1100 Pinapahintulutan ko ito

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pinaliwanag ng maigi ni Ye Wan Wan mga pangyayari.

"Ayun pala ang nangyari… pero… mas ligtas na mag-damit panglalaki dahil babae ka pa naman! Siguro, nag-aalala sayo si Mr. Si noong una!" Tumango sa pagkakaintindi si Jiang Yan Ran.

Kumurap si Chu Feng at bigla siyang bumulong, "Sa totoo lang, hindi na rin naman ligtas ang lalaki sa panahon ngayon…"

Jiang Yan Ran: "Anong sinabi mo, Chu Feng?"

"Wala, wala! Ang gusto kong sabihin ay hindi ba pwedeng mag damit na panlalaki si Ye Wan Wan kapag nagsasalo-salo tayo? Gusto na rin naman nating makita ang idolo natin sa hinaharap 'di ba?" Sabik na sinabi ni Chu Feng.

Jiang Yan Ran: "Ah, Tama!"

Ye Wan Wan: "... Totoo naman iyon."

Pagkatapos ang kalahating araw ng kaguluhan, kalmado na sa wakas sila Jiang Yan Ran at Chu Feng.

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. "Kalmado na ba ikaw? Pwede na ba nating pag-usapan ang pakay ko dito?"

Tinaas ni Jiang Yan Ran ang kanyang kamay. "Wan Wan, may sasabihin ako sayo!"

"Ano iyon?"

"May gusto lang akong sabihin!"

Nagtanong si Ye Wan Wan, "Ano yun?"

Umiyak si Jiang Yan Ran, "Bakit hindi ka lalaki noong ipinanganak ka ni Tita? Hay, nakakalungkot…"

Kumibo ang labi ni Ye Wan Wan. "Tama na yan. Yung puso ni Chu Feng mo nasasaktan na."

Suminghot at bumulong si Chu Feng, "Okay lang sa akin basta't si Sister Wan Wan naman…" 

Ano pa ba ang magagawa niya kung tututol siya sa isang nakakatakot na karibal sa kanyang minamahal!

Ye Wanwan: "…"

"Oo na, kalmado na ako, kalmado na. Ano ang gusto mong sabihin, Wan Wan?" Seryosong hinintay ni Jiang Yan Ran ang sasabihin ni Ye Wan Wan.

Seryosong nagtanong si Ye Wan Wan, "Yan Ran, alam mo ba ang bagong pelikula ni Director Peng Yuan Hu?"

Pinag-isipan ito ni Jiang Yan Ran. "Bagong pelikula ni Peng Yuan Hu? Yung… Jasmine?"

"Tama."

Tumango si Jiang Yan Ran. "Oo naman alam ko iyon. Balita ko hindi sila makahanap ng angkop na female lead sa lumipas na kalahating taon, kaya hindi pa siya nagsimulang mag-shooting! Bakit mo naman natanong, Wan Wan?"

"Magkakaroon ng open auditions si Director Peng para sa female lead sa lahat ng major theatre schools. Gusto ko sana na mag-audition ka," prinangka na siya ni Ye Wan Wan.

"Ako?" Binalot ng pagkagulat si Jiang Yan Ran. "Pelikula iyon ni Director Peng Yuan Hu! Bakit ako mag-o-audition? Hindi ako makukuha doon!"

Kamladong nagsalita si Ye Wan Wan, "Maniwala ka sa akin. Sapat na ang abilidad at ang mga pamantungan mo. At tsaka, inaral ko na ang script ng pelikula, at ang bagay sayo ang bawat aspeto nito."

Nangangamba pa rin si Jiang Yan Ran. "Pero… hindi naman pumasa ang mga A-listers at ang mga super A-listers na nag-audition noon, kaya paano pa ang isang college student na hindi pa nagsisimula sa career…"

"Malaking kalamangan mo ang katotohanan na hindi ka pa narurumihan ng entertainment industry. Kung ang gusto ni Director Peng ay ang mga superstars na may buhat dahil sa kanilang kasikatan, bakit hindi niya pinili ang mga ito? Hindi sila nakapasa sa auditions, kaya ang ibig sabihin nito ay ayaw ni Director Peng ang ganoong klase ng female lead," Sabi ni Ye Wan Wan.

Hindi pa rin naniniwala si Jiang Yan Ran. "Pero… kaya ko ba?"

Kahit na mahusay si Jiang Yan Ran, ang personalidad niya ay malambot pa rin dahil prinotektahan siya ng todo at hindi niya pa nakikita ang realidad.

Nanahimik ng saglit si Ye Wan Wan. Bigla siyang may naisip at nag-iba ang kanyang tingin. Iniba niya ang boses niya at naging boses ito ni Ye Bai habang dahan-dahan niyang sinasabi, "Bakit hindi mo subukan, kahit na magtagumpay ka man o hindi? Kunin mo ang oportunidad na ito bilang experience! Hm? Ano, pupunta ka?"

Agad na sumagot si Jiang Yan Ran, "Pupunta ako!"

Ye Wanwan: "…"

Makapangyarihan talaga ang salita ng isang idolo...

avataravatar
Next chapter