299 Pool party

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sinusubukan ni Ye Wan Wan na maging pamilyar sa kanyang trabaho habang abala siyang nag-aayos ng handover procedures. Umabot siya ng gabi sa kaka-ayos ng mga papeles.

Nang makita ni Ye Wan Wan na pa-gabi na, huminto siya sa kanyang ginagawa para mag-unat, niligpit niya ang mga papeles at naghanda siyang umuwi.

Kahit marami pang mga gawain na dapat matapos at matutunan, masaya siya sa nakuha niyang trabaho-- ramdam niya ang halaga ng buhay niya.

Pagkaalis ni Ye Wan Wan ng opisina, nagsimula siyang maglakad sa may sidewalk. Nagulat siya dahil sa malakas sa busina na galing sa kanyang likuran. May kulay pilak na gray Porsche ang mabagal sumusunod sa kanyang paglalakad.

May nagbaba ng bintana ng kotse at sa loob ay isang gwapong lalaki ang nagma-maneho.

"Ye Bai!" tinawag siya ng lalaki.

Huminto sa paglalakad si Ye Wan Wan nang bigla siyang nagulat. "Han Xian Yu?"

"Pasok ka."

Alam ni Ye Wan Wan na makakaabala kapag matagal na nakahinto ang kotse sa kalsada, kaya mabilis siyang pumasok sa pampasaherong upuan. "Napadaan ka lang ba?"

Sinalubong siya ng masarap na ngiti ni Han Xian Yu, "Hinintay talaga kita! Pinahirapan ka ba masyado ni Zhou Wen Bin? Tsaka unang araw mo palang sa trabaho, bakit nag-overtime ka agad?"

Kumulot ang labi ni Ye Wan Wan habang mayabang niyang sinabi, "Baka kaya niya akong pahirapan!"

Ibig sabihin, hindi siya nahirapan sa ginawa ni Zhou Wen Bin.

"Sabi ko na eh, hindi ka niya kakaya-kayanin!" ngumisi sa pagkatuwa si Ha Xian Yu.

"Hindi ba… may trabaho ka pa?" nag-aalalang tumingin si Ye Wan Wan kay Han Xian Yu.

Dapat lang maging busy si Han Xian Yu ngayon dahil natapos na ang kaso sa batang babae. Halos daan-daan na reporters ang gustong mag-interview sa kanya, kaya nilang gumawa ng pila na nakapalibot sa buong Imperial City, ganoon sila karami.

Ngunit, pagkatapos niyang mag-post sa Weibo ng pagpapasalamat sa lahat ng nagsuporta sa kanya, wala siyang tinanggap na interview o kahit lumabas sa publiko ay hindi niya rin ginawa. Nag-aalala ang mga fans niya na baka na-dismaya siya dahil sa nakakasirang puri na insidente. Nag-aalala sila na baka umalis na si Han Xian Yu sa entertainment industry.

At simula nung nag-iba ang kapalaran ni Han Xian Yu, hindi na mahulaan ni Ye Wan Wan ang mangyayari sa kanyang hinaharap.

Nanlambot ang puso ni Han Xian Yu sa nag-aalalang itsura ni Ye Wan Wan. "Nagpahinga muna ako ng ilang araw. Oo nga pala, may party yung kaibigan ko ngayong gabi, gusto mo bang sumama sa akin? Maraming tao na nasa industriya ang dadalo; pwede kitang ipakilala sa kanila!"

Naubos ang lakas niya sa pisikal at mental na aspeto.Kahit maayos na ang kaso, may epekto pa rin iyon sa kanya kaya wala siyang lakas para makapagtrabaho ng ilang mga araw.

Inaalala ng manager niya na baka may masamang mangyari sa kanya, kaya pinilit siyang lumabas ng bahay at nautusan rin siyang tanggihan ang mga tsismis na aalis siya ng entertainment industry.

Bumagal ang takbo ng sasakyan at sa wakas, nakarating na sila sa Dazzling Media.

Inisip ni Ye Wan Wan ang imbitasyon ni Han Xian Yu. Kailangan niya talagang makabuo ng network ng mga taong makakatulong sa kanya at alam niyang tinutulungan siya ni Han Xian Yu para dito, kaya masaya siyang sumagot, "Sige, wala naman akong gagawin ngayong gabi! Salamat sa pag-imbita!"

Nalungkot si Han Xian Yu kanina, pero nang marinig niya na sasama si Ye Wan Wan, mabilis na sumaya ang kanyang itsura.

...

Nabigla si Ye Wan Wan pagkarating nila sa party.

Ang party ay nasa isang outdoor swimming pool. May mga magagandang babae na naka bikini at mga baguhan na naka swimming trunks, nagtatawanan sila at mukhang nagsasaya habang nasa pool.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pool party pala ang pupuntahan natin?"

"May problema ba?" naguluhan si Han Xian Yu

Kumunot si Ye Wan Wan, "Wala…"

Buti na lang at hindi lahat ng nandoon ay naka-bathing suit-- may mga kasing edad niya na naguusap-usap sa isang gilid na nakasuot ng pang pormal.

avataravatar
Next chapter