patuloy pa din siyang nanatili sa tabi ko at hindi ako iniwan - pinrotektahan niya ako, inalagaan at pinagtiisan ang lahat ng pamimilit at mga pagbulyaw ko. Paunti-unti, lumipat ako sa kanya at sa wakas tanggap ko siya…"

Nang marinig iyon ni Si Ye Han, nilingon niya ang mapanlinlang na si Ye Wan Wan at ang kanyang itsura ay…. Hindi na ipaliwanag…

Tinitigan siya ni Ye Wan Wan. bakit ka nakatingin sa akin? May sinabi ba akong mali?

Nagtatrabaho siya sa Si Corporation, hindi ba?

At niligawan niya muna kao, hindi ba? Niligawan niya ako hanggang sa wala na akong daan sa langit at wala ng pintuan sa empyerno…

Hindi niya ako iniwan, tama? Ginamit ko na ang lahat ng paraan na ito upang alugin siya at bigo pa din…

Para sa pagtitiis sa aking pagbubulyaw at pamimilit… hindi ba gumawa ako ng gulo ng mga nakaraan? Ginagalit, binubulyawan, at pinipiit siya - ginagawa ko ang lahat ng iyon araw-araw. Nguni't ang kanyang matigas na mukha ay nanatiling walang imik. Kung hindi pagtitiis ang tawag sa aking pagbulyaw at pamimilit, ano pala ito…?

Kung maniniwala kami sa sasabihin niya, mayroon na kaming GG ng matagal na panahon pa, tama?

"Kita ko na…"

Naging masigla ng kaunti ang mukha ni Ye Shao Ting at Liang Wan Jun at nakita nila si Si Ye Han sa maraming positive light.

Kahit na ang kanyang ama ay hindi wala na, ang kanyang ina ay nasa ibang bansa ngunit ang pinak importanteng bagay ay ang pagtrato niya ng maayos sa kanilang anak at mayroong pirming trabaho.

"Kaya daddy at mommy, walang kahit anong pagtatanggi laban sa kanya dahil lang sa kanyang itsura - siguradong hindi siya gagawa ng kahit anong para ibaba ako. At saka, ang itsura ng iyong anak ay hindi rin ligtas, okay? Kaya patas lang tayo, diba?" ang sabi ni Ye Wan Wan.

"Ikaw ah…" hindi na nakapagsalita si LIang Wan Jun. Tumingin siya kay Si Ye Han at sinabi, "may alam ka dapat kahit unti tungkol sa nakaraan ni Ye Wan Wan, okay - ang batang ito, hindi niya kaya ang maghirap, kaya lalo kaming nagaalala, natatakot kami na masaktan siya ulit. Umaasa kami na makahanap siya ng isang maayos at mabait na lalaki kaya sana hindi mo masyadong isipin ang mga tanong namin ngayon."

Sagot ni Ye Wan Wan, "wala lang iyon."

Alam ni Liang Wan Jun na hindi siya magaling sa salita, ngunit ang kanyang mata ay maliwanag at malinaw, hindi siya mukhang isang manloloko at mas maayos pa kaysa sa mga matatamis magsalita - ang pag-apruba sa kanya ay nadagdagan.

Nagbabala si Ye Shao Ting sa isang malalim boses, "hindi isang laro ang relasyon. Kahit na walang sino man ang may alam sa mangyayari sa hinaharap, umaasa ako na dalawa sa inyo ay magiging seryoso sa isa't isa, ingatan ang isa't isa at maging masayang magkasama."

Tignan ni Si Ye Han ang babae sa tabi niya. Ang lalim sa kanyang mata ay katulad ng isang kalmadong dagat at marahang nagsalita, "pangangalagaan ko siya sa walang hanggan."

Nakita ni Ye Wan Wan ang kanyang malalim na tingin at nagulat; hindi niya inaasahan iyon sa kanyang karakter, nasabi niya ang bagay na katulad nito…

Sa wakas, matapos umupo nila Ye Wan Wan at Si Ye Han kasama ang kanyang magulang, ang kapaligiran ay umaayon at ngayon ito ang una nilang beses na pagkikita, hindi na pinahirapan pa ng kanyang magulang sa pag uungkat pa ng malalim, kaya nagawa nilang lagpasan iyon.

Nang sila ay makabalik sa Jin garden, mayroon pa ding takot na nananatili kay Ye Wan Wan mula sa trauma.

Umakyat si Ye Wan Wan sa hagdan habang nalingon ang kanyang ulo at nagrereklamo ka Si Ye Han. Patuloy na nakasunod sa likod niya Si Ye Han ng tahimik.

Hindi siya nagsasalita sa buong byahe at hindi niya alam kung ano ang nasa isip ni Si Ye Han.

"Sino ang sasagot sa kanilang in-laws ng tanong na ganoon? Sa mga hindi nakakaalam maaaring isipin na hindi mo ako minahal at gusto na makipaghiwalay sa akin! Ay, kalimutan mo na iyon. Masuwerte ka, mataas ang aking EQ, kaya kahit na ikaw ay may kakulangan, kaya kong tapalan ito…"

Nagsalita si Ye Wan Wan ng nakalingon ang kanyang ulo. Sa huli, aksidente siyang tumapak sa hangin at ang buo niyang katawan ay nahulog patalikod. "Ah…"

Salamat, at si Si Ye Han ay nasa kanyang likuran at mahigpit na nakuha siya sa kanyang yakap.

"Uh…"

Hindi ako tumayo ng maayos….

Dumila si Ye Wan Wan at magsasalita na, ngunit sa sumunod na sandali, isang anino ang tumakip sa kanya nang lumiyad sa kanya si Si Ye Han at biglaang hinalikan siya sa kanyang labi.

avataravatar
Next chapter