394 Pinapa-inom ng Medikasyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Tapos… ano pala ang gagawin natin? Kritikal na ba ang kondisyon niya?" nagugulahan na sa sobrang takot si Liu Ying.

"Kailangan namin muna siyang bigyan ng medikasyon para maging panatilihin ang kondisyon niya, pero temporaryong solusyon lang ito. Kailangan niyang pumunta sa ospital para lalo siyang ma-eksamina!" tinurukan ng gamot si Si Ye Han ng doktor, mabilis siyang pumunta sa medicine box at kumuha siya ng pills para kay Si Ye Han.

Sa sobrang panic niya, lalong ring gumulo ang kanyang kilos--kahit anong gawin niya, hindi niya maipalunok kay Si Ye Han ang mga pills.

Nagkakagulo ang lahat ng mga tao na nasa kwarto na iyon...

Sa oras rin na iyon, may narinig silang malakas na bang na galing sa pintuan.

May tao na nagmadali na pumasok sa kwarto.

Pagkapasok ni Ye Wan Wan, ang nakita niya lang ay nakahiga si Si Ye Han sa kama na may namumutlang mukha, andoon rin sila Liu Ying at ilang mga matataas na empleyado, gayundin ang ilang mga doktor na pumapalibot kay Si Ye Han.

Sinubukan ng mga doktor na ito na palunokin ng pills si Si Ye Han, pero bigo sila kahit ilang ulit nilang subukan. Nagkaroon tuloy ng basa na marka ang damit ni Si Ye Han dahil sa ilang ulit ng pagpapasak ng pills sa bunganga niya.

Nagsalita ang isang pagod na doktor, "Ano nang gagawin natin ngayon…"

Habang naguguluhan at puno ng pangamba si Liu Ying na nasa bedside, naantala siya sa tunog na 'bang' na nanggaling sa binuksan na pintuan. Bigla siyang sumigaw sa sobrang galit, "SINO YAN? Punyeta, 'wag kang pupunta dito para lang manggulo!"

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang walang malay na lalaking nakahiga sa kama. Makikita ang bakas ng pag-alala sa kanyang mukha habang naglalakad siya pautngo sa kama.

Makikita ang inis sa mukha ni Liu Ying nang makita niya na si Ye Wan Wan pala ang taong iyon, "Parang awa mo na, umalis ka dito! 'Wag kang humarang sa daan! Kung hindi…"

Hindi na naabala si Ye Wan Wan sa kanya; ang titig niya kay Liu Ying ay parang matalim na kutsilyo na sinasaksak si Liu Ying na nakaharang sa daanan niya. "UMALIS KA DIYAN!"

Pagkatapos niyang magsalita, dinaanan niya na lang si Liu Ying at pinagtutulak niya palayo ang mga doktor, kinuha niya ang pills at isang basong tubig galing sa doktor. Nilagay niya ang pills sa kanyang bunganga, uminom siya ng tubig at sa harap ng maraming tao, binalot niya ang labi ni Si Ye Han sa kanyang labi...

Dalawang beses lumagok ang lalamunan ni Si Ye Han. Ang pills ay nakaipit sa kanyang dila at dahan-dahan silang dumaan sa bunganga ni Si Ye Han…

Tatlong segundo lang ang tinagal ng prosesong ito.

Itsura ng lahat: "..."

Si Xu Yi, ang mga empleyado at mga doktor ay nakatayo doon at nabigla sa nakita nila. Kahit ang galit na nasa mukha ni Liu Ying ay nanigas.

Bago pa maintindihan ng lahat ang nanagyari, nakakuha na agad ng malinis na mga damit si Ye Wan Wan galing sa aparador at mabilis niyang tinggal ang butones ni Si Ye Han para palitan ang basang damit ng lalaki.

Nakahinga ng maayos ang lahat nang makita nilang naisaayos na ni Ye Wan Wan ang kanina'y mahirap nilang problema.

"Maraming-maraming salamat, Miss Wan Wan!" nalulugod na sinabi ni Xu Yi.

Nagpasalamat rin sa kanya ang mga doktor: "Pasalamat tayo kay Miss Wan Wan!"

Nanahimik si Liu Ying. Hindi man siya nasisiyahan sa nangyari, humupa naman kahit papaano ang inis na kinikimkim niya.

"Kamusta ang kondisyon ni Si Ye Han?" tanong ni Ye Wan Wan.

Sa wakas, alam ni Ye Wan Wan ang dahilan kung bakit maraming pinagdaanang hirap si Si Ye Han at ang iba pa sa una niyang buhay. Isa sa mga rason ay ang dahilan na naging brutal sa kanya ang mga tao, ang pangalawa naman, ay isa sa mga importanteng rason sa paghihirap ni Si Ye Han. Si Si Ye Han ay biglang nagkaroon ng malalang sakit.

Sobra ang pag-aalala ni Ye Wan Wan sa kalusugan ni Si Ye Han pero sa huli, ang inaalala niya ay nagkatotoo na.

Dahil sa malakas ng pressure sa trabaho at sa mahabang biyhae, ang tinatagong sakit ni Si Ye Han ay biglang na-trigger at lumabas ang mga sakit niya ng walang pasabi.

Hindi pa naman kritikal ang kondisyon ng katawan ni Si Ye Han noon - hindi siya makikita na nanghihina at para sa lahat, si Si Ye Han ay parang isang diyos na hindi naapektuhan ng kahit ano, kahit pa ilang beses siyang sinabihan ng mga doktor na hindi kakayanin ng katawan niya kapag nagpatuloy siyang magtrabaho.

Kaya ngayon lang nalaman ng lahat na hindi pananakot ang babala ng doktor tunggkol sa kondisyon ni Si Ye Han; pero ang BOSS, ang master nila ay umabot na sa kanyang limitasyon...

avataravatar
Next chapter