262 Pribadong pagpulong sa korte

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang insidente, sumasama ang psychological health ni Han Xian Yu at hindi mapigilang mag-alala ni Fei Yang dito.

Tutal, hindi lang naman ang karera at buhay niya ang naapektuhan sa insidente, naapektuhan din ang kanyang mental state.

Mula sa kabaitan ni Han Xian Yu ang pagtulong niya sa mga bata, pero nasira siya at naakusahan pa; hindi siya gumawa ng krimen pero kailangan niyang mamuhay ng may kadustaan sa buong buhay niya,

Dahil ito sa isang sakim na mag-asawa na patuloy ang pagkibkib sa kanya at ang pagkuha nila ng simpatya sa lahat ng tao. Walang duda, pagdating sa hinaharap, aasa sila sa napakamahal na pabuya para lang mamuhay ng marangya.

Kung hindi dahil sa batang lalaki na nagpakita ngayon, pipilitin ng kumpanya si Xian Yu na personal ayusin ang gulo. Kung nangyari ito, hindi niya masasabing kakayanin ito ni Xian Yu o hindi.

Nang makita na tahimik si Han Xian Yu, inaliw ito ni Fei Yang, "'Wag kang masyadong malungkot. Hindi ba pumayag si chairman Chu na susubukan niya ang bata? Baka mapaikot niya ang mga nangyayari ngayon? Kung walang solusyon si Ye Bai, duda akong magkakaroon siya ng lakas ng loob na magsalita sa meeting…"

Hindi na inisip pa ni Fei Yang ang mangyayari kapag nabigo si Ye Bai...

O… paano kapag may mga masama itong intensyon?

Nang marinig ang pangalan ni Ye Bai, bahagyang gumalaw mga mata ni Han Xia Yu at isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang madilim na mata.

Matapos ang tahimik na sandali, dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata at napunta sa kailaliman ng kanyang pag-iisip.

Dalawang araw na nakalipas.

Tinipon nila Mr. at Mrs. Zhao ang mga pahayagan at ang "Crusade Congress" na magtipon tulad ng usapan. Gumawa din sila ng live telecast.

Idinemanda na nila si Han Xian Yu, pero nagkaroon pa din sila ng press conference bago ang pagpupulong sa korte--hindi ba parehas lang ito ng pagpupundar ng isang pribadong pagpulong sa korte?

Para hindi maapektuhan ang mood ni Han Xian Yu, pinatay ni Fei Yang ang telebisyon at internet cable at kinuha pa ang telepono ni Han Xian Yu.

Nang akala niya wala ng lusot, biglang tumunog ang personal na phone ni Han Xian Yu.

Ipinakita ang pangalan ni Ye Bai sa caller ID.

Nang makita ito, agad-agad namang sinagot ito ni Fei Yan at maingat na nagsalita, "Hello, Mr. Ye?"

"Buksan niyo yung live telecast." Hindi na nagtatumpik-tumpik pa si Ye Bai at agad na dumeretso sa punto.

Nagulat si Fei Yang sa hiling ni Ye Bai, "Ngayon na?"

Ye Bai: "Oo."

Nag-alinlangan si Fei Yang bago sumagot, "Sige, akong bahala."

Agad na binuksan ni Fei Yang ang live telecast sa kanyang kompyuter at kumatok sa kwarto ni Han Xian Yu. "Xian Yu… Xian Yu… gising ka ba?"

Nang pumasok si Fei Yung sa kwarto, ang malakas na amoy ng alak ang nakapalaganap sa lugar.

Nakahiga si Han Xian Yu sa sahig at isang nakabaligtad na bote ng wine ang nasa tabi niya. Hindi man lang siya sumagot ng tinawag siya ni Fei Yang.

Parehas na nagagalit at namimighati si Fei Yang sa nakitang estado ni Han Xian Yu, pero alam niya na kapag hindi niya hinayaang ilabas ni Han Xian Yu ang kanyang galit, mababaliw lang ito kaya hindi na siya pinigilan pa ni Fei Yang.

"Tumayo ka dali, tumawag si Mr. Ye, gusto niyang panoorin natin ang press conference."

Sa Imperial City grand hotel:

Ang pinakamalaking multi-functional conference hall ng hotel ay puno ng daang-daang reporters mula sa mga iba-ibang media, at ang tatay ng babae, si Zhao Da Yong at ang kanyang nanay, si Li Qiao Hong, ay parehong nakaupo sa entablado.

May pagkabilog ang katawan ni Zhao Da Yong, may maiksi din siyang buhok at may suot na lumang itim na suit na hindi masyadong nagkasya sa kanya. Mabigat ang kanyang tono sa sinabi, "Gusto ho naming magpasalamat sa media sa pagtulong po sa aming pamilya. Isang superstar si Han Xian Yu--mayaman at makapangyarihan, kaya hindi po madali para sa aming ordinaryong tao na makakuha ng hustisya. Pasalamat na lang po, may mga mabubuting puso na nagbigay ng tsansa sa amin ng asawa ko para makapagsalita, kung hindi, hindi na po namin alam ang gagawin…"

avataravatar
Next chapter